b

350 20 10
                                    

JANXENT ANDREI REGALDON

Wala kaming pasok ngayon at nandito ako sa isang Café malapit sa University na pinapasukan ko.

Sinigurado ko kagabi pa lang na maaga akong gigising ngayon. Ayoko nang maulit ang nangyari noong isang araw dahil kung hindi naman sa pagiging makakalimutin ko sa pag-alarm ay hindi naman ako hahantong sa sitwasyong ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang si Rexlion Guilien na kapatid ni Aica Guilien na babaeng matagal ko nang nagugustuhan ang kikitain ko ngayon.

Wala akong ideya sa itsura niya dahil wala naman akong kainte-interes sa kaniya. Nalaman ko lang na Rexlion Guilien ang pangalan niya noong High School ako.

Siya kasi ang kumanta noon sa opening ng Intrams pero hindi ko naman nasilayan ang mukha niya dahil noong lingunin ko siya ay nakatalikod na siya at paalis na.

Kaya hanggang ngayon ay hindi ko alam ang itsura nang kikitain ko...

Napalingon ako sa front door ng Café nang marinig ang tunog ng bell niyon. Senyales na may pumasok mula roon. Nang lingunin ko iyon ay isang lalaki ang nakatayo roon na lumilinga-linga.

Hindi ko maiwasang mapatulala sa kaniya. Alam kong maging ang ibang customer doon ay nakatitig din sa kaniya ngayon.

Artista ba siya?

Iyon ang unang tanong na pumasok sa aking isip nang pasadahan ko siya ng tingin. Matangkad siya. Medyo moreno na bagay sa kaniyang suot na black polo shirt at maong pants na sinabayan pa ng black sneakers.

Malaki rin ang katawan niya. May mga matatangkad na makikitid ang katawan, hindi tulad ng sa kaniya. Kahit medyo loose ang suot niyang polo shirt ay halata mong malapad ang balikat niya.

Napaisip tuloy ako kung gaano siya kadalas bumibisita sa gym.

Umangat ang tingin ko sa mukha niya.

Bagsak na buhok na ikinorte patalikod. Matangos na ilong. Makapal na mga kilay. Mahahabang pilik mata. Mapupungay na mga mata na bahagyang natatakluban ng suot niyang salamin. Natural ang pagkapula ng mga labi niya.

Tangina, kahit lalaki ako ay hindi ko maiwasan ang mamangha sa mukha niya. Sa sobrang perpekto nito ay hindi ko man lang siya mahanapan ng kahit isang pintas.

Ngayon niyo sabihing nilikha tayong lahat ng Diyos na pantay-pantay.

"Uh, Sher, wen teybel pe?" Halos hindi na maintindihan ang sinabi ng lumapit na babaeng staff.

Saglit ko pang pinag-isipan ang sinabi nito. Tinatanong niya pala rito, 'one table po?'

Ayos-ayusin mo naman kasi, Ate!

Tang ina, bakit noong ako iyong pumasok kanina walang namang nagtanong sa akin? Ito ba ang tinatawag nilang 'pogi priviledge'? Pogi rin naman ako, a? Dami ngang nagkakagusto sa 'kin.

Iyon nga lang ay hindi ko sila pinapatulan dahil isang babae lang naman ang gusto kong makasama habang buhay.

Wala sa sarili akong napatawa.

Nasalo ko ang bibig ko nang bigla akong lingunin ni kuyang nakasalamin. Nagtama ang tingin naming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit kahit pilitin kong mag-iwas ng tingin ay hindi ko magawa. Parang may magnet ang malalalim niyang tingin. Pero pinilit ko talagang umiwas ng tingin.

"I'm with someone," saad noong lalaking mukhang artista.

Nagmistula akong estatwa sa aking kinauupuan.

Your ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon