a

721 20 2
                                    

JANXENT ANDREI REGALDON

"Oh? Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ka humahangos? At bakit gan'yan 'yang damit mo?" Bungad sa akin ni Trexi nang makarating ako sa building ng department naming.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang hingal. Isa na namang araw na punong-puno ng kamalasan.

Kagabi kasi ay nalibang ako sa paglalaro ng mobile games. Nang dahil doon ay nakalimutan kong mag-alarm. Nang maalimpungatan ako kaninang umaga ay alas-otso na. Alas-siyete ang pasok namin. Kaya dali dali akong bumangon at nagsipilyo. Hindi na ako nakaligo at dinampot na lang ang unang damit na nakita ko sa aking cabinet.

Tang ina, may swerteng araw pa bang darating sa 'kin?

"Nand'yan na ba si Ma'am Bernardo? Tangina, late na late na 'ko!" Hindi ko pinansin ang mga tanong niya dahil patuloy lang ako sa pagdungaw sa loob ng classroom.

Ganoon na lang ang pagtataka ko nang walang makitang estudyante roon.

"'Yon nga ang ipinagtataka ko, e. Hindi mo ba nabasa 'yung message n'ya sa gc natin?"

"Message?" Kunot ang noong tanong ko.

Anong message 'yon?

Dala nang pagmamadali ay hindi ko na nagawa pang kalikutin ang selpon ko kaninang umaga.

Mabilis kong kinapa ito sa magkabilang bulsa ko, ngunit wala ito roon. Inis kong hinalughog ang bag ko, halos ilabas na ang lahat ng laman nito ngunit wala pa rin ito roon.

Kung minamalas ka nga naman talaga! Naiwan ko pa ata ang selpon ko sa bahay.

Napahilamos na lang ako sa aking mukha dala ng sobrang inis.

Ang malas-malas ko talaga kahit kailan. Huling beses kong ch-in-eck ang pwet ko ay wala naman akong nakitang balat doon.

Una, hindi tumunog ang alarm ko kaya late ako ngayon. Pangalawa, kanina sa bus ay may nakabunggo akong lalaking may dalang kape kaya natapunan nito ang damit ko. Pangatlo, naiwan ko sa bahay ang selpon ko.

Ano, meron pa bang kasunod itong kamalasan ko? Partida hindi pa ako nangangalahati sa maghapon.

"Nakalimutan mo phone mo, 'no? Nag-chat si Ma'am, wala raw pasok ang mga third year ngayong week. Nakakainis nga't ang aga ko pang pumasok kanina. Wala naman pala akong aabutan dito," lukot ang mukhang ani niya.

Kasabay nang pagbagsak ng aking mga balikat ay ang siyang pagbitaw ko sa hawak kong bag. Para akong binagsakan ng malaking bato. Latang-lata akong nakatayo roon at saglit pang prinoseso ang balitang natanggap.

Putangina! Lahat nang pinagdaanan ko ngayong umaga, para lang pala sa wala? Tangina, kung alam ko lang na wala palang pasok, edi sana nasa kama pa ako ngayon at mahimbing na natutulog.

Putsa naman!

Tumawa si Trexi saka tinapik-tapik ang kaliwang balikat ko. "Ayos lang 'yan, Drei."

Putang ina, anong ayos do'n?

Gusto kong manapak at magwala. Ang hindi ko naman kasi maintindihan ay kung bakit hindi nag-a-announce nang mas maaga? Dapat ay a day before ang pag-a-announce. Hindi an hour before! Edi sana nabasa ko kagabi, 'di ba?

Nang dahil sa mga kamalasang nangyari sa akin magmula kaninang umaga ay hindi ko maiwasan ang madismaya. Syempre ay gumastos din naman ako nang malaki sa pamasahe, gayong wala naman palang pasok. Sayang lang ang pera. Mabuti sana kung napupulot lang iyon kung saan-saan.

Alam niyo ba iyong pakiramdam na matiwasay kang nakahilata sa kama mo, dinadamdam ang malambot na kutson at ang pagdampi ng kumot sa balat ko habang nakangangang maganda ang panaginip?

Your ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon