SECOND QUEST

187 15 24
                                    

“Good morning!” masiglang pagbati sa akin ni Zain. He is only wearing an afron with beige sweatpants, and he has a spoon in his left hand.

“Hmm, morning,” bugnot kong pagbati.

“Nagluto ulit ako ng paborito mong ulam,” proud at malawak ang ngiti nitong sambit.

Of course, iyon lang laman ng ref ko, psh.

Hindi ko siya pinansin, bugnot akong naupo sa harap ng hapag-kainan. Napahawak ako sa ulo dahil munting kumirot ’to. I barely had a good sleep over the past few days, maraming report na kailangang tapusin.

Glad, Zain’s here, nabawasan ang dapat kong gawin.

“Hiram ulit akong damit mo, ha?” sambit nito habang nilalapag ang mga niluto niya. “Last na talaga. Kuhanin ko mamayang uwian mga damit ko sa dating apartment ko.”

Pagkaupo niya sa bakanteng upuan sa harap ko saka niya inalis ang suot na afron. Nag-iwas agad akong tingin.

“Are you going to show off your naked body in front of my food, Del Rosario?”

Munting natawa ito. “Wala na akong isusuot, katatapos ko lang maglaba kaninang madaling araw,” sambit niya, naglagay pa siyang ulam sa pinggan ko pagkatapos niya lagyan iyong sa kanya.

Did I even ask him to do that? Tsk.

At saka madaling araw talaga siya naglaba? What’s with him and his weird routine?

I can let him barrow more of my clothes if that’s the case. Paano kapag nagkasakit siya at biglaang may case na kailangan siya? Airhead.

“Bakit, maganda naman ang hubog ng katawan ko, ha?” mayabang nitong sambit, munti pa nitong tinapik ang dibdib niya. “Bakit hindi mo matingnan nang maayos, Santua? Naiilang ka, ’no?”

Inirapan ko siya bago napaiwas ng tingin at saka munting napatikhim. “Pang-isang linggo nang pares na damit ko hiniram mo,” I reminded him bago sumubo ng buong ham, ignoring his remarks. “Isang linggo mo na rin akong pinepeste rito sa apartment ko,” munting pagduro ko sa kanya ng tinidor.

Bahagya siyang natawa. “Oo na, Santua. Kung hindi ka naman nagsinungaling na libre tutuluyan,” panunumbat niya. “Isang linggo na rin ako nag-su-suffer sa lapag mahiga. You can’t even share your bed with me,” he said, sulking.

It’s been days that he can’t stop bragging about that.

Sinamaan ko siyang tingin kaya natawa siyang bahagya. “You wish. Stop sulking about it,” mataman kong sambit.

“In exchange, ako nagluluto, ako pa naghuhugas ng pinagkainan,” he bragged.

Tinaasan ko siyang. “So?”

“I’m useful to you,” sambit niya at saka ngumisi.

“Did I even say that you’re useful to me?” I asked. I find it problematic to refer to a person as an ‘it’.

“Para naman akong battered wife nito,” munting pagtawa niya. “Do you think I would be perceived as prettier by other girls if I were a girl?” malawak ang ngiti niyang tanong.

Halos mabulunan ako sa naging tanong niya, buti na lang naabot ko kaagad iyong baso ng tubig.

“Just eat, Del Rosario,” I shut him off kaso natawa lang ito.

What’s with him and his sudden weird question?

Marami siyang kwinekwento na kung ano-anong pinaggagawa nilang tatlo nila Fernandez nitong mga nakaraang araw, nakikinig lang ako. Wala naman silang ibang ginawa kung hindi mantrip sa ibang department.

Art Of Eternal QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon