Yanzy’s P.O.VIt’s been three days since Zain was discharged from the hospital, he insisted na pumasok ng trabaho kinabukasan after niya makalabas kahit pinayuhan siya ni Chief Quiaja na magpahinga muna kahit isang araw. He is quite stubborn.
I didn’t know if it was just me, but he suddenly became distant from me at work. Lagi siyang nakatambay sa pwesto nina Fernandez, that’s somehow a good thing dahil ayoko rin naman ipaalam sa kanya na patago kong iniimbestigahan iyong naging kasama niya these past years.
I have a hint that Zain is keeping some important information from us about the last case. Maybe he has a reason, but regardless of whether it’s good or bad, he can keep secrets from others, except from me.
Napaayos akong upo nang kumatok sa pinto si Lopez bago pumasok. “Cap, ito na iyong pinapahanap mong files, na-print ko na rin,” paglahad niya sa akin ng isang folder. “Nakaipit din sa dulo iyong sketch na pinapahanap mo, cap.”
“Good.” Binuksan ko kaagad iyon, bumungad sa akin ang litrato ng isang lalaki. Hindi katandaan ang edad nito base sa hitsura niya, just as I expected after I turned the page, his age is about thirty-two. “How about Zain?” tanong ko habang nasa laman ng folder pa rin ang paningin ko.
“Wala namang unusual kay Del Rosario. Limitado lang mga sagot niya sa mga tanong namin minsan, cap.”
Itinaas ko ang paningin sa kanya. “Questions like?”
“About his past, cap.”
Sighed. “How about the funeral? Pumayag na ba sila sa hiling natin?”
Dismayadong napailing ito. “Ayaw talaga ng family niya, Cap. Ang alam ko bukas na rin ililibing.”
Sighed. Our only way to solve this case is through him, but I think he won’t cooperate with us. But we need to move tonight, or else the case will be dead.
Imagine how smart that suspect moves, there were no fingerprints, no DNA, no surveillance footage that showed the suspect’s face. The only leads we had were a few grainy security camera shots, victim’s name, and victim’s closest circle.
“Go back to your post, balitaan mo ako kapag may napansin kang iba sa mga kilos niya,” I dismissed.
Sumaludo ito bago lumabas ng office.
Bahagya akong bumuga ng hangin at saka sumandal sa upuan, napatingin ako sa pwesto ng mesa ni Zain. Maayos na nakahilera ang dalawang human skull sa gilid ng mesa niya, katabi nito ang mga sketch pencil na nakalagay sa kahoy na hugis baso, sa gilid ng mesa ay may human anatomy doll. On the opposite side of the table, a plain white wall witness to his numerous sketches.
Munting napangiti ako. Hindi talaga maipagkakaila na malinis siya sa paligid niya kahit noong high school pa lang kami. He loves organizing things, but one thing for sure, he hates clumsy people. Tsk.
Nagpaka-busy ulit ako i-review ang files habang pina-fast forward ang ibang angle ng CCTV bago at pagkatapos nangyari ang insidente, pero mag-iisang oras na ay iisang clue pa lang ang nakikita ko.
That two hours before the incident.
Kaso kapag ito susundan ko, hindi na magtutugma sa unang report. Pero paano kung ito lang ang way? Ugh.
Inayos ko ang mesa ko nang matanggap ko ang text ni Lopez. Pinapasunod nila ako sa canteen for lunch break. Nauna na rin sila sa canteen.
“Lunch, Cap?” pagpansin ni Miss Grace.
Munting tinanguan ko lang siya.
“Nice. Sabay na ako, absent kasi si Miss Vivian.”
Oh.
BINABASA MO ANG
Art Of Eternal Quest
Mystery / ThrillerPursuit of justice relies on the convergence of two people's longing for a connection. It is a matter of fate.