Yanzy’s P.O.V
“It’s okay. I never blamed you.”
Hearing those words from him, those heavy weights that have weighed on me for years feel like nothing.
“Stop crying, ano ka bata?” pang-aasar niya.
Inis ko siyang sinamaan ng tingin. He really loves spoiling the mood. At saka hindi lang naman bata ang pwedeng umiyak, but it’s alright, that Zain’s nature.
He genuinely smiled, then wiped my tears with his bare hands. See. “Stop being a crybaby,” he said softly.
I simply nod my head.
“Tara sa loob, ang lamig dito,” pag-aya niya bago tumayo.
Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at saka ako hinila patayo. Hindi na ako umangal at nagpatianod sa kanya papasok. I let out a little smile seeing his hand holding mine.
I like him; I really do. I’m planning to confess after closing that case. He’s always part of my plans, if he only knew how it’s worth risking when it comes to him.
“Have a nice sleep, Yanzy,” sambit niya pagkaupo pa lang sa higaan niya, he even let out a little smile. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” munting pagtawa niya.
“Don’t you want to sleep beside me?” pagpampag ko sa bed.
Hindi nakaiwas sa akin ang pagtaas ng kilay niya at masuring pagtingin niya sa gawi ko while scanning me.
This is one of the reasons why I don’t have the courage to tell him my feelings for him. I’m scared of all the possibilities, to all the what ifs, and to his rejection.
“What? Abuso ka, Santua,” akusa niya habang nakaduro ito sa akin. Itinaas pa niya ang kumot hanggang balikat niya at saka ako sinamaan ng tingin. “Ikaw, ha, gusto mo ako pagsamantalahan, ano?”
Inis ko siyang sinamaan ng tingin. “I just want you to sleep beside me. What’s wrong with your mind?” singhal ko. Padabog akong humiga, tinalikuran ko talaga siya.
Badtrip isang ’to.
Hindi ba pwedeng gusto ko lang siya rito sa bed para hindi siya mahirapan do’n sa may lapag humiga? Psh.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama pagkatapos ng ilang segundo. “Uy, galit ka ba?” tanong nito, mahahalata ang pag-aalala sa boses niya.
I’m not mad, actually, I just want to act sulky to tease him, pfft. Munting napangiti ako at nagkunwaring hindi siya naririnig.
“Galit ka talaga, Santua?”
“Ewan sa--”
Napaayos akong upo nang may sunod-sunod na kumatok. Nakakabahala ang pagkatok nito kaya nagkatinginan kami ni Del Rosario.
“Are you expecting a visitor at this hour?” tanong ko.
“Bukod sa ’yo at sa dalawang itlog, I don’t have a social in this city,” sagot nito. “Baka babae mo?” taas kilay niyang tanong.
Inis ko siyang sinamaan ng tingin. “Dream on, I don’t like girls, Del Rosario,” inis na sambit ko kaya natawa siyang bahagya. “Let’s go outside.”
Sabay kaming bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Ang nakakapagtaka lang ay nagpatuloy pa rin ang pagkatok kahit makarating na kaming living room. Sinenyasan ko si Del Rosario na sa kabilang gilid siya sa pintuan, pumwesto naman ako sa kabilang gilid.
Pagbukas ng pinto, inihanda ko ang kamay para daklutin kung sino man ang papasok. Pero pumasok si...
“Yesha?”
BINABASA MO ANG
Art Of Eternal Quest
Mystery / ThrillerPursuit of justice relies on the convergence of two people's longing for a connection. It is a matter of fate.