Chapter 40
Sandra
When finally theron turn three months old. I can finally visit shiloh. Tj and i already talk about his parents, i finally convinced him to forgive his parents. Sadyang mainitin lang talaga ang ulo ni tj. Ngayon ay hinihintay nalang namin ang mga magulang ni tj, dahil sila muna ang mag aalaga kay theron. Also theron has a nanny, so parang guide lang ang mga lolo at lola nya.
"Are you ready?" Tanong ni tj sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot. " Tapos kana mag pump?" Tanong ulit nito.
"Actually parents mo nalang hinihintay natin."
"I'm sure shiloh will be surprised by this..." Sabi ni tj habang buhat-buhat si theron. Ako naman ay sinisigurado ko ang mga dadalhing mga gamit ni shiloh.
Kahit ilang oras lang akong makakasama ni shiloh ay pinagpapasalamat ko na rin. Sobrang pagtitiis ni shiloh sa hospital tapos wala man lang akong magawa. It's kinda unfair to shiloh kaya ngayon ay babawi ako.
Nang dumating na ang parents ni tj ay, agad na rin kaming umalis. For sure magugustuhan ni shiloh ang dala kong food syempre ako nagluto nito.
"You really miss her?"
"Sobra... Gusto ko ng yakapin si shiloh... Never pa kami nagkalayo ni shiloh, ngayon lang. Alam kong nagtatampo na sya sa'kin, ni hindi na sya nakikinig sa mga pangako ko na bibisitahin ko sya." Nalulungkot kong sabi kay tj.
"We're still thankful cause she's still fighting. I really admire her so much. She's so strong, she's a fighter."
"About her birthday? We can still celebrate it? I think late na. Nextweek na ang birthday nya." Tanong ko kay tj. Wala namang balak si shiloh mag celebrate ng birthday nya. Ang sabi lang nya sa'min ay gusto raw nitong magpakain sa mga kasama nyang mga bata hospital. Sa sobrang tagal na ni shiloh sa hospital ay nakahanap na ito ng mga kaibigan, at nakakatuwa iyon para sa amin.
"We can, gagawa ako ng paraan. May nakausap na rin ako for buffet, and sa iba i will ask ms. Palma about that. So, don't worry okay?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Tatawagan ko sana si grace, para sana kamustahin sila ni shiloh pero bigla nalang may bumangga sa likod ng kotse. Hindi naman sobrang lakas, pero sapat na para mag bump kami ni tj. Buti nalang at naka seatbelt kami.
"Are you okay? Nauntog ka ba?" Biglang tanong nito sa'kin. Hindi na hinintay ni tj ang sagot ko dahil lumabas ito ng sasakyan at alam kong hindi maganda ang mangyayare. Kaya kahit gulat pa rin sa nangyare ay pinilit kong lumabas, and guess what? Tama nga ako ng iniisip dahil inaaway na ni tj ang tricycle driver.
"Tj! Tj! Calm down..." Suway ko kay tj. But still.
"Sir, ma'am, pasensya na po. Nawalan po kase ako ng preno." Paliwanag ng driver. Sumilip din ako sa loob ng tricycle at nakita ko ang batang lalaki na mukhang may sugat sa bandang noo. Agad kong binitawan si tj, at lumapit ako sa bata na hindi man lang magawang umiyak, dahil na rin siguro sa takot.
"What are you doing?" Sigaw ni tj. Pero hindi ko ito pinansin.
Binuhat ko ang bata na mukhang na-shock sa nangyare. Hinaplos ko ang likod ng bata. At kinakausap ko ito. Then ilang segundo lang ay bigla itong umiyak ng malakas. Tama nga ako nabigla ang bata sa nangyare.