Chapter 12 <Orientation Day>

91 5 1
                                    

Chapter 12

Tiffany's POV

Orientation day ngayon! And dapat talaga masaya ako eh. Well, yes masaya ako! Pero bwisit kasing Charles toh dinaig pa mushroom sa pasulpot sulpot!

Buti nga kahapon nung interaction event di kami masyado nagkapansinan, okay na yun kaysa mabwiset pa ko!

At ito ngayon kasama ko siya. As usual nanggugulo lang.

"Hoy diba nililigawan nga kita bakit ba iniiwasan mo ko?" Charles

"Psh, may ganyan bang nanliligaw? Binubwisit yung nililigawan niya?" Ako

Nag cross arms siya at nakakaloko akong nginitian, mukhang tanga!

"So, sinasabi mong payag ka na ligawan kita?" Charles

O_____O Nababaliw na ba siya?!

"Duh?! Sinabi ko bang pumapayag ako?! Umalis ka na nga sa harapan ko!" Ako

"Hahaha ayoko nga!" Charles

Inirapan ko siya at dumiretso na ko ng Auditorium dahil dun na-assign yung orientation ng SB. Isa kasi kami sa may maraming members so sa auditorium kami in-assign.

Literal na nanlaki yung mga mata ko pagpasok ko ng auditorium.

"Surprise love HAHAHA!" Charles

Sinamaan ko ng tingin si Charles at tsaka ako pumunta kay Hailie na kasigawan si Kevin. Ano nanamang nangyayari?! Hays!

"Tangina naman Hailie! Manahimik ka na pwede?!" Kevin

Sabay kamot niya sa batok. Lumapit si Charles sa tabi ni Kevin kaya lumapit na rin ako kay Hailie.

"No this is our venue! Bakit ba kayo nandito?! Supposedly for SB lang naman talaga toh! *sabay irap*" Hailie

"Kevin/Hailie." Sabay namin sabi ni Charles

"Lika na hanapin na lang natin Luke nakikipag bangayan ka pa sa babae -_- ang ingay niyo. Tsk" Charles

At hinila na nga ni Charles paalis si Kevin sa pwesto namin. Kaya naman hinarap ko na si Hailie.

"Hails ano ba nangyari at nagsisigawan kayo ni Kevin?" Ako

"Kasi naman Tiff, tama naman ako diba na nauna tayo dito sa auditorium, and dito talaga tayo in-assign. Tapos, sinasabi sa akin ni Kevin na eto rin yung venue nilang GSU para sa orientation nila." Hailie

Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. May point siya, but sana di na lang niya pinatulan si Kevin.

"Oo, tama ka naman pero sana di ka na lang nakipag bangayan kasi nakakahiya sa mga ka members natin. Chill ka lang wag ka papa-apekto sa kanila." Ako

"Okay sabi ko nga. Tss" Hailie

"Okay. Let's go hanapin na lang rin natin si Angelli." Ako

Charles's POV

Hinila ko na palabas si Kevin ng auditorium, dahil kung hindi ba ka di na rin matapos yung sagutan nila dun tsk!

"Hoy Kevin! Ano yun?! Bakla ka ba at pumapatol ka sa babae?!" Ako

Paano kasi sumisigaw-sigaw din siya, parehas silang mag kapatid! -___-

"Pft HAHAHAHA puta naman kasi Cha yung Hailie na yun pinagpipilitan na sa kanila yung venue eh di ba nila alam na pumayag din yung admin na dun din tayo mag-orientation." Kevin

More Than FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon