Kabanata 9.
"Grandma, sobrang sakit ng ulo ko!"
Napahilot ako sa aking sintido. Kakagising ko pa lamang ay lumabas na agad ako ng kwarto para magreklamo kay Grandma.
"Tamang-tama, mawawala 'yang sakit ng ulo mo kapag nagzumba tayo."
Natigilan ako sa sinabi ni Grandma. Mukhang naalala na niya na kailangan namin magzumba at mag-exercise.
"Okay," pagsang-ayon ko sa gusto ni Grandma.
Saglit lang na sumakit ang ulo ko at nawala din iyon agad makalipas ang ilang minuto.
Nagzumba kami ni Grandma sa living room. Hindi maliit ang living room ng bahay namin ni Grandma. Sakto lang ang space sa living room para makapagzumba kami at para makagalaw kami ng maayos.
Humanap ako ng mga zumba videos para may mapaggayahan kami ni Grandma. Nakasuot si Grandma ng leggings at fit na t-shirt. Nakasuot ako ng simpleng jogging pants at t-shirt.
Nagsimula na kaming magzumba ng makahanap ako ng magandang video na may lively music.
Nang hingalin na si Grandma ay tumigil na kami sa pagzuzumba.
Pinauna kong maligo si Grandma.
Naupo muna ako sa may sofa habang hinihintay na matapos si Grandma sa pagligo. Hawak ko ang phone ko at abala ako sa pag-i-scroll sa social media ng madaanan ko ang post tungkol sa idol ni Grandma na si Arzion.
Sa post na iyon ay may nakalagay lang na maikling caption.
[My present. My future. My handsome husband Arzion! He's retiring because we are getting married.]
Tiningnan ko ang picture ni Arzion na nakaattached sa post na iyon.
May maliit na ngisi sa labi ni Arzion. Nakasuot siya ng tuxedo habang may hawak ng bulaklak. Hindi siya mukhang aattend sa wedding, mas mukha siyang aattend sa funeral ng mortal enemy niya.
Napatitig ako sa picture ni Arzion. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi iyon normal.
Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng matinding kilig habang nakatitig sa picture ni Arzion. Ramdam ko ang pag-init ng pisnge ko.
Shocks! He's so handsomeeee!
Hindi ako fan ni Arzion. Hindi rin ako ganito magreact dati kapag nakakakita ako ng picture niya sa social media. Aminado ako na sobrang gwapo niya at hinahangaan ko rin ang angking kagwapuhan niya.
Pero ngayon lang tumibok ng malakas at mabilis ang puso ko habang nakatingin sa picture ni Arzion. Malabong love at first sight ang matatawag sa nararamdaman ko.
Napakurap ako ng ilang beses bago ko tinapik ang pisnge ko. Nacharm ba ako ng picture ni Arzion? Alam kong hindi ako ang tipo ng tao na magbabase lang sa appearance para mapa-ibig. Kung ganon akong tao ay matagal na akong nagkaroon ng crush.
Masama kong tiningnan ang picture ni Arzion.
"Masyado kang mapang-akit."
Zinoom ko ang mukha ni Arzion. Napasimangot ako. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang i-kiss. Mukhang natamaan ako ng charm ni Arzion.
Binasa ko ang mga comments sa post na iyon. Halatang fanmade lang ang post na iyon. May comment din ng screenshot ng scene sa isang movie ni Arzion kung saan makikita ang scene na nasa harapan siya ng funeral habang may hawak ng bulaklak. Ang suot niya ay katulad ng suot niyang damit sa post.
Mukhang doon sa movie na iyon nakuha ng fan ni Arzion ang picture nito na nakapost.
[I wanna marrry him!]
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024