JANXENT ANDREI REGALDON
"'Wag na lang kaya akong tumuloy?"
"Tanga ka, Drei! Kung hindi ka tutuloy, paano na lang 'yung pangarap mong labing walong anak kay Aica? Para ka na lang ding nang-abandona ng mga anak! Wala kang kwentang ama, Drei!" Wika ni Trexi sa kabilang linya.
Tila nabuhayan ako sa isiping iyon.
Ang pinapangarap kong labing walong anak at ang magiging ina nilang si Aica Guilien.
Kailangan mong tatagan ang sarilin mo, Andrei! Para sa tatlong team ng basketball!
"Tama ka, Trexi! Paalam na at uumpisahan ko nang buoin ang mga magiging pamangkin mo!" Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at pinatay ko na ang tawag.
Mataas ang tinging tiningala ko ang building na ngayon ay nasa harapan ko.
Physical Education Room.
Dito ako pinapunta ni brother-in-law. Dito raw kasi siya nag-ti-training ng sparring.
Sparring ang sports niya. Nag-research na ako patungkol sa kaniya dahil tama ang sinabi niya noong nag-meet kami sa Café. Hindi ako nag-check ng family background ng mapapangasawa ko. Kaya nang pag-uwi ko ay iyon ang inatupag ko.
Doon ko nalaman na ang buo niyang pangalan ay Rexlion One Guillien. Natawa pa nga ako dahil akala ko ay biro lang na ang second name niya ay One. Ang rare kasi.
Ngunit para akong napahiya nang malaman na kaya pala siya pinangalanang One ay dahil siya ang tinalagang unang magmay ari ng mga ari arian ng pamilyang Guilien.
Kung mayaman siya ngayon ay gaano na lang kapag napasakamay na niya ang mga negosyo't lupa't kagamitan ng buong pamilya niya.
At hindi lang iyon, parang ipinagkaloob talang maging One ang pangalan niya dahil siya lang naman ang number one sa lahat ng bagay.
Top one sa acads since elementary hanggang ngayong college. Top one sa lahat ng competition na nilabanan niya. Kaya nga ayokong nang tumuloy ngayon dahil siya lang naman ang undefeated champion sa larangan ng sparring.
Tangina talaga! Paano na lang ang kinabukasan ko?
Marami akong nalamang impormasiyon patungkol sa kaniya. Halos umagahin na nga ako kagabi sa kakahalughog ng buhay niya.
Nalaman kong ang favorite color niya ay blue. Bicol express naman ang sa ulam. Mahilig din siya sa kahit anong cold drinks. At iyon ngang sinabi ni Trexi na vocalist nga itong si bayaw.
Gusto ko pa nga sanang manood ng mga performance niya kaso antok na antok na ako kagabi.
Napatigil ako sa napagtanto.
Mukhang sumobra ata ang pag-ba-background check ko.
E, bakit ba? Siya ang nagsabing dapat akong mag-background check, 'di ba?
Teka... may sinabi ba siya?
"You look occupied. Penny for your thoughts?"
OA na kung OA pero napatalon talaga ako nang may magsalita sa likod ko.
Nang lingunin ko ang pamilyar na malalim niyang boses ay nakakunot noo na siyang nakatingin sa akin.
"Uh... nag-iisip lang ng effective stretching bago tayo mag-umpisa," palusot ko.
Mas lalong lumukot ang noo niya at matama akong tinitigan.
Ito na naman ho siya sa mga tingin niyang malalalim. Bakit ba ganiyan siyang makatingin lagi? Aware ba siya na nakakakaba ang paraan niya nang pagtingin?
BINABASA MO ANG
Your Force
RomanceLPHBT Series #1 (a bl story) Janxent Andrei Regaldon, a guy with a troubled past, tries to start fresh by enrolling in a new school. There, he meets Rexilian Aica Guilien, a girl who instantly captivates him. Too shy to approach her, he watches from...