n

251 18 10
                                    

JANXENT ANDREI REGALDON

TW: traumatic experience and abuse.

"Mr Regaldon, answer number one on the board."

Ano kaya 'tong pakiramdam na 'to?

Iyong bigla na lang kumakabog nang mabilis itong dibdib ko. Natutuliro ako nang walang dahilan. Iniinit ang katawan ko kahit malamig naman ang panahon. Lagi akong binabalisawsaw.

Hindi ko naman 'to nararamdaman sa iba, kay Kuya Rexlion lang...

Kapag ngumingiti siya, laging tumatalon ang puso ko, animo'y tambol sa lakas ng kalabog. Kapag tinititigan niya ako gamit ang mga mata niyang mabulaklak sa mga kwento ay naninikip ang dibdib ko dahilan para hindi ako makahinga nang maayos. Ang mga daliri niyang sumasalat sa aking balat ay tila may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko patungo sa aking puson dahilan upang lagi akong balisawsawin.

Nakakairita! Nakakainis! Nakakabwisit!

Ano ba kasi 'tong lintik na 'to?

"Mr Regaldon..."

Hindi naman siguro dahil... gusto ko siya?

Hindi kasi posible 'yon... Hindi talaga.

Unang-una sa lahat, straight ako. Straight pa sa ruler. Hindi ako nagkakagusto sa lalaki at alam kong hinding hindi ako magkakagusto sa kapwa kong kasarian. Wala pa man akong nagiging girlfriend pero hindi kailan man sumagi sa isip ko na mag-boyfriend.

Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nasa iisang relasyon na lalaki ang karelasyon. Hindi ako nandidiri, sadyang hindi ko lang talaga malarawan sa isip ko.

Kaya imposibleng may gusto ako kay Kuya Rexlion.

Hindi naman kaya dahil nate-tense lang ako na kuya siya ni Aica? Pero hindi ba't wala na dapat akong ika-tense dahil wala na rin naman akong nararamdaman sa kaniya?

Ewan ko. Ang gulo!

"Mr Regaldon!"

"Ang gulo!" Gulat na gulat kong sigaw nang biglang hampasin ni Mrs Bernardo ang desk ko.

Tangina! Kanina pa niya ata ako tinatawag at hindi ko iyon napapansin dahil sa kung anu-anong naglalaro sa isip ko.

"Magulo ako, Mr Regaldon? Why, am I interrupting your daydreaming?" Nakataas ang mga kilay niyang tanong sa akin.

Bigla ay kinilabutan ako sa paraan nang kaniyang pagtitig. Ang kaliwa niyang kilay ay animo'y toreng pagkataas-taas. Habang ang isang mata niya ay nanlilisik na nakatitig sa akin, kumikibot kibot sa sobrang galit. Dagdagan mo pa ang mga nguso niyang tumataklop sa mga ngipin niyang nagngi-ngit-ngit.

Nakakatakot. Nakakakilabot.

Si Mrs Bernardo ay isang mataas na propesor sa aming departamento. Siya rin ang terror pa sa terror na mga professor. Siya lang naman ang kinatatakutan ng lahat ng mga estudyante rito sa department namin. Ayaw na ayaw naming nagiging prof 'yan dahil mahilig mamahiya ng estudyante.

Lalo na kapag tinanong ka niya at hindi ka nakasagot. Asahan mo na agad na uuwi kang lumuluha dahil sa mga sasabihin niya sa 'yong below the belt.

Hindi ko lang din talaga ma-gets 'tong si Mrs Bernardo. Ang mga estudyante ay pumapasok sa eskwelahan upang matuto, kaya't ang hindi ko maunawaan ay kung bakit ang taas-taas ng expectations niya sa mga mag-aaral niya. Iyong tipong dapat kapag pumasok ka ay alam mo na ang lahat. Na kahit hindi siya magturo ay dapat alam mo na kung paano ang gagawin.

"H-Hindi po, Ma'am," nanginginig ang boses kong sabi.

"You're supposed to listen to my discussion... But what were you doing? Daydreaming! Bakit ka pa pumasok, Mr Regaldon!" Sa una ay makalma lang ngunit bigla siyang bumulalas sa galit.

Your ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon