Kabanata 2.
"So, kailangan mong mag-asawa?" tanong sa akin ni Sanie.
Nasa loob kami ng isang milktea shop. Kanina ay umuwi muna ako saglit sa apartment. Nang mag alas sinko na ay chinat ko si Sanie na magkita na lang kami sa milktea shop na malapit sa pinagtatrabahuhan niya.
Si Sanie ay nagtatrabaho ngayon sa isang bangko. Simula ng gumraduate kami ay nagtatrabaho na siya don kaya isang taon na siyang employed.
Masaya ako para sa kaniya. Madalas niya akong ilibre tuwing sahod niya. Parang kapatid ko na si Sanie. Noong nasa college pa kami ay madalas mag-overnight si Sanie sa bahay namin ni Grandma. Tuwing bakasyon din ay laging nasa bahay namin si Sanie.
Kanina ay kinwento ko na sa kaniya ang buong pag-uusap namin ni Grandma. Lahat ng bagay na sinabi sa akin ni Grandma ay sinabi ko ay Sanie.
"Ganon na nga."
Magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin si Sanie. Humigop muna siya ng inorder niyang mango fruitshake bago siya nagsalita.
"Hindi ba uso ngayon yung fake marriage? Bakit hindi ka maghire ng lalaki para don?" seryoso akong tiningnan ni Sanie.
"Wala tayo sa drama Sanie. Anong uso? Hindi iyon uso sa atin."
Tumango si Sanie sa akin. "Pero uso iyon sa nababasa kong novel." Ngumiti sa akin si Sanie.
Pinanliitan ko ng mata si Sanie. Alam kong kapag pabiro siyang nakangiti sa akin ay ibig sabihin wala siyang naiisip na kahit anong solusyon sa problema ko.
"Seryoso talaga si Grandma Milany? Hindi siya nagbibiro?" Tanong ni Sanie sa akin nang hindi ako magsalita.
Kinain ko ang nachos na inorder namin.
"Kung nagbibiro si Grandma ay sana hindi na ako namomroblema ngayon. Kilala mo si grandma, kapag nakapagdesisyon na siya sa isang bagay ay hindi na iyon magbabago."
Isa sa mga pinaka strong traits ni Grandma ay ang kaniyang pagiging totoo sa bawat pangako at salitang binibitawan niya. Kapag sinabi niyang seryoso siya ay seryoso talaga siya.
Kapag hindi siya nagbibiro ay hindi talaga siya nagbibiro. Kapag nakapagdesisyon na siya ay hindi na mababago iyon.
Sumeryoso ang expression sa mukha ni Sanie dahil sa sinabi ko. Alam kong iniisip niya rin kung ano ang ugali ni Grandma.
"May mga kawork ako na single. Kaso hindi ko sigurado ang mga ugali nila o kung totoo bang single sila."
Umiling ako kay Sanie. "Wala akong balak mag-asawa. Mas gugustuhin ko pang maghanap ng trabaho."
"Pero paano ang apartment niyo?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Sanie. Bumuntong-hininga ako.
"Hindi ko alam. Gusto ni Grandma mahal ko ang lalaki at mahal na mahal ako ng lalaking aasawahin ko. Sa tingin mo ba ay possibleng makahanap ako ng asawang ganon sa loob lang ng isang taon? Kilala mo din si grandma, walang maitatagong feelings sa kaniya. Unang tingin palang niya ay alam niya na agad kung nagsisinungaling ako o nagsasabi ako ng totoo."
Kung madaling lokohin si Grandma ay matagal na kong humigit ng kahit na sinong lalaki at gumawa ng fake marriage certificate.
Mabuti na lang dahil hindi aware si Grandma na iba na ang nasa loob ng katawan ng apo niya dahil kung hindi ay baka matagal na niya akong pina-exorcist.
"Mukhang malabo nga ang bagay na iyon."
Tumahimik kaming dalawa ni Sanie ng maisip namin na mahirap talagang solusyonan ang problema ko. Wala akong trabaho, hindi ko magagawang baguhin ang isip ni Grandma, wala akong boyfriend.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasiaA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024