Kabanata 8.
YRAYLA'S POINT OF VIEW
Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kaba at pagkagulat. Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Zherion dahil masyado akong tutok na tutok sa pagbabasa ng isang business magazine.
Noong magising ako kanina ay wala na si Zherion sa tabi ko. Katulad noong nakaraang araw, madilim na sa labas noong magising ako.
Walang katao-tao sa loob ng mansion na ito kanina. Wala si Zherion kaya naisipan kong libutin ang buong mansion niya. Nang malibot ko na ang buong mansion ni Zherion ay hindi pa rin siya umuuwi.
Napansin ko ang mga business magazine sa ilalim ng low-table sa living room ni Zherion kaya kinuha ko iyon at inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng business magazine.
Kahit nakapatay ang ilaw ay nagagawa ko pa rin basahin ang mga nakasulat sa business magazine. Nakikita ko rin ng malinaw ang mga pictures na nakalagay sa business magazine.
Napatigil lang ako sa pagtingin sa business magazine ng marinig kong bumukas ang pinto kaya natataranta kong binalik ang business magazine sa ilalim ng low table.
Umayos ako ng upo sa sofa.
Nang bumukas ang ilaw ay napakurap ako ng maraming beses. Halos kabahan ako ng tumigil sa paglalakad si Zherion malapit sa gilid ng low-table.
Kitang-kita ko kung paano niya pinasadahan ng tingin ang magulong lagayan ng mga magazine. Napakagat ako sa aking labi.
Kinabahan ako dahil baka mahalata niya na may nangialam ng kaniyang mga business magazine. Walang ibang tao sa lugar na ito. Baka isipin ni Zherion na may masamang entity sa loob ng bahay niya at baka maghire siya ng exorcist para paalisin ang masamang entity.
Halos umikot ang ulo ko sa pag-ooverthink ng mga bagay. Kinakabahan talaga ako dahil baka mahuli ako ni Zherion kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
Mas mabuti kung iisipin niya lang na may nakapasok na magnanakaw sa mansion niya kaysa maisipan niyang baka may masamang espirito ang nasa loob ng mansion niya.
Mas lalo kong pinigil ang paghinga ko ng tumingin sa sofa si Zherion. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Kinalma ko ang aking sarili. Kahit alam kong hindi niya ako nakikita ay hindi ko pa rin mapigilan na hindi kabahan. Lalo na kapag akala ko ay nakatingin siya sa akin kahit hindi naman.
Tumayo ako mula sa sofa at sinundan ko si Zherion. Gusto ko siyang ipagluto at ipaghanda ng dinner. Alam kong pagod siya galing sa trabaho.
Pero dahil isa lang akong multo ay malabo kong magawa iyon. Baka mahimatay din sa takot si Zherion kapag nakita niya bigla na may nakahain na pagkain sa dining table niya kahit siya lang ang tao sa mansion na 'to.
Ayoko siyang takutin.
Dumiretso si Zherion sa kaniyang bathroom ng makapasok siya sa bedroom. Naupo ako sa kama habang hinihintay si Zherion na matapos maligo.
Nang lumabas si Zherion sa bathroom ay nakabalot lang ulit ang white towel sa bewang niya. Hindi nahiga agad si Zherion. Pumasok siya sa kaniyang walk-in-closet. Hindi ko siya sinundan dahil alam kong balak niyang magbihis.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024