Kasper’s P.O.V
Napatingin ako sa isang balat ng candy at saka ibinulsa iyon. Ang damot ng Del Rosario na ’yon, iisa lang binigay sa akin at kay Fernandez, labag pa ata sa loob niya, pero kay cap pansin ko limang piraso. Hanep sa favoritism.
“Sa tingin mo mahahanap kaya ni cap si Miss Yesha bago matapos ang gabing ’to?” pagpansin ko kay Fernandez na kunot-noong nakatingin sa dalawang lalaki na nasa loob ng interrogation room.
Umalis na naman kasi sila cap, babalik daw ulit sila sa subdivision kasi pakiramdam nila doon lang din sa lugar na ’yon in-abduct si Miss Yesha dahil na rin sa nireview nilang CCTV Footage. Hindi ko rin maintindihan si cap minsan, parang may nakikita siyang ibang bagay kapag siya ang tumitingin, o hindi kaya masyado lang talaga siyang observant?
“Parang sure si cap na mahahanap nila si Miss Yesha hanggang alas-dose. Ano kaya iniisip ni cap, ’no?”
Malakas itong bumuga ng hangin. “Ewan ko,” wala sa wisyo niyang sambit. “Sa tingin mo bakit tinanggalan sila ng pandinig at dila?” pagturo niya sa dalawang nasa loob ng interrogation room.
Bakit nga ba?
Kung tutuusin, parang mas brutal pa iyong ginawa nila na binuhay sila kaysa binawian na lang ng buhay. Kaso ito, pinaramdam talaga sakanila kahit buhay sila, parang wala lang din, wala silang magagawa kung hindi danasin ang hirap at manahimik na lang. Parang binawian lang din sila ng buhay sa ginawa nila sakanila.
Nasa sakanila na rin iyon kung gagamitin nila ang kamay nila para maituro sa amin ang nasa likod ng case na ’to, para din sakanila. What’s stopping them? Safe sila rito, safe ang buhay nila, paulit-ulit namin sinulat sa papel na nasa harapan nila ngayon. Kaso, nakatingin lang sila do’n na parang wala sa wisyo.
“Masama ang kutob ko sa mga nangyayari,” siguradong-sigurado na sambit niya. Halos magkasalubong na ang kilay nito, hindi rin nakaiwas sa akin ang salitan na pagtingin niya sa dalawang nasa loob. “Pakiramdam ko parang may mali.”
Mali? Saan naman kaya?
“I have a feeling that someone’s going to die again tonight.”
Napakunot ang noo ko sa sinambit niya. “Praning ka, sino naman?” munti pa akong natawa.
Paano naman niya nasabi na may mamamatay ulit? Para siyang si cap kung mag-isip minsan, kaya siguro siya kinuha ni cap na kanang kamay kaysa sa akin. Akala ko kasi mas pogi ang pipiliin ni cap, mas pogi naman ako sa isang ’to, bulag lang siguro si cap pfft.
Imbes na imikin niya ako, nanahimik lang siya at malakas muli itong bumuntong-hininga. Pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan, hinawakan niya ako sa braso at saka ako marahang hinila palabas.
Hinila niya ako sa pinakadulo ng hallway, napapatingin pa siya sa paligid kung may nakamasid bago niya muli akong harapin. Para talagang may bumabagabag sa kanya dahil sa naging reaksiyon niya.
“Narinig mo ba huling bilin ni cap sa atin?” seryoso at salubong na kilay niyang tanong.
“Saan do’n?” kuryusong tanong ko.
“Iyong huling bilin nga, tangeks.”
Aba, badtrip ’to.
“Wuy,” pagpansin niya.
“Na magmatyag tayo sa paligid tapos i-report natin agad sa kanya kung may nangyaring unusual?” patanong ko na lang na sambit.
Dalawang beses niya akong itinuro na para bang sinasabi niyang may tama ako. “Ayan! Hindi mo ba na gets ’yon?” pabalik tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Art Of Eternal Quest
Mystery / ThrillerPursuit of justice relies on the convergence of two people's longing for a connection. It is a matter of fate.