Yanzy’s P.O.V
“Santua, for the first time in history, you disappoint me!” kalmado ngunit galit na sambit ni Sir Quiaja. Napahimas pa ito sa sentido niya.
He’s the chief of police in this station. His rank is way higher than me. Siya ang pinakamataas na ranggo rito sa station, everyone respects him.
“Hindi dahil pinaka-head--”
Nag-aalangang ngumiti ako. “S-sir, we need a talent like him,” pagputol ko sa sasabihin niya. “We really need him, he’s promising.”
“I know we discussed that last week,” munting pagturo niya sa akin. He seems tired with my stubbornness. “Pero libreng tutuluyan? Libreng pagkain? That’s your problem anymore, Santua,” matigas niyang sambit.
“Pero, Chief.”
“Ikaw na rin kaya magpasweldo, Santua?”
Napakamot ako sa ulo. “Sir, naman, broke ako, e.”
Bahagya siyang natawa bago niya ako sinamaan ng tingin na may pagbabanta. “Who are you fooling? Go back to you work.”
“Chief, naman.”
Binalingan niya lang akong tingin na parang wala lang at saka ito umiling. “I need an immediate report about the latest case, 12 noon is the limit. Also, brief your new comrade about the rules and regulations. Dismiss.”
Bahagyang bumuga akong hangin at muling sumaludo. Wala na rin akong magawa kundi lumabas ng opisina niya.
“Hi, Cap!”
Sinamaan ko ng tingin ng dalawang kasama ko sa team nang mapansin na nasa labas sila ng opisina nakikinig sa usapan.
They are the two of the top police detectives in town, Fernandez, he’s a tall, imposing figure with a rugged demeanor, standing at 6"0. And Lopez, is a feisty and tenacious investigator with a unique physical feature that sets him apart from the rest: a distinctive blade-shaped shoulder, standing at 5"8. They both have buzz cut hairstyles, just like mine.
Between Fernández and Lopez, Fernandez is my right-hand person at work. But I’m close to both of them outside of work
“Anong ginagawa ninyo rito?”
Parehas naman silang nagkatinginan at sabay nag peace sign. Sighed.
“Gusto lang namin malaman kung bakit ka pinatawag ni Sir Quiaja,” pag-aalinlangang sagot ni Fernandez.
“Tungkol ba sa case kaninang madaling araw? Pinagalitan din kami, Sir.”
“Mga bingi,” singhal ko.
“Sir, naman, wala talaga kaming marinig na boses. Promise!”
Tsk. Nakikinig na nga sa usapan, mga feeling bingi pa. “We need to report to him, 12 noon,” sambit ko at nagsimulang maglakad. “Walang tawad,” pahabol ko.
“Ay ano ba naman, walang patawad! Kahit alas tres sana.”
Kasasabi lang na walang tawad.
“Saan naman tayo kaya makakalap ng klarong ebidensya para maituro ang totoong suspek hanggang mamayang alas dose?”
Munting umirap ako. Sa akin pa ninyo tinanong, bakit hindi sa biktima kayo magtanong?
“Pero ang angas ng kasama mo sa opisina, Sir!”
Natigilan ako sa pwesto ko at saka siya binalingan ng tingin. “Bakit?” kuryusong tanong ko.
“Ang gaganda ng gawa!” manghang sambit ni Lopez. “Nakakabanas nga lang ang daming babae na nakasilip sa opisina mo! Aagawin niya pa ata pinopormahan ko,” iritado nitong dagdag.
BINABASA MO ANG
Art Of Eternal Quest
Mystery / ThrillerPursuit of justice relies on the convergence of two people's longing for a connection. It is a matter of fate.