THE FIRST QUEST

222 15 9
                                    


Pagkasindi ng ilaw, pumasok ang isang matangkad na lalaki. Kayumanggi ang kulay ng balat niya, nakakulay puti ang damit at naka-itim na pantalon, may puting towel na nakadantay sa kanyang balikat.

Hindi mapagkakaila ang tikas ng kanyang katawan. Nasa edad na kwarenta pataas ito, may konting bigote sa pagitan ng kanyang labi at ilong.

“Mahal, nakauwi na ako!” malakas na sigaw nito. 

Pagod siya dahil kagagaling lang nito magpasada. Kada alas-dyes ng gabi ang uwi niya.

“Mahal?”

Ngunit tahimik lang ang buong bahay, walang sumagot sa kanya kaya naman dumiretso ito sa loob ng kanilang silid na mag-asawa. Napansin nito ang kanyang jacket na nakalapag sa sahig kaya pinulot niya ’to kaso hindi nakaiwas sa kanyang pandinig ang munting kaluskos sa ibaba ng kanilang higaan.

“Mahal, Ikaw ba ’yan?” mahinang tanong nito, dala-dala ang magkahalong takot at pag-aalala sa kanyang dibdib na baka kung ano na ang nangyari sa kanyang asawa.

Pero muli na namang may gumalaw sa ibaba ng higaan, nakarinig siya ng kakaibang impit ng isang babae, nakakasiguro ito na hindi niya iyon ang kanyang asawa.

“Sino nand’yan?! Sino ka?” lakas loob niyang tanong habang dahan-dahan na papalapit sa higaan para silipin ang nasa ibaba nito.

Pagkalapit niya ay munti itong napaungot dahil sa matalim na bagay ang bumaon sa kanyang tagiliran. Pagtingin niya sa bandang gilid, nagulat siya nang napagtanto kung sino ito. Nakahawak ito sa dulo ng kutsilyo habang tumutulo ang basang likido sa pisngi nito ngunit may halong takot na nakatingin sa mukha ng lalaki.

“I-ikaw?”

“Dapat lang sa ’yo ’yan,” umiiyak nitong sambit at saka walang alinlangang hinugot ang kutsilyo. “Dapat lang sa ’yo ’yan!” malakas, punong-puno ng galit niyang sambit.

“B-bakit?” Umaaray nitong sambit habang nakahawak sa tagiliran niya, unti-unti itong napaupo sa sahig.

“Masama kang tao! Masama ka!” malakas na sigaw niya bago nagtatakbo palabas ng kwarto.

Mabilis na tumayo ang lalaki at saka hinabol ang babae nang may ngisi sa labi, determinado. Mabilis ang hakbang niyang nahawakan ang babae sa loob ng kusina, humihingal, habang nakaturo sa kanya ang matalim na kutsilyo kung saan nababalutan ng dugo galing sa natamong sugar ng lalaki.

“Ibaba mo ’yan.” Pagduro ng lalaki sa babae, mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ng babae.

Galit at takot ang hitsura ng babae habang nakaduro pa rin ang kutsilyo sa lalaki. “Mamatay ka na! Masama ka! Masama ka!”

Pero malademonyong tumawa ang lalaki habang mas hinihigpitan pa ang pagkakahawak sa palapulsuhan ng babae. Mabilis na nadaklot ng lalaki ang kutsilyo kaya naman tanging iyak at pagnginig lang ang nagawa ng babae.

“H-huwag po, m-maawa po k-kayo.”

“Magmakaawa ka habang kaya mo pa!”

Ang mga sumunod na senaryo ay wala nang magawa ang babae habang ang lalaki ay tuwang-tuwa na binababoy ang walang kalaban-laban na babae. Dalawang oras. Dalawang oras niyang binaboy ang katawan ng babae sa iba’t-ibang sulok ng bahay na para bang hindi na ito bagong senaryo para sa kanya.

Para itong mabangis na hayop na nilalapa ang sariling laman at dugo. Nakakasura panoorin, nakakagalit.

This is a fvcking curse, I can’t even save an innocent victim.

“M-ma, tulong. T-tulungan mo ako,” nanghihina’t nanginginig na sambit ng babae.

Nanginginig at sobrang takot ang babae na tinakpan ang kanyang katawan, basang-basa ang buong mukha nito dahil sa walang humpay na pag-iyak. Sunod-sunod siyang umiling habang paulit-ulit ang katagang pinandidirihan niya.

Art Of Eternal QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon