Kabanata 1.
Life sometimes is unpredictable. I died at the age of 20. In my past life, I was struggling everyday just to survive. I worked nonstop in order to earn enough money for my tuition and other expenses.
I was alone. My parents died early and I was left with no one. I have the will to survive, but no matter how strong I was, I am just a human being. I collapsed because of exhaustion and I died when my head hit the corner of the table.
Luckily, I transmigrated in another world. In this world, I have grandma and I have a friend.
No matter how strange it was, I accepted my life easily. The original owner of this body also died when she was 20. Like me, she was a loner. She fell in love with a man but that man died unexpextedly. She committed suicide because of extreme grief and sadness leaving behind her grandma. One time, she visited my dream and told me to take good care of her grandma in her stead.
It was already 4 years ago since I took over her body.
Pinangako ko sa kaniya na aalagaan ko si Grandma. Sa apat na taon kong kasama si Grandma ay masasabi kong mapagmahal na tao talaga si Grandma. Iyon nga lang, hindi magbabago ang isip ni Grandma kapag nakapagdesisyon na siya sa isang bagay.
Ngayon araw ay may mahalaga sa akin sasabihin si grandma. Magkaharap kaming nakaupo sa may sofa.
"I will give you the title of this apartment but in one condition, Yrayla."
Kumabog ng malakas ang puso ko sa sinabi ni Grandma. Noon pa man, sa aking first life pangarap ko ng maging landlord. Tuwing gabi ay iniisip ko na mas magiging magaan ang buhay ko kung isa akong landlord. Pangarap kong magpatayo ng apartment building. Kahit isang two storey apartment building ay sapat na sa akin.
Pero ang pangarap ko na iyon ay hindi natupad. Maswerte ako na napunta ako sa ibang mundo. Pero sa mundong ito ay isa akong unemployed. Ilang jobs na ang inapplyan ko pero lahat ng iyon ay hindi na ako tinawagan. Kahit mga parttime jobs ang inaapplyan ko ay hindi rin ako tinatanggap.
Hindi ko alam kung bakit at wala akong idea. Graduate ako ng accounting. Sinubukan ko na rin mag apply bilang cashier sa isang supermarket magkaroon lang ako ng trabaho pero hindi pa rin ako natanggap.
Sa first life ko, kahit anong applyan kong trabaho ay natatanggap ako kahit undergrad ako, pero sa buhay ko ngayon, walang kahit na isang tumatanggap sa akin.
Kaya masaya ako ng marinig ko ang sinabi ni Grandma. Kung ibibigay niya sa akin ang apartment niya ay hindi ko na kakailanganin magtrabaho. Ang kailangan ko na lang gawin ay mangolekta ng rent at alagaan si Grandma at ang apartment habang buhay.
"Grandma, I will accept your condition." Masayang saad ko kahit hindi pa sinasabi ni Grandma ang condition na gusto niya.
Kaya pangarap kong maging landlord noong first life ko ay dahil pagod na pagod na akong magtrabaho na tipong 2-3 hours lang ang tulog ko araw-araw. Minsan kapag nasa nightshift ako ay hindi ko na nagagawang makatulog kahit 1 hour dahil kapag lumiwanag na ay kailangan ko na agad pumunta sa susunod kong trabaho at sa school para mag-aral.
Wala akong oras non na makipagkaibigan kahit kanino. Wala akong oras na magcellphone at magscroll sa social media. Nabubuhay lang talaga ako noon para makasurvive sa araw-araw.
Nagpapasalamat talaga dahil nagkaroon ako ng pangalwang buhay. Sa buhay na 'to nagkaroon ako ng grandma at kaibigan na nakilala ko noong college ako.
Seryoso akong tiningnan ni Grandma. Kahit matanda na si Grandma ay mahilig siyang mag-ayos ng sarili. Kahit nasa bahay siya ay hindi nawawalan ng make-up ang mukha niya. Lagi din may suot ng pearl necklace si Grandma.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024