BEYOND THE SECOND QUEST

162 14 31
                                    

Zain’s P.O.V

Living with Yanzy really gave me less trouble. Hanggang ngayon iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na wala naman talaga akong gamit na naiwan sa dati kong apartment, lahat iyon pinahiram lang in order for me to survive these past years, in exchange of using my skills in arts.

That’s how my life has revolved around these past years. I’ve been a slave to someone.

Glad, Yanzy’s men found me. Ilang araw ko rin silang minatyagan bago ipain ang sarili para makawala sa hayop na pinagsisilbihan ko. At first, akala ko they’re going to kill me, saka ko lang nalaman na nagtratrabaho pala sila sa police station sa kabilang city noong makita ko sila sa news.

Nakatatawa lang na hindi ko kailangan ng tulong niya, pero siya ’tong laging nagkukusa kahit noon pa.

“Wala ba talaga makakilala sa bangkay?” pagkausap ni Fernandez sa isang estudyante kaya napabalik ako sa ulirat.

“Wala po, habang may klase nakita na lang namin sa bintana na may nahulog.”

“Pero napansin ko po na duguan na mukha niya bago pa nahulog!” pagsingit ng isa, mukhang siguradong-sigurado talaga siya dahil sa pananalita niya. “Pakiramdam ko nga po kilala ko siya, pero masyadong malayo kaya malabo po.”

“Sino?”

“Hindi ko rin po alam pangalan, pero kanina lang nakita ko naman po siyang buhay, kaya hindi po siya.”

Sighed.

“Ikaw?” pagtanong niya sa babaeng estudyante, kaso umiling din ito. “This is dead-end, argh!”

“Si Yanzy? Tinawagan mo na?”

Parang nabuhayan naman siyang dugo nang banggitin ko ang pangalan ng isang ’yon. Tsk. Bakit ba kasi ako ang nahila niya papunta rito at hindi isang ’yon?

“Hindi ko matawagan phone ni Yanzy, baka busy siya sa secret wife niya,” alanganin pa niyang sambit pagkababa niyang phone.

Tsk. Baka busy makipagbangayan sa mga walang kwentang bagay.

“Si Lopez ang tawagan mo.”

“Oo nga, ’no, talino mo rin.”

Psh. Paano naging katalinuhan ’yon?

“Sa rooftop muna ako baka sakaling maka-focus ako,” pagpaalam ko kay Fernandez nang mapansin ko ang isang pamilyar na bulto na matamang nakatingin sa gawi ko. “Huwag ninyo akong istorbohin para makapag-focus ako,” mahinang sambit ko habang nakatingin pa rin sa gawi na ’yon.

“Sige, hintayin ko sila cap dito. Nandyan na rin naman ang ambulansya,” sambit niya, sakto naman ang papalapit na tunog ng ambulansya.

Muli kong pinasadahan ang bangkay na nakahandusay sa sahig. Naliligo ito sa sariling dugo, yupi-yupi ang ibang parte ng mukha, hindi mo talaga makikilala dahil kahit bungo nito ay basag-basag.

Sino kaya ’yan, ’no?”

“Grabe naman ang ginawa sa kanya. That’s beyond brutal.”

“Iyong utak nga, oh, nagkalat! Err!”

Grabeng napaka-brutal talaga. Sinong matinong tao ang gagawa niyan? Tsk.

Kinabisado ko ulit ang features nito. Nakaramdam ako ng ibang pakiramdam na parang nakatingin sa akin ang bangkay bago naglakad papuntang building, ngunit hindi na ako lumingon.

“Uy, pumasok na raw tayo sabi ni Ma’am Santos! Hayaan na raw ang mga awtoridad ang umasikaso r’yan!”

“Tara na! May long quiz pa naman!”

Art Of Eternal QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon