JANXENT ANDREI REGALDON
TW: bullying & violence.
"Tell her I want to file a case against Rhodora Bernardo."
Gulat akong napatingin kay Kuya Rexlion nang marinig ang pamilyar na pangalan ng aming matandang propesor.
"B-Bakit magsasampa ka ng kaso kay Mrs Bernardo?" Gulat kong tanong sa kaniya.
Anong nangyayari at gusto niyang magkaso sa propesor ng departamento namin?
Kunot ang kaniyang noo nang ibaling sa akin ang kaniyang paningin. Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata na para bang may narinig siyang mali sa naging tanong ko.
"Alam mo ang sagot d'yan, Andrei—"
"Hindi. Kaya nga ako nagtatanong," putol ko, hindi nais na magtunog sarkastiko. "Bakit mo siya gustong kasuhan? Anong ginawa niya sa 'yo?"
Hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako nang matinding pag-iinit ng ulo sa isiping maaaring may ginawa rin ang matandang iyon sa kaniya.
"Sa akin, wala," matigas niyang sagot saka malungkot ang mga matang diretsong nakatingin sa akin. "Sa 'yo... meron."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa hindi inaasahang sagot niya.
Alam niya...
Putangina! Alam niya!
Alam niya ang nangyari kanina.
Tangina!
Pero paano?
Ganoon ba talaga kabilis kumalat ang chismis para makarating ito agad sa kaniya?
Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang mag alala sa nalamang iyon. Kung inabot siya ng balitang iyon ay hindi imposibleng makarating iyon sa labas ng Unibersidad namin. Hindi malabong malaman iyon ni Mama.
Binawi ko ang panlalaki ng mga mata ko saka blangko siyang tinitigan nang diretso.
"Kung ano man ang narinig mo... hindi 'yon totoo," seryosong saad ko saka tumalikod sa kaniya.
Hindi siya kumibo kaya't bumalik ako sa mga kalat na dapat kong walisin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa walis tambo at dustpan, pinipilit na kumuha ng lakas mula roon kahit na alam kong imposible iyon.
Gusto ko na lang matapos ang araw na 'to at umuwi sa bahay para mamahinnga. Sana ay katulad lang ito ng isang tele-nobela at isa lamang itong masamang panginip.
Nararamdaman ko na naman ang pagtutubig ng mga mata ko. Nanunumbalik sa akin ang kahihiyang dinanas ko sa harap ng mga kaklase ko kanina, maging ang kahihiyan na malaman ni Kuya Rexlion ang nangyaring iyon.
Ang pangyayaring nais ko sanang manatili na lamang sa apat na sulok ng silid nang pinangyarihan niyon ay nakalabas na sa kaniya... at hindi malabong maging ang ibang mga estudyante ay may nalalaman na patungkol doon.
Gusto kong pagsasapakin ang sarili ko upang pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata kong hanggang ngayon ay namamaga pa rin. Ngunit ganoon na lamang ang dismaya ko sa aking sarili nang marinig ang sunod na sinabi ni Kuya Rexlion.
"May video..."
Mariin akong napapikit sa malalim niyang boses. Madiin kong kinagat ang pang ibabang labi ko. Halos malasahan ko ang kalawang sa matinding pagbaon ng mga ngipin ko roon. Ngunit hindi iyon sapat upang puksain ang isipin ko ngayon.
May video... May video na naman.
Lumipat ako sa probinsiyang ito dahil sa video kong kumalat noon. Isang video kung saan makikita ang page-eskandalo ko. Kitang-kita roon ang bawat detalye kung paano ko binugbog ang isa kong kamag-aral. Iyon ang ginamit laban sa akin upang patalsikin ako sa dati kong pinapasukang paaralan at ang siyang dahilan sa paninirahan namin malayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Your Force
RomanceLPHBT Series #1 (a bl story) Janxent Andrei Regaldon, a guy with a troubled past, tries to start fresh by enrolling in a new school. There, he meets Rexilian Aica Guilien, a girl who instantly captivates him. Too shy to approach her, he watches from...