PROLOGUE

11 2 0
                                    

"Isang pilipina nanaman ang naka-ahon sa kahirapan."

Isa sa mga linyahan ng mga sikat sa 'ming barangay. Sikat sa kachi-chismiss sa buhay ng may buhay!

Sa dami ng problema ko 'wag nyo na dagdagan pa! Gusto ko na ngang tumalon sa bangin sa sama ng loob.

Bakit ba gustong gusto nyo na akong mag-asawa?

Bakit susuportahan nyo ba ang lola at mga kapatid ko?

Hindi pa katapusan ng mundo!

Edi mag-asawa ka ng afam, total uso naman yun. Para may pang laban ka na sa mga trending ngayon sa social media. Mag-asawa ka ng MMM! Matandang Madaling Mamatay.

Hindi-hindi naman ako desperada! Mas maige pang masipa ng kabayo para matauhan na!

Hanggat kaya ko! kaya ko!


Pero...


Pero...


Hindi lang naman talaga ito ang problema ko, may mas malalim pa akong pino-problema at inaalala.

Sa twing tatayo ako sa salamin. Natatanong ko ang sarili ko na. "Kaya mo pa ba?" kahit na nararamdaman kong hindi ko na talaga kaya. Naiingit ako inaamin ko, na yung mga kasabayan ko nagagawa na nila lahat ng gugustuhin nila.

Sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho ko, sa dami ng perang nahawakan ko... hindi manlang ako naka-ipon.

Kailangan kong mapagtapos ang mga kapatid ko sa pag-aaral at hindi 'yon sapilitan. Mahal na mahal ko sila, sila ni Lola. Sila ang natitirang taong minahal ako, at gagawin ko ang lahat-lahat para sa kanila.

Hanggang ngayon kasi tinutubos ko ang lupaing isinangla noon para sa pagpapagamot ni Lolo, hanggang sa lumaki ang interest... at panghihingi ni Mama na halos kalahati na ng kinikita ko. Bukas loob naman akong nagbibigay at tumutulong sa kanya at sa bago nyang pamilya. Umasa na talaga siya sa akin. Buhay na buhay naman ang lalaking kinakasama nya! Malakas pa, napakatamad at mabisyo.

Ang sakin lang...

Hindi ko matanggap na iniwan nya kami.

Hindi nya ba naiisip na kailangan ng isang bata ang kanyang ina? Kahit sa mga kapatid ko nalang, na napakabatang iniwan nya

Buti pa 'yong pusa hindi iniiwan yung mga anak nya. Yung inahing manok nagagalit siya at ipinagtatanggol ang mga anak nya. Na kaylan may hindi namin naranasang tatlo. Kaya ng mamatay si Papa. Ako na ang tumayong ama't ina. Kaya hawak ko ang responsibilidad at obligasyon.

Kaya kahit gaano pa kahirap mabuhay at makipagsapalaran sa hamon ng buhay. Kakayanin ko para sa mga mahal ko!






"Kahit na magunaw pa ang mundo! Bumagsak pa ang mga bulalakaw sa kalangitan! Hinding-hindi ko tatawagin, ANG PANGALAN MO!!!"

Cannot Reach Your Pride HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon