Chapter 14 <Ligaw>

126 6 5
                                    

Chapter 14

Tiffany's POV

Grabe talaga! Feeling ko napaka-losyang na ng itsura ko sa mga nangyayari! Kasalanan talaga ng GSU ang lahat!

Unang una, pinagtitripan kami ng wala naman kaming ginagawa.

Pangalawa, Pilit nila kaming kinakalaban, tapos nung sila na ang kinalaban namin, daig pa nila yung galit ng manok na ipinangsasabong.

Pangatlo, Pinakealaman nila yung rule namin dahil tinanggal daw nila yung rule na bawal ma-link ang SB at GSU sa isa't isa!

Ewan, pero sobrang nakakabwiset yun! Duh, may sarili silang grupo!!

Kinuwento kasi ni Gelli sakin kanina tinakot nanaman siya ni Luke na kayang kaya niyang buwagin ang SB pag di tinanggal yung pesteng rule na bawal magboyfriend ng GSU ang mga SB members. So, no choice tinaggal na lang ni Gelli!

At napakalakas lang ng pakiramdam ko, feeling ko ginawa nila yun para kay Kevin. Andami kong naririnig na sila daw ni Hailie, pero di ako maniniwala hangga't di ko yun naririnig kay Hailie mismo!

Makikipag video call nga ko sa mga yun! Chika lang bakit?

Angelli Beatrice Garcia ringing...

Hailie Sophia Flores ringing...

"Sup Tiff?" Angelli

"Hey." Hailie

Mukhang wala pa rin sa mood si Hailie.. Paano kasi yung kanina diba na-detention sila? Hays

"Time for chikas! Ikaw Hailie ang may pinakamaraming chika!" Ako

"Wait maghihilamos ako pero go kwento!" Angelli

Dinala niya yung phone niya sa CR, kita rin namin kung paano siya maghilamos pero whatever.

"Go Hailie.. Ang dami naming naririnig. Is it true?" Ako

"Ayoko nang pagusapan! But fine sige. Oo totoo yun." Hailie

O_________O Omg.. Napatigil din si Angelli sa pagsasabon ng mukha.

"What?! F-for real?" Angelli

"Yes kami nga." Hailie

What the.. Bakit biglaan naman?!

"Hailie yung totoo?" Ako

"Yes. YES. YESSS! Kami talaga." Hailie

Paano nangyari yun?! Eh ayaw na ayaw ni Hailie sa kanya.. Parang masama feeling ko dito ah..

"May gusto ka ba kay Kevin?" Angelli

"Sabihin mo samin Hailie tinakot ka ba nila? Ano?" Ako

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Look girls, m-mali na pagisipan niyo ng masama yung.. yung.. b-boyfriend ko." Hailie

Oh my gosh, I can't believe this! Sobrang labong maging sila.. Ano bang nangyayari dito kay Hailie?!

"Wag na natin pag-usapan okay? B-basta sinagot ko siya kanina!" Hailie

Napairap na lang ako sa kawalan. Eh mukhang di naman siya niligawan nun! Ano yun sila agad?! Oh my gosh talaga!

"Di ako titigil kakatanong Hailie hangga't di ka nagkukwento! Oh so bakit mo sinagot? Gusto mo ba siya? If yes, since when? Di naman natin sila kilala. And wala pa nga tayong one month sa CAU tapos kayo na?!" Ako

More Than FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon