Chapter 18
Charles's POV
*Ring! Ring!*
Kinapa-kapa ko yung alarm clock ko para patigilin yun. Chineck ko ang oras 8:30 na!
Nag stretching pa ko, para sure na gising na! Maaga pa, pero kailangan ko na kumilos dahil magsisimba ako!
Oh bakit? Di porket gago ako di ako nagsisimba! Malapit yata ako kay Lord!
Pero syempre, bago ako gumalaw-galaw, nag cellphone muna ko!
"Aba.. si Kevin umaasenso.." Ako
Kagabi pa siya post ng post! Siya na laman ng twitter feed ko, isama mo na sa fb at ig! -____- Proud na proud kay Hailie ah parang walang kasalanan.. Tsk tsk!
Si Hailie rin, pero sa ig story niya lang. Puro pic at vids nila.
Kung di ko lang alam na fake lang sila, iisipin ko talagang totoo eh! Gagi, natural na natural kaya sila! Di na ko magugulat kapag nagka-inlove-an yan!
Tumitingin lang ako ng mga ig story. Parang tangang nagulat pa ako nung bumungad ang pagmumukha ni Tiffany sa phone ko.
May nakalagay na caption na good morning, at halatang bagong gising nga siya sa selfie niya. Maka-reply nga!
noturamariana
Me: Aga-aga pero ang ganda ganda! <3
Siya: Ty
Seriously? TY? As in T at y? -_____-
Me: Napakatipid mo naman magreply! :(
Siya: Ang arte mo! Buti nga nireplyan ka!
Me: Hindi wala.. Tampo ako sayo!
Hehehe try ko lang kung gagana yung pagiinarte ko kay Tiffany!
Siya: Edi magtampo ka.
Tanginang yan! -_____- Wala pa rin! Pumunta na kong dining namin para magbreakfast, kausap ko pa rin si Tiffany.
Me: Joke lang ito naman! Nga pala bakit ang aga mo magising?
Siya: Punta ako church eh
Parang nakiki-ayon talaga sakin yung panahon pagdating kay Tiffany! ^____^
Me: Nice! Dyan rin punta ko, sabay na tayo sunduin kita. Bawal ka na umangal nililigawan kita diba?
Kumagat muna ko sa toast na kinakain ko habang hinihintay ang reply niya. Nung nakaraan nagalit siya kasi akala niya gagamitin ko lang siya, pero totoo nga kasi, seryoso nga kasi ako. -_____-
Yun nga lang.. Di ko talaga siya gusto eh, pero malay niyo naman magwork. Kasi katulad ng sabi Luke noon di siya mahirap gustuhin.
At kung gugustuhin kong gustuhin siya, magugustuhan ko talaga siya. Eh sa ngayon ginugusto ko naman lahat ng nangyayari eh, di na ko mahihirapan.
Siya: Di naman ako pumayag.
Me: Di ko rin naman hiningi yung opinion mo tungkol sa panliligaw ko sayo, hayaan mong ligawan kita Tiffany.. Di naman masama diba?
Si-neen niya na lang ako pagkatapos nun. Dinalian ko na kumain at tsaka ako naligo, Mabilis lang naman ako maligo -____-
Agad rin akong nakapagbihis at nagayos ng sarili.
"Naks, kahit nagmadali, gwapo parin!" Ako
Sabi ko yan habang tinitignan yung sarili ko sa salamin. Kinuha ko na yung cellphone at wallet ko at umalis na ng bahay.
BINABASA MO ANG
More Than Friendship
Teen FictionKaibigan pa kaya sila kung sobrang Bratinella nila? Kaibigan pa kaya sila kung sobrang Siga nila? Magkakasundo-sundo din kaya silang anim? Mauuwi din kaya sila sa pagkakaibigan? Bubuo din kaya sila ng another circle of friends?