c

310 16 3
                                    

JANXENT ANDREI REGALDON

Sparring buddy?

Palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon ang hinihinging kapalit ni Kuya Rexlion.

Nasa classroom ako ngayon at nakapangalumbabang nag-iisip. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang pagkikita namin ni bayaw. Naibalik niya na rin sa akin ang selpon ko at na-delete ko na rin ang PicsArt ko.

Ngunit iyon nga lang ay suwapang din pala ito at gusto pang may kapalit ang ginawa niyang kabutihan. Pero sa kabilang banda ay dapat lang naman talaga siyang manghingi ng kapalit sa pagbabalik ng selpon ko.

Iyon nga lang ay sa dinami dami nang hihingin niyang kapalit ay bakit ang pagiging sparring buddy niya pa?

Teka, gusto niya ba akong bugbugin?

"Lalim nang iniisip mo, a? Hulaan ko. Si Aica na naman?" Kalabit sa akin ni Trexi.

"Kuya niya," wala sa sariling sagot ko.

Bumuntong hininga ako saka tinanaw ang labas ng classroom mula sa bintana.

Sparring buddy...

"Ano? Kuya niya? Si Rexlion Guilien?" Parang kiniliti ang tagiliran niyang pagtatanong.

Isa pa itong OA, e.

"Oo. Naalala mo noong naiwan ko 'yung phone ko sa bahay? Nahulog ko pala sa bus. Sakto at kuya ni Aica ang nakapulot," paliwanag ko saka muling bumuntong hininga.

Sparring buddy...

Paraan niya ba iyon para bugbugin ako dahil nalaman niyang gusto ko ang kapatid niya?

Teka, may sinabi ba ako sa kaniyang gusto ko ang kapatid niya?

Hindi pa ba halata, Andrei? Hindi ba nga't huling huli ka na sa kajeje-han mong lock screen?

Napapikit ako nang mariin.

Nakakahiya ako!

"Oh, tapos? Ano'ng nangyari?"

"Ayon, nag-meet-up kami," ani ko na wala pa rin sa sariling ulirat.

Napabalik ako sa katinuan nang bigla niya na lang akong hampasin.

"Aray!" Sigaw ko dahil sa kirot nang ginawa niya.

"Bakit hindi mo 'ko sinama? Gago ka, crush na crush ko 'yon! Sana man lang sinabihan mo 'ko!" Pag-iinarte niya saka ilang beses pa akong pinaghahampas.

"Aray ko! Teka nga! Malay ko bang crush mo 'yon! At tsaka, hindi ko naman alam na siya ang nakapulot ng selpon ko!"

"Matagal ko ng crush 'yon! S'ya 'yung palagi kong ik-i-ni-kwento sa 'yo na sikat na vocalist ng ICT! Hindi ka kasi nakikinig! Puro ka na lang Aica, Aica, Aica!" Patuloy lang siya sa paghampas sa akin.

"Aray ko! Napakasadista mo talaga, Trexi!" Ako na patuloy lang ang pagsalo sa mga kamay niya.

So, si Rexlion Guilien pala iyong bukambibig niyang kinababaliwan niya sa ICT Department.

Nakikinig naman ako sa mga kwento niya. Iyon nga lang ay mas lamang pa rin talaga ang pag-daydream ko kay Aica. Nandiyan iyong kinasal daw kami tapos nagkaroon ng labing walong anak.

"Kadiri ka, Andrei! Ngi-ngiti-ngiti ka na naman," naputol ang pananaginip kong gising. "E, ano nga palang nangyari no'ng nag-meet kayo? Naibalik ba 'yung phone mo?"

Bumalik ako sa reyalidad at napatango nang mabagal.

"E, ano'ng ikinalulukot ng mukha mo kanina? Ni-reject ka ba niya para kay Aica?"

Your ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon