KABANATA 4

899 115 34
                                    

Kabanata 4.

Sobrang nanlalamig ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung bakit ako nakakakita ng multo. Sobrang natatakot ako lalo na dahil sa mga itsura nila.

Tumatakbo ako ngayon dahil natatakot akong baka habulin at maabutan nila ako. Bawat madadaanan ko ay may nakakasalubong akong multo. Ang ibang multo ay gusto pa akong kausapin at ang iba ay tumitingin sa akin na para bang isa akong weird na tao.

Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ko. Walang direksyon ang aking pagtakbo. Gusto ko lang pumunta sa lugar na walang kahit na anong multo. Kapag pumunta ako sa madaming tao ay hindi ko malalaman kung sino ang tao sa multo.

Mas mabuti na pumunta ako sa lugar na walang kahit na sinong tao at multo. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tumatakbo. Pero kahit kanina pa ako tumatakbo ay hindi ako napapagod at hindi rin ako pinagpapawisan.

Tumigil ako sa tapat ng isang malaking modern mansion. Sa lugar na ito ay walang kahit na sino.

Tumingin ako sa aking paligid.

Nasa loob ako ng isang mukhang private community. Sa tapat ng tinigilan kong modern mansion ay walang makikitang mga multo at tao.

Napapikit ako at napahinga ako ng maluwag. Thankfully, wala ng multo sa paligid ko.

Tumingin ako sa modern mansion na nasa harapan ko. Nakasarado ang gate pero mukhang may tao sa loob dahil makikita na nakabukas ang ilaw sa loob ng mansion.

Napakagat ako sa aking labi. Iniisip ko kung dapat ba akong magdoorbell o kung dapat bang matulog na lang ako dito sa labas.

Hindi ko sigurado kung tutulungan ba ako ng mga tao sa loob ng mansion kung hihingi ako sa kanila ng tulong. Hindi ko rin sigurado kung mahihingan ko ba sila ng tulong o kung anong klase ng tao ang nasa loob.

Pero hindi ko gusto na matulog sa labas. Lalo na dahil malaki ang posibilidad na baka may biglang sumulpot na multo sa lugar na ito. Sa ngayon ay ang mansion na ito ang mukhang pinakasafe na lugar para sa akin.

Hindi ko alam kung anong full name ko. Hindi ko alam kung saan ako nakatira kaya kailangan ko talaga ng tulong ngayon.

Wala akong maalala na kahit ano bukod sa aking first name na Yrayla.

Ilang minuto akong tulala at nang makapagdesisyon ako ay pinindot ko ang doorbell. Humarap ako sa pinhole at alam kong may camera iyon.

Ngumiti ako habang naghihintay ng taong sasagot ng intercom. Pero makalipas ang ilang minuto ay wala akong narinig mula sa intercom.

Napakurap ako ng ilang beses.

"Hija, kung ako sa'yo. Hindi ko na babalakin na pumasok sa lugar na 'yan."

Napalingon ako sa nagsalita. Bumungad sa akin ang mukha ng matandang lalaki. Nakasuot ito ng guard uniform. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin kong hindi siya mukhang multo. Walang mababakas na kahit ano sa katawan niya. Maayos din ang suot niyang guard uniform at malinis iyon.

"Kailangan ko po ng tulong, hindi ko po matandaan kung sino ako at kung taga saan ako."

Tumitig sa akin ang guard at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Normal lang iyon. Siguro ay kakamatay mo pa lang kaya bago lang sa'yo ang sitwasyon mo ngayon. Masasanay ka rin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng guard na nasa harapan ko.

"Hindi pa po ako patay," wala sa sariling usal ko.

Tumango-tango ang guard sa aking harapan.

"Ganyan ang mga sinasabi ng mga multong kakamatay pa lang. Hangga't maaga pa, tanggapin mo na ang kapalaran mo."

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon