Kabanata 5.
Iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang puting ceiling at ang amoy ng disinfectant. Napaupo ako sa kamang hinigaan ko.
“Yrayla! Gising ka na! Pinakaba mo ko.”
Mahigpit akong niyakap ni Sanie. Nagtataka ko siyang tiningnan.
“Anong nangyari? Bakit nasa hospital ako? Alam ba ni grandma na nasa hospital ako ngayon?”
Matapos kong magsalita ay pumasok bigla sa ward si grandma. Pinanliitan niya ako ng mata. Pansin kong may dala siyang paperbag.
“Sinabi ko sa’yo na magexercise ka. Tingnan mo, umakyat lang kayo sa kalahati ng bundok pero nahimatay ka na. Tulog ka buong hapon at gabi. Mabuti na lang at kasama mo si Sanie. Paano kung mag-isa ka lang?”
“Grandma, wala naman akong sakit hindi ba?” nag-aalalang tanong ko kay Grandma dahil ayokong mamatay ulit. Masaya ako ngayon sa buhay ko.
“Wala kang sakit. Healthy ang katawan mo.”
“Yrayla, sa tingin ko napagod ka lang kahapon dahil knock-out ka buong gabi. Kahit gisingin kita ay hindi ka nagigising,” saad ni Sanie.
Tumango ako kahit hindi ako sigurado. Naisip ko na baka kinulang lang ako sa pagkain kaya nahimatay ako.
“Kain na kayo.”
Inilatag ni Grandma sa may table na nakakabit sa bed ang aming breakfast.
Nagsimula na kaming kumain na tatlo. Porridge at tinapay ang almusal namin. Habang humihigop kami ng porridge ni Sanie ay nagsalita si Grandma.
“Mamaya ay uuwi na tayo sa bahay. Sanie, umuwi ka na rin sa inyo at maligo. Kahapon ka pa amoy pawis.”
Sabay kaming nasamid ni Sanie dahil sa sinabi ni Grandma. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Sanie na hindi na nagawang makaligo dahil sa pag-aalala at pagbabantay sa akin.
“Grandma, hindi naman sobrang amoy pawis ako, hindi po ba?”
“Sobrang amoy pawis ka na. Sinabi ko sa’yo kagabi na ako na ang magbabantay kay Yrayla pero hindi ka nakinig. Ngayon ay nakalimutan mo ng hindi ka pa naliligo.”
Sumimangot si Sanie dahil sa sinabi ni Grandma kaya natawa ako.
Binalingan ako ng tingin ni Grandma kaya bigla akong napatigil sa pagtawa.
“Tumatawa ka? Hindi ka pa rin naliligo simula ng sinugod ka dito sa hospital.”
Ngumisi sa akin si Sanie kaya napasimangot ako. Matapos namin kumain ay chineck lang ng doctor ang lagay ko. Nang makompirma namin na pwede na akong madischarge ay lumabas na si Grandma para sa discharge procedure.
Nang maiwan kami ni Sanie ay seryoso ko siyang tiningnan. “Hindi mo naman siguro binili yung napakamahal na jade lid, hindi ba?”
Umiling sa akin si Sanie.
“Paano ko magagawang bilhin ang bagay na iyon kung nahimatay ka bigla sa tabi ko.”
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024