Chapter 19 <Cutting pt. 1>

105 5 4
                                    

Chapter 19 (Part 1)

Luke's POV

Monday nanaman anak ng puta! -______-

Tapos na ko maligo. Ang kailangan ko na lang ay ayusin yung gamit ko, ayoko ng magulo.

At isa pa, mamaya makalimutan ko yung mga assignment na ginawa ko. Tangina pinagpuyatan ko yun para matapos lahat, tapos makakalimutan ko lang? Badtrip yun!

Bumaba na ko papuntang dining area, nandun na yung mga kapatid ko kumakain ng breakfast. Dinampot ko na lang yung sandwich na nakahanda para sakin.

"Oh aalis ka na agad? Maaga pa ah?" Kevin

"Ay hindi! Kaya nga siguro di na ko umupo kasi di pa ko aalis." Ako

"Sungit amputa! Ge alis ka na! Matapilok ka sana sa campus!" Kevin

Gago? -___- Binatukan ko nga!

"Aray! Nambabatok pa, umalis ka na nga kuya!" Kevin

Inirapan ko na lang siya at umalis na.


----- S K I P T I M E -----


Nakarating na ko. Bumaba ako at agad na kumuha ng sigarilyo. Pampagising din toh.

Nagce-cellphone lang ako habang humihithit. Wala namang kwenta yung mga nakikita ko.

Iniisip ko yung mga ganap mamaya sa klase. At sa mga naiisip ko tinatamad na ko! -_____- Tamad na tamad talaga ko ngayon.

Si Kevin at Charles kasi sari-sariling landi ang inaatupag ngayon eh kaya ganang-gana pumasok! Eh ako? Tss..

Pwede naman kasi ako umabsent bakit nga kasi pumasok pa? Bahala na! Nandito na eh!

Paubos ko na yung sigarilyo ko nang may naaninag akong babaeng napatigil sa paglalakad.

O________O

Si Angelli! Basta ko na lang hinulog yung sigarilyo kong paubos na at inapakan.

Aish.. Bakit ba parang gulat na gulat pa ko?! Tsk.

Yung tingin niya sakin parang nandidiri na ewan! Tinignan niya ko from head to toe at tsaka siya napailing-iling.

Tinignan ko rin tuloy sarili ko, may mali ba?!

"Tinitingin-tingin mo?" Ako

Inirapan niya lang ako at tsaka siya naglakad paalis. Ayos yun ah?!

"HOY!" Ako

Binilisan ko paglalakad ko para masabayan ko siya. Di niya pa rin ako sinasagot, tinaasan niya lang ako ng kilay!

"Bakit ganun ka makatingin ha?! Ayoko pa naman sa lahat yung tinitignan ako ng ganun!" Ako

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Is that so?" Angelli

Nag cross arms siya, seryoso akong tinignan at ngumisi pa! Amputa!

"H-hoy! Di ako nagbibiro." Ako

Seryoso ko din siyang tinignan, hanggang sa nawala na yung ngisi sa mga labi niya.

Iniwas niya yung tingin niya sakin. La pala siya eh!

"Whatever." Angelli

Naglakad na siya uli kaya sumunod na lang ako. Dumiretso siya sa locker area, malamang para kuhain yung gamit niya. At syempre kukunin ko na rin yung akin.

More Than FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon