SUNDAY morning. Ito naman ang role ko tuwing weekend nagta-trabaho sa farm ni Lola. Isinaboy ko yung mga feeds na pakain sa manok. Then, pinakawalan ko muna yung mga baka at kambing sa parangan para pakainin.
"Buboy! Pakikadlo nga muna ako ng tubig."
Iniwan nya yung pagpapaligo sa kabayo at binigyan ako ng isang timbang tubig. Napalingon naman ako ng marinig ang tawanan ng kaibigan ni Colet. At saan naman kaya sya pupunta?!
"Hoy! Nagpaalam ka ba sa akin? Saan ang punta mo!" sigaw ko sa kanya na naglalakad na sa kalsada.
"Madali lang kami ate." Sigaw niya.
Magsasalita pa sana ako ng maglakad na siya papalayo. Ni hindi manlang tumulong o maasahan sa bahay. Napaka-tamad! Malaman laman ko lang na may kabalbalan yang ginagawa, humanda talaga siya sakin!
"Saan kaya ang punta ni Colet Buboy?"
"I don't know."
"Malaman-laman ko lang kung anong mga kabal-balang ginagawa nya, na hindi naman about sa school. Dali talaga sya sa akin!" napatingin naman ako sa mga feeds na natapon, dito ko na pati ibinuhos ang inis ko.
"Cohin! Hindi ka pa ba mag-gagayak ng mga dadalahin mo?"
Sigaw niya habang naglalagay ng Organic Fertilizer sa mga tanim nyang gulay.
"Mamaya na Lola, mahaba pa naman ang oras eh."
"Baka mamaya may makalimutan ka hane."
"Hindi pa naman po ako ulyanin 'noh"
Pasikat na ang araw, bago pala magtanghalian ay pupunta ako sa bangko. Kukunin ko muna yung Sweldo ko bago umalis at ipamamalengke narin sila lola. Ayoko namang sa pag-alis ko ay wala silang mga stock ng pagkain 'no.
"Baka naman sa pag-uwi mo may kasama ka na ha?" tumatawang sabi ni Lola Teresita, kaibigan ni lola na katulong nya rin sa pagtatanim.
Natigilan ako't napatingin. "Lola naman..."
"Maghanap ka na ng mapapangasawa sa ibang bansa. Yung mayaman sana. Nang 'di ka na nahihirapan sa pagtatrabaho." Singit ni Aling Milged.
Tinawanan ko nalang sila sa mga biro nila. Mga lola talaga eh.
Hangga't kaya ko, sisikapin kong magtrabaho, para makatapos sila Colet at Buboy... at makaipon ng maraming maraming pera. Sa totoo lang sa dami ng problema ko sa buhay... 'di ko na naiisip ang pag-aasawa o love life. Pft!
"Buboy, sasama ka ba sa bayan?" Sigaw ko sa kanya habang nakasakay sa di naman kalakihan naming truck ng gulay.
"Opo ate, sandali lang!" Sigaw niya sa loob ng bahay at tumakbo papasok sa loob ng sasakyan.
Nagmaneho na ako papunta sa bayan, ipinarada ko muna ang sasakyan sa gilid at pumasok sa bangko. Sweldo! Sweldo! Sweldo! Ilang minute lang ay nakuha ko na rin.
Pagkalabas ko ng bangko ay natanaw ko pa si Buboy na nakangiti sa loob ng sasakyan. Lumapit ako't sumilip sa bintana.
"Benjo, samahan mo ako sa Super market."
Ngumiti siya't bumaba ng sasakyan. Isinama ko siya sa loob ng Super market at bumili ng mga Groceries, then vitamins ni Lola sa pharmacy, dinamay ko narin yung dalwa nyang Bff. Total napakasipag naman nila.
Ano pa ba? Napatingin ako sa suot ni Buboy na sapatos.
"Ate saan pa ba ang punta natin?"
"Bakit nagrereklamo ka na?"
BINABASA MO ANG
Cannot Reach Your Pride Honey
RandomSabay-sabay nating subay-bayan ang buhay ng isang Denielle Cohin Madrigal. Ang Super Ma'am ng Barangay Mandaragit. Isa siyang Primary Teacher sa kanilang lugar at napakabait din niyang Binibini. Yun ang sabi. Na mayroong 5M: Magagalitin, Masipag, M...