Kabanata 7.
"Wala bang nakapagsabi sa'yo na masamang matulog ng gutom? Hindi ba kita nasabihan noon? Paano kapag hindi ka na nagising?"
Nang lumabas ako sa aking kwarto ay boses ni Grandma ang bumungad sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata.
"Good morning, Grandma."
"Magbreakfast ka na. Mamayang gabi, siguraduhin mong may sapat na laman ang tyan mo bago ka matulog."
Tumango ako sa sinabi ni Grandma. Naupo ako sa tapat ng lamesa na may nakalagay na mga breakfast. Sinalinan ako ni Grandma ng friedrice sa aking pinggan at nilagyan niya ng egg at ham iyon.
"Thanks, Grandma."
Nagsimula na akong kumain. Habang nakain ako ay hindi ko mapigilan na hindi mapatulala. Lutang ang isip ko habang inaalala ang mga nangyari kagabi pagkatapos kong makatulog.
Nanaginip na naman ba ulit ako pero hindi ko matandaan? Hindi ko magawang matandaan kung ano ang nangyari pagkatapos kong matulog. Ang alam ko lang ay nang pumikit ako para matulog ay bigla akong nagising. Pero hindi malinaw kung saan ako nagising at kung anong nangyari.
Siguro nga ay nananaginip lang ako non.
Matapos namin magbreakfast ni Grandma ay naghugas na ako ng aming pinagkainan. Hindi ko kailangan lumabas ng bahay ngayon at wala akong balak na puntahan.
Siguradong hindi rin ako papayagan na lumabas ni Grandma pag sinabi ko sa kaniya na maghahanap ako ng trabaho. Tinitipid ko rin ang pera ko na binibigay sa akin ni Grandma kaya naisipan ko na lang na magstay sa bahay ngayon araw.
Matapos kong maghugas ng pinggan ay pumasok muli ako sa aking kwarto. Kinuha ko ang nakacharge kong phone.
Balak ko sana na tawagan si Sanie para makipagkwentuhan sa kaniya pero hindi ko na tinuloy ang balak ko dahil naalala ko na may trabaho siya ngayon araw.
Naupo ako sa kama habang hawak ko ang aking phone. Nagtungo ako sa may search bar ng browser para magsearch.
[How to cure insomnia?]
Nang matapos akong magtype ay agad akong natigilan. Agad nagsalubong ang kilay ko bago ako napatitig sa random question na tinype ko sa search bar.
Nagtataka akong tumitig sa screen ng phone ko. Kanina ay gusto ko lang magsearch kahit hindi ko alam kung ano ang gusto kong i-search.
Wala sa sarili akong nagtype kanina at nang matauhan ako ay tsaka ko lang narealize ang tanong na tinype ko sa search bar.
Kahit nagtataka ay binasa ko pa rin ang results ng sinearch ko. Hindi ko alam kung bakit nangingibabaw sa akin ngayon ang kagustuhan na malaman ang resulta ng sinearch ko.
Habang nagbabasa ay seryoso kong tiningnan kung ano ang mga bagay na pwedeng makatulong sa pagpapagaling ng insomnia.
Drinking enough water. Exercising. Eating healthy foods. Meditating.
May mga simple at natural na mga bagay na pwedeng makatulong para ma-lessen ang insomnia ng isang tao.
Ngumuso ako.
"I think it's not possible and plausible for him. He has a severe insomnia." Wala sa sarili akong nagsalita habang nakatuon ang atensyon ko sa resulta na binabasa ko.
Matapos kong magsalita ay agad akong natigilan. Napakurap ako ng ilang beses.
What the heck? Who has a severe insomnia?
And who the hell I am talking about?
Halos kilabutan ako dahil sa sarili kong sinabi. Pakiramdam ko ay nawawala na ako sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024