KABANATA 6

873 136 58
                                    

Kabanata 6.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakayakap kay Zherion. Lumayo lang ako sa kaniya ng mapansin kong tinabi na niya ang lighter na hawak niya. Nilagay niya iyon sa pants niya.

Umayos ako ng upo sa sofa.

Tumayo si Zherion at naglakad siya patungo sa malawak na kitchen ng mansion niya. Kompleto ang gamit sa bahay ni Zherion. Malinis ang kitchen niya at organized lahat ng bagay sa loob ng mga cabinets.

Malaki ang refrigerator ni Zherion at madami iyong laman na milk, fruits at vegetables. Napataas ang kilay ko dahil mukhang healthy naman ang mga bagay na ini-intake ni Zherion. Mukhang hindi pagkain ang dahilan kung bakit siya may severe insomnia.

Pinanood ko na si Zherion habang abala siya sa pagluluto ng vegetable dish na may maliliit na meat.

Nakasuot si Zherion ng expensive na red polo longsleeves. Nakabukas ang dalawang top buttons ng long-sleeves ni Zherion. Ngayon ay nakasuot din siya ng black na apron.

Sobrang gwapo talaga niya. Bawat galaw niya ay sobrang napaka-attractive. Mas lalo akong na-iinlove sa kaniya. Lalo na ngayon na nadiscover ko na magaling at marunong siyang magluto ng pagkain.

Matapos magluto ni Zherion ay pinanood ko siyang kumain. Nakaupo ako sa lamesa habang nakangiting nakatitig sa kaniya.

Pinatong ko ang aking siko sa may lamesa at pinatong ko ang aking mukha sa aking kamay habang nakatingin ako sa lalaking kumakain sa harapan ko.

He's eating so elegantly and handsomely.

He's so freaking attractive. Isa lang akong multo na madaling ma inlove kaya hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman para sa kaniya.

Nang matapos kumain si Zherion ay nilagay na niya sa dishwasher ang pinagkainan niya. Pagkatapos ay nagtimpla siya ng mukhang chamomile tea kung hindi ako nagkakamali.

Nilagay ni Zherion ang teapot at teacup sa isang tray. Binitbit niya iyon. Naglakad si Zherion patungo  sa hagdan habang bitbit ang tray.

Sinundan ko siya.

Pumasok si Zherion sa loob ng isang malawak na study room. Bukod sa desk at chair ay may complete sofa set din sa loob ng study room. May malaking TV din na naka mount sa wall ng study room. Mapapansin din ang simple at sophisticated na modern chandelier sa study room.

Naupo si Zherion sa tapat ng kaniyang desk. Sa desk na iyon ay may nakalagay na computer, laptop at mga documents at folder. Naka organize iyon ng maayos sa table ni Zherion at dahil malawak at malaki ang space ng desk niya ay hindi iyon mukhang masikip kahit may mga gamit na nakapatong don.

Pinatong lang ni Zherion ang hawak niyang tray sa may gilid ng desk niya kung saan walang nakalagay na kahit ano.

Naglakad ako patungo sa tabi ni Zherion. Mukhang balak niyang magtrabaho. Binuksan ni Zherion ang ilang mga folders na nakalagay sa lamesa niya at seryoso niya iyon binasa.

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Zherion. Napakurap ako, totoo nga ang sinasabi nila na mas dumodoble ang kagwapuhan ng lalaki kapag focus sila sa pagtatrabaho.

Napangisi ako. Wala akong balak istorbohin si Zherion kaya naglakad na lang ako sa sofa. Naupo ako sa sofa habang pinagmamasdan ang study room ni Zherion.

He's so rich. Pansin kong kahit sa study desk niya ay walang mababakas na gamit ng babae. Siguro nga ay single talaga siya. Kahit sa living room ay wala akong nakitang gamit na possibleng pag-aari ng babae.

Mas lumawak ang ngisi sa labi ko. Ibig sabihin ay wala akong pagseselosan at kami lang talagang dalawa ang nakatira sa bahay niya ngayon.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na mananatili sa mundo ng mga tao. Siguro kaya hindi pa rin ako naglalaho ay dahil may goal pa rin ako na kailangan gawin katulad ni manong guard na hindi pa umaalis sa mundong ito dahil may kailangan pa siyang ibigay sa anak niya.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon