l

228 15 5
                                    

JANXENT ANDREI REGALDON

"Why are you with him, Aica?"

"We were just talking," nakangiting tingala ng nasa harap ko sa nasa likod ko.

Mas malawak na ngayon ang ngiti ni Aica na akala mo ay may ipinapahiwatig sa kausap. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nililingon ang tinitignan niya. Hindi ako makalingon dahil natatakot ako. Baka mamaya kapag hinarap ko siya ay bigla niya na lang akong bigwasan. Lalo na ngayon na nahuli niya pa kaming magkasama ng kapatid niya.

"About what?"

Naramdaman ko ang paglakad niya patungo sa gawing kanan ko. Mas lalo akong nanigas sa kinauupuan at nang hindi ko na kinaya ay nilingon ko na siya. Bagaman kay Aica niya itinanong iyon ay  nakakagulat lang na sa akin siya nakatingin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang i-greet. Pero nanatili na lang akong hindi kumikibo.

Kahit natatakot ako sa kaniya ngayon ay hindi ko maiwasang magtampo sa kaniya. Sabi niya kasi noong nakaraan ay friends na kami pero bakit bigla niya na lang akong g-in-ost?

"Kahit ano lang," ani ni Aica na malapad pa ring nakangiti.

"Paupo ako."

Natigilan ako nang bahagya niya akong pausugin.

Bakit sa akin pa siya tatabi gayong maluwag din naman ang espasyo sa tabi ng kapatid niya? Hindi kaya pasimple niya akong kukurutin?

Wala na akong nagawa dahil sa takot ay dumusog na lang ako. Wala siyang inaksayang oras at agad na inukupa iyon. Nang makaupo siya ay nagtama ang aming paningin. Gusto ko sanang bawiin iyon ngunit masiyadong malalim ang mga tingin niya. Parang hinihitak ako... Parang pinipigilan akong mag-iwas... Parang nahuhulog ako—

"Kumusta?"

Binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko nang itanong niya iyon. Bahagyang umawang ang mga labi ko na agad ko ring itinikom.

Kamusta? Tinatanong niya ako kung kamusta ako? Siya ang kamusta? Kamusta at bakit bigla siyang hindi nagparamdam? May friends bang gano'n?

Tumikhim ako. "Ayos lang naman. Ikaw ba?" Hindi ko naiwasang magtunog sarkastiko iyon.

"Ayos na ayos," bahagya siyang ngumiti nang sabihin iyon.

Edi good for him. Ayos na ayos pala, e. May pangiti ngiti pa siya. Kala naman niya ikinagwapo niya 'yon. Mukha siyang kalbong may buhok!

Hindi ko na kinaya at nag-iwas na ako ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Tirik na tirik kasi ang sikat ng araw ngayon. Mabuti na nga lang at natatabunan kami ng mga puno.

"Pft."

Napalingon ako kay Aica nang marinig ang paghagikgik nito. Muntik ko nang makalimutan na nandito pa pala siya. Bahagya siyang natahimik saka tumingin sa katabi ko.

Kumunot ang noo ko nang makitang sumesenyas siya rito. Nang lingunin ko ang kasenyasan niya, sumesensya na rin ito na agad ding huminto nang maramdaman sigurong nakatingin ako. Mas lalong nangunot ang noo ko.

Anong pinag uusapan nila?

"Ay, Andrei, naalala ko may gagawin pa nga pala ako. I'm gonna go na muna!" Biglang tayo ni Aica.

Halos matae ang itsura ko nang marinig iyon. Pinandilatan ko siya, sinesenyasan na huwag akong iwan at isama na lang sa kaniya. Ngunit ganoon na lang ang palihim kong pagmumukmok nang iwasiwas niya lang ang kamay niya na nagpapaalam sa akin saka mapaglarong ngumiti.

Sa gilid namin siya dumaan paalis kaya't nang habulin ko siya ng tingin ay nahagip ko ang katabi ko. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o talagang nakangiti siya.

Your ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon