g

257 19 13
                                    

JANXENT ANDREI REGALDON

Mabilis ang naging takbo ng oras. Hindi ko namalayan ang bawat minutong lumipas. Mag-uumpisa na ang first match sa pagitan ng Sumacab at Palayan.

Pumwesto na ang dalawang magkatunggali sa gitna ng boxing ring. Nagkamayan muna sila bago bahagyang dumistansya sa isa't isa. Isang malakas na huni ng pito ang naging hudyat na umpisa na ng laban.

Walang sinayang na oras ang representative ng Palayan at agad itong nagpalipad ng isang suntok. Mabuti na lamang at mabilis iyong nailagan ni Kuya Rexlion. Sa sobrang gulat ko pa ay nakisabahay ako sa pagsinghap ng mga nanonood.

Nang makahanap ng tiyempo ay sunod siyang gumanti ng isang sipa. Tumama ito sa hita ng kalaban ngunit hindi ito natinag.

"SUMACAB MABABAGSIK HINDI PADADAIG! SUMACAB MABABAGSIK HINDI PADADAIG! SUMACAB MABABAGSIK HINDI PADADAIG!"

"PALAYAN FOR THE WIN! PALAYAN FOR THE WIN! PALAYAN FOR THE WIN!

Halos mabingi ako sa lakas nang palitan ng cheer ng mga estudyante. Ngayon ko lang napagtantong nasa pagitan pala kami ng mga estudyante ng Sumacab at Palayan nakapwesto.

"Wala! Panget ng cheer niyo! Hindi magka-rhyme!" Biglang sigaw ni Trexi.

Mabilis kong dinakot ang bibig niya.

Tanginang bunganga 'yan! Kapag kami napaaway pa dahil sa walang preno niyang bibig, tamo talaga!

Ngayon ang unang beses kong makita si Kuya Rexlion na lumaro. Pakiramdam ko ay ako ang sinasapak sa ginagawa kong panonood sa kanila ng kalaban niya.

Bawat lipad ng suntok ay sinasabayan ko nang mariing pagpikit. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Isa pang malakas na suntok ang pinakawalan niya na tumama sa mukha ng kalaban at tuluyan na nga itong tumumba. Ganoon na lamang ang pagkatuwa ko sa nangyari. Kasabay nang pagtaas ng referee sa kamay niya ay ang malakas na sigawan ng mga tao.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Panalo ang Sumacab Campus sa first match. Panalo siya.

Ang laro dito sa University ay hindi gaya ng patakaran sa mga formal tournaments. Kagaya ng Sparring Boxing. Hindi pinaaabot dito ng twelve rounds. May mga judges na nagdedeklara kung kailan dapat tapusin ang laban at kung sino ang magwawagi.

Pinagmasdan ko ang pagbaba ni Kuya Rexlion mula sa boxing ring. Mukhang hindi man lang ata siya pinagpawisan sa pakikipaglaban. Ganoon ba talaga siya kagaling?

Maangas niyang tinanggal ang suot niyang head guard saka bahagyang hinampas ang ulo pakaliwa't kanan upang ayusin ang buhok niyang nagulo.

Napalunok ako sa tanawing iyon.

Fully airconditioned naman ang Closed Gym pero bakit parang bigla ay nag-init ang paligid?

Nandilat ang mga mata ko nang lumingon siya sa direksyon namin. Bahagya pa akong napapitlag nang bigla siyang kumaway. Mabuti na lang nasa matinong pag-iisip pa ako at hindi inakalang ako ang kinakawayan niya.

"Shet, buti na lang katabi natin si Aica, 'no? Feel ko tuloy ako 'yung kinakawayan ni future hubby ko!" Impit na bulong ni Trexi.

Hindi na ako nakakibo dahil biglang lumipat ang tingin ni Kuya Rexlion sa akin. Iyon na naman ang tingin niyang nakapagpapailang. Nakaramdam ako nang matinding panunuyot ng lalamunan ko dahilan para mapalunok ako ng ilang ulit.

Ano bang tinitingin tingin niya?

Parang kinalabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan nang bigla siyang umiling iling na parang dismayado. Naupo siya sa benches malapit sa ring habang ako ay naguguluhan pa rin sa naging reaksyon niya.

Your ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon