Kabanata 10.
Hindi ko na inisip pa ang lalaking nakabungguan ko kanina. Nakita ko si Sanie sa bench na nakaupo. May katabi siyang lalaki na nakasuot ng white polo shirt at black pants. Desente ang ayos ng buhok at porma ng lalaking katabi ni Sanie.
Sigurado akong iyon ang kablinddate niya dahil nag-uusap sila at nakangiti sila sa isa't isa. Siguro ay nagpapakilala pa sila.
Naupo ako sa may bench hindi kalayuan sa kanila para kita ko ang bawat galaw nila at bawat expression sa mukha ni Sanie. Nang maupo ako ay nakita kong nilingon ako ni Sanie. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Matapos nilang mag-usap ay tumayo na sila. Sinundan ko sila dahil iyon ang trabaho ko ngayon. Nagpunta si Sanie at ang kablind date niya sa isang restaurant. Mabuti na lang dahil may dala akong pera. Mukhang mapapakain ako ng wala sa oras.
Sinundan ko lang si Sanie at ang kasama niyang lalaki sa bawat puntahan nila. Nasa sinehan kami ng makaramdam ako ng matinding antok. Napatingin ako sa oras ng phone ko.
5:49 pm na.
Nakatingin ako sa screen ng phone ko ng makareceive ako ng message mula kay Sanie.
Sanie: [Thanks for today. Pwede ka ng umuwi. He's quite a gentleman. Mabait din siya at ramdam kong safe ako sa kaniya.]
Napataas ang kilay ko sa message ni Sanie. Halatang tinataboy niya na ako dahil naconfirm na niya na hindi masamang tao ang kablinddate niya.
[Okay. Take care, Sanie.]
Dahil inaantok na ako ay hindi na ako nagstay sa sinehan. Agad akong umuwi.
Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kusina.
"Grandma, kakain na ako."
"Kamusta si Sanie?" Bungad sa akin ni Grandma. Sinundan niya ako papasok sa may kusina.
"Okay na siya. Pinaalis na niya ako dahil medyo naging maayos na ang lagay niya," pagsisinungaling ko kay Grandma.
Tumango sa akin si Grandma. "Maaga pa pero kung nagugutom ka na, kumain ka na."
Hindi na ako nagsalita. Saglit lang akong kumain dahil pabigat ng pabigat ang talukap ng mga mata ko. Sobrang inaantok na ako.
Matapos kong kumain ay mabilis akong naglinis ng katawan at nagpalit ng pantulog.
Nang mahiga ako sa kama ay agad akong nakatulog.
---
"What time is it?"
Bumangon ako sa kama. Katulad noong mga nakaraang gabi, wala na si Zherion sa tabi ko tuwing magigising ako.
Hindi ko rin inakala na matagal matulog ang mga multo at sa tuwing gumigising ako ay madilim na lagi sa labas ng bintana ni Zherion. Siguro ay para sa mga multo talaga ang gabi at para sa mga tao ang umaga.
Naglakad ako palabas ng bedroom ni Zherion. Napansin kong wala siya sa kusina, living room, gym, study room at sa iba pang parte ng mansion niya.
Agad akong napasimangot ng marealize kong wala si Zherion sa kaniyang bahay. Napatingin ako sa orasan na nasa wall-clock.
6:15 na ng gabi.
Siguro ay nasa trabaho pa rin si Zherion. Mayaman si Zherion at siguradong malaki ang ang company na pagmamay-ari niya o ng pamilya niya.
Nagtungo ako sa sa loob ng study room ni Zherion. Balak kong magbasa ng mga libro na nakalagay sa study room niya.
Namimili ako ng librong babasahin ng may naramdaman akong sumundot sa aking braso. Napalingon ako sa aking tabi at agad nanigas ang buong katawan ko ng tumambad sa akin ang mukha ng isang multong babaeng nakasuot ng white-wedding dress.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024