Chapter 21
Charles's POV
Tumayo si Tiffany mula sa kinauupuan niya bitbit yung mga binigay ko. Napatayo na rin ako, galit ba siya? Nagsasabi lang naman ako ng totoo...
"Tiff." Hailie
"Aalis ka? Saan ka pupunta?" Ako
"Ilalagay ko lang tong binigay mo sa car ko, di naman pwedeng dala ko lang to hanggang mamaya." Tiffany
Nagsimula na siya umalis at sinundan ko naman siya. Halatang bigat na bigat siya dun sa flowers, one hundred pieces kasi yun.
"Akin na tulungan na kita." Ako
Kinuha ko yung flowers sa kanya at sinabayan ko siya maglakad.
Actually biglaan lang din talaga tong ginawa ko. Gusto ko lang talaga siyang bigyan ng kung ano ano, wala eh, gusto ko siya eh.
Bakit nga ba nagustuhan ko siya? Ewan ko rin, di ko rin masabi, at walang specific na dahilan kung bakit ko siya gusto.
Nagising na lang ako bigla sa pakiramdam na to. Pero isa na siguro sa dahilan yung one minute...
"Bakit mo to ginagawa?" Tiffany
Napalingon naman ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa daan.
"Gusto nga kita. Hindi ka ba naniniwala?" Ako
"Hindi ko alam." Tiffany
Di nga siya naniniwala.
"Siguro iniisip mo na ginagawa ko to dahil kay Zachelle no?" Ako
"Hmm, partly yes." Tiffany
Napatango-tango naman ako. Matagal na kong walang pake dun no -__-
"Labas siya sa lahat ng to Tiff. Wala akong pake sa kanya." Ako
"Di lang naman sa kanya eh. Mamaya pinagtitripan mo lang ako, sa ugali mong yan Charles at sa ugali nang buong tropa mo. Hindi malabong di niyo ko pagtripan." Tiffany
Awit! Damay na lahat. May point naman siya! Pero di naman masama ang intension ko sa kanya! Mamatay man!
"Tiffany, malinis ang kalooban ko sayo. I-check mo pa eh. Gusto mo iharap pa kita sa altar para maniwala ka?" Ako
Binigyan naman niya ko ng isang sarkastikong tingin.
"Baliw! Basta! Ang hirap maniwala." Tiffany
"Don't worry, I will prove myself to you hanggang sa maniwala ka." Ako
Natahimik kami saglit. Nagiisip ako ng sasabihin pero nagsalita na siya.
"Kailan mo to pinlano?" Tiffany
"Kahapon nung nagsiuwian na kayo galing mall, di pa talaga ko umuwi. Tapos yung may pakanta, kanina ko lang sila kinontsaba. Kaya nga wala kami nung adviser's time." Ako
"Buti pumayag sila? Lalo na si Luke?" Tiffany
Medyo natawa naman ako dun.
"Oo naman! Ganun naman kami eh, may support kami sa isa't isa. Si Luke ganun lang talaga yun masungit at kung ano pa, pero pag sa tropa go lang din siya." Ako
Inilagay na namin sa backseat yung flowers at chocolates.
"Thank you pala." Tiffany
"Anong thank you? Utang yan, ba nakakalimutan mo yung 2k na binayad ko sa caf?" Ako
BINABASA MO ANG
More Than Friendship
Teen FictionKaibigan pa kaya sila kung sobrang Bratinella nila? Kaibigan pa kaya sila kung sobrang Siga nila? Magkakasundo-sundo din kaya silang anim? Mauuwi din kaya sila sa pagkakaibigan? Bubuo din kaya sila ng another circle of friends?