Kabanata 3.
Nagkita kami ni Sanie sa may terminal ng bus.
"Ang dami mong dala. Hindi tayo mag-oovernight," bungad sa akin ni Sanie.
Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi ako papaalisin ni Grandma kapag hindi sobra-sobra ang dala ko."
Tumawa si Sanie bago umiling. "Mahal na mahal ka talaga ni Grandma Milany. Alam niyang aakyat tayo sa bundok kaya pinagdala ka ng madaming pagkain."
Sumakay na kami ng bus ni Sanie nang dumating ang bus na maghahatid sa aming dalawa sa destinasyon na pupuntahan namin.
Habang nakasakay kami sa bus ay inaral namin ni Sanie ang mapa ng bundok na aakyatin namin para hindi kami maligaw.
"May stairs naman papunta sa temple," saad ko nang mapansin kong may hagdan ang pictures patungo sa temple na pupuntahan namin.
Tumango si Sanie. "Mabuti na rin na may alam tayo sa paligid ng temple. Tingnan mo, mukhang may nagtitinda ng souvenirs sa pwesto na 'to."
Sa live map ay makikita ang isang matandang nakaupo at ang mga paninda nito. Tumango ako kay Sanie.
"Punta tayo dyan mamaya. Gusto kong ibili ng souvenir si grandma."
"Ibibili ko din si mama at papa ng souvenirs."
Isa at kalahati ang oras ng byahe ng bus bago kami nakarating sa ibaba ng bundok. Bumaba kami ni Sanie sa bus stop na malapit sa bundok na aakyatin namin.
Naglalakad kami ni Sanie patungo sa may hagdan. May mangilan-ngilan na matatandang umaakyat din at mukhang papunta rin sa temple na balak namin puntahan ni Sanie.
Isang oras kaming naglakad ni Sanie bago kami nakarating sa temple. Malinis ang labas ng temple at may mga matatandang nakasuot ng hiking suit ang nagdadasal sa loob.
May mga monk din sa paligid.
"Tara sa loob, Yrayla."
Hinigit ako ni Sanie patungo sa loob ng temple. Walang kahit na anong statue sa loob ng temple kaya nagtataka kong tiningnan si Sanie.
Tiningnan rin ako ni Sanie. "Hindi naman siguro tayo naliligaw, hindi ba? Sa ibang temple ay may mga statue."
Bumulong sa akin si Sanie. Napakurap ako. "Hindi siguro?" Hindi siguradong tugon ko kay Sanie.
"Nandito na tayo kaya magdasal na rin tayo."
Tumango ako sa sinabi ni Sanie. Lumuhod kami ni Sanie. Nakaharap kami sa direksyon kung saan nakaharap ang nakaluhod na old monk.
Pumikit ako habang nakaluhod. Pinagdaop ko ang aking palad bago ako tahimik na humiling sa aking sip.
"God, please change my grandma's mind. Wala akong kakayahan na maghanap ng taong aasawahin at hindi ko rin sigurado kung makakahanap ako ng trabaho. Ang apartment lang na iyon ang pag-asa namin mabuhay ni grandma. Sana magbago bigla ang isip ni grandma. Thank you, God. Amen."
Matapos kong magdasal ay minulat ko ang aking mga mata. Napangiti ako at pakiramdam ko ay gumanda ang ihip ng hangin. Agad na mawawala ang problema ko kung magbabago ang isip ni Grandma.
Nilingon ko ang katabi kong si Sanie. Nakita kong nakapikit siya at magkadaop ang kaniyang mga kamay. Seryoso siyang nagdadasal. Sa expression ng mukha ni Sanie ay para bang balak niya magdasal buong maghapon.
Hindi ko inabala ang pagdadasal ni Sanie. Tumayo ako at nagtungo ako sa labas ng praying room para magmasid-masid.
Iniwan ko sa tabi ni Sanie ang bag back na dala ko kaya wala akong bitbit ngayon bukod sa maliit na shoulder bag na dala ko.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024