KASPER’s P.O.V (LOPEZ)
Nasa labas lang kami ng interrogation room, kasama ko si Fernandez at Miss Grace, habang sa loob ay si Cap at Sir Quiaja, at isa pang police na mag-re-record ng report about the interrogation. Tanging pagitan lang namin ay glass wall kaya kitang-kita namin kung ano ang nangyayari sa loob.
“Bakit hindi pa nagsisimula?” kuryusong tanong ni Miss Grace.
“Shh, ganyan ’yan kapag si Cap ang mag-interrogate,” sagot ni Fernandez. “Huwag maingay, hintayin na lang natin mag-umpisa.”
Nakatayo lang si Sir Quiaja sa gilid, katabi nito iyong isang police na nakaupo, nakaharap ’to sa computer. In the other hand, Sir Santua with his sharp jawline and piercing eyes, sat across from the accused.
Halata mo naman ang pagkahabala ng lalaki nasa harap niya, mukhang hindi makatingin ito nang maayos kay cap dahil hindi mapakali ang mga mata nito.
Nagsimulang magkaroon ng tensyon nang isandal ni cap ang likod niya sa upuan, nanatili pa rin ang paningin niya sa mukha ng lalaki na para nitong pinag-aaralan, he’s making it more obviously awkward. That’s one of his tactics when interrogating.
“So, let’s get down to business,” he said, his voice firm but controlled.
Inilatag niya ang ilang papel sa harap ng lalaki, iyon iyong laman folder na ibinigay ko sa kanya kanina.
“May mata ka naman siguro para makita mo nakalagay r’yan?” sarkastiko nitong sambit, nanatiling matatalim pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa lalaki.
Pero nanatiling tahimik ang nasa harap niya. Hay naku, mauubusan na naman yata si cap ng pasensiya sa isang ’to, pfft.
Sir Santua leaned forward, ramdam mo talaga ang pagpipigil nito na daklutin ang leeg ng nasa harap niya. “You’re here because of the alleged killing of an innocent college student for your own dmn bullsh-t reason,” dahan-dahan ngunit madiin nitong sambit. “And for almost killing one of my comrade.”
“Wala akong pinatay,” giit nito, masamang tingin ang iginagawad niya kay cap habang nagpupumiglas. “Hindi ako ang pumatay. Wala akong aaminin.”
Pero parang balewala lang kay cap ang sinambit niya. “What’s your motive for doing that crime?” pagtanong nito.
“Wala nga akong alam. Hindi ko alam ang sinasabi mo!”
Hindi nakaiwas sa akin ang pagtaas ng kilay ni cap. “Don’t play dvmb in front of me,” sambit nito at saka itinuro ang mga papel na nasa harap niya. “Tingnan mo ang mga nasa harap mo kung may karapatan ka bang sagutin ako na wala kang alam sa sinasabi ko.”
Whew. Iyon na ata pinakamahabang sinabi ni cap sa tanang buhay ko na nakilala ko siya. Kapag siguro ako ini-interrogate niya ngayon, baka nangangatog na tuhod ko dahil sa takot at kaba.
“Para kang takot na takot, Lopez,” pagpansin sa akin ni Fernandez nang may pang-aasar sa tono ng boses niya. Hindi nakaiwas sa akin ang paghagikhik ni Miss Grace.
“Shut up,” singhal ko, nagkibikit-balikat lang ito.
“Wala nga akong alam!” pag insist ng lalaki.
Tsk. Tsk. Tsk. Kahit pa magdamag mong sabihin na wala kang alam, hindi ka tatantanan ni cap hangga’t hindi ka napapaamin.
“I have reviewed the footage almost a hundred times this morning. It shows what happened two hours ago, before the incident,” pagtaas ni cap sa isang papel na may laman na kuha ng CCTV footage. “You entered the building earlier, wearing a hoodie to hide your face.”
BINABASA MO ANG
Art Of Eternal Quest
Mystery / ThrillerPursuit of justice relies on the convergence of two people's longing for a connection. It is a matter of fate.