CHAPTER 6

2 1 0
                                    

NAGISING ako ng tumunog ang Cellphone na nasa ilalim ng unan ko. It’s 6:30 am. Lumabas muna ako sa kwarto at naglakad-lakad.

Tulog pa siguro yong iba.

Bumaba ko sa hagdan at dumeritso sa kitchen. Binuksan ko ang refrigerator. Wow! May cake pa. Agad akong kumuha ng cake roon at naglagay sa platito, at ipinatong sa lamesa. Then hinanap yung heater.

Nasaan ba ‘yon?

Binuksan ko yung cabinet sa ibaba. Pero di ko yun makita. Nakakita ako ng maliit na kaserola kaya kinuha ko nalang iyon para pag-initan ng tubig. Isinarado ko na iyon at tumayo.

Nang…

May nakatayo ngayon sa harapan ko!

Ngumiti pa siya sa akin pero, umiwas ako at taas noong nilagpasan siya.

Kumuha ako ng tubig at nilagyan yung kaserola, at isinalang sa gas stove.

“What are you doing?” tanong niya at lumapit ng kaunti sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Tumayo ako ng tuwid, nakatuon ang atensyon sa ginagawa ko. Masyadong malapit siya, nakakaistorbo ang presensya ko.

“You should’nt have to do that.”

Tiningnan ko lang siya. “Mind your own business.” Madiin kong sabi at taas noo siyang iniwasan ng tingin. 

Hindi ko hahayaang isipin niyang kaya niyang diktahan ang mga gagawin ko.

Napansin ko ang pag-galaw ng balikat niya at tumawa ng mahina. Kaya tiningn ko siya ng irritated style. Tumigil siya’t kumuha ng tasa, then itinapat dun sa electric water dispenser, tumatawa niya akong nilagpasan, habang hinahalo yung kape niya. Napatingin naman ako sa kanya na naglalakad papalayo.

Ang… Arte.

Napatingin naman ako sa kaserola ng kumulo iyon. Bakit ‘di ko nga ba napansin yung Electric water dispencer. Nakakainis naman oh. 

Bakit nga ba nandito pa ang isang ‘yon? Wait--- don’t tell me na dito sya nagtuloy? Napabuntong hininga ako at nilasahan yung kape na minekus-mekus ko.

“Ah!” Napaso tuloy ako.

“Elle.” Napatingin ako ng dumating si Misha, humihikab pa siya at kinakamot ang ulo nya. Umupo siya sa bangko at iniub-ob ang ulo sa lamesa.

“Antok na antok? Oh.” Ibinigay ko sa kanya yung kape ko at nagtimpala ulit.

Umupo naman siya ng maayos. “Elle, you know what.”

“What?”

“Pagkatapos nya akong isayaw hiningi nya yung number ko.” tumitili niyang sigaw at iginalaw-galaw pa ‘yong paa nya.

Kalmado ako’t hinigop yung kape. Ibang klase talaga ‘to, eh.

“Mabuti naman.” Sabi ko

“Mabuti ka dyan. Is that for real? Dati naman pinipigilan mo ako ah? Ba’t ngayon hindi na!” reklamo niya na ikinalingon ko’t ikinatawa.

“Why you want me to do? Hm?” natatawa kong tanong sa kanya. “Bahala ka sa buhay mo, buhay mo naman yan.”

Kunot noo niyang ininom yung kape at muling tumingin sakin. “Ehh ikaw? Bakit nawala ka nalng kagabi? Ha!”

“I’m just in our room.” Natigilan ako.

“Wee”

“Di wag ka maniwala. Oo nga pala tinawagan ako ni Camille, wag na daw tayo mag-alala. For sure sakay na siya ngayon ng eroplano.”

“Ganun… di manlang tayo nakapag-bonding-bonding…” sabi niya

Sumang-ayon ako sa kanya. Tumunog bigla yung phone ko kaya agad kong sinagot yung tawag.

“Oh? Keiti?”

[Cohin?]

“Oh?”

[Si Colet. Nasaamin sya ngayon. Maulan kagabi kaya nawalan ng internet. Ehh baka hinahanap mo siya…]

Natigilan ako sa pagkain. “Bakit sya nandyan?!”

[Aba, ito mandin ka’y nakita ko kahapon ng gabi sumisiring sa gitna na kalsada.]

“Ha!” napatayo ako.

[Ahh, nasa school ka ba ngayon? Hindi ko maiihatid ang batang ito, baka abutin ako ng panganganak sa kalsada.] Tumatawang biro pa niya.

“Pakausap nga ako. Ibigay mo ang telepono.” Panggigigil kong sabi at malalim na nanapabunong hininga.

Narinig kong ginigising nya si Colet, yayamutin talaga ako ng babaeng ‘to!

[Hmm, antok pa ako eh.] narinig ko ang boses niya.

“COLET!!! Hindi mo ba talaga sasagutin ang telepono?! Ha!” nahi-high blood kong sigaw sa kabilang linya.

[Ate?]

“Nag-inom ka?! Hindi mo ba manlang inalala si Lola! Baka mamaya kahihintay sayo, atakehin nanaman siya! Umuwi ka sa bahay, ngayon na.” mariin kong sabi. “Humanda ka talaga sakin pag-uwi ko!” dagdag ko pa.

[Oo Ate. Uuwi na ako.] Narinig ko ang paglalakad niya at ibinigay kay Keiti ang telepono.

“Pasensya ka na Keiti, kayo pa ang nabulabog nyan. Wala kasi ako sa bahay.”

[Hm, Ok lang, ‘to naman. Lumabas na siya ng bahay. Mukhang napainom siya kasama ang barkada kagabi, birthday daw kasi nung isa nyang barkada.]

“At kelan pa talaga siya natutong uminom! Ako’y yayamutin talaga.” Napabuga ako ng hangin at napahawak sa baywang ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. [Cohin. Ang puso mo, baka mamaya ikaw ay ma high blood]

“Sige Keiti. Thank you.”

Napatingin ako kay Misha at napabuntong hininga. “Mukhang kailangan ko ng umuwi…”

“Hays, ‘yan talagang kapatid mo napaka-pasaway. Kailan nga ba ang uwi mo?”

“Mamayang gabi. As soon as possible dapat makauwi na ako, nag-aalala rin kasi ako kay Lola… baka mamaya kung anong mangyari.”

Napanguso siya. “Ganun. Then labas muna tayo mamaya.”

“Sige.” Pag-sangayon ko.

“Mag-aano kayo?” bungad ni Diana at buhat-buhat si Cole.

“Hi Bibi!” kinuha ni Misha si Cole at binuhat. “You want some?”

“Aalis ka na pala. Then, samahan na kita mamaya sa mall. Ibibili ko manlang sila ng pasalubong.” Naka-ngiting sabi ni Diana.

Nginitian ko siya. “Sige.”

“Eh ikaw Misha? Anong balak mo?” tanong ni Diana.

“Hmm. Sasabay narin ako mamaya sa Airport. Baka iwanan ako ni Kuya. Alam nyo naman ‘yon laging kala mo busy.” Mariin pa niyang sabi at muling nilaro si Cole.

“Sige…” napabuntong hininga si Diana. Aayaw pa niya kaming paalisin.

“Wag ka na nga ano dyan, pwede naman kayong bumisita roon sa bahay.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

Napatingin kami ng dumating ang asawa niya kasama si… kasama si Yabang.

“Where are you going Ladies?” Sabi ni Henji.

“Honey. Samahan mo naman kami sa Mall. Babalik na kasi si Denielle at Misha.”

“Sure. Ano oras ba?”

Nakakatuwa naman, naiintindihan niya ang salita namin, ‘di nga lang ganun kagaling sa accent.

“Now na.”

Napatingin naman ako kay Messy.

“Sa labas nalang tayo kumain!” dagdag pa niya.

Tumango lang si Henji at tumingin sa lalaking kalapit nya. “Come with us Adam.”

“Sure.” Ngumiti pa siya ng maliit.

Umiwas ako ng tumingin siya.

Kala nya ba nakatingin ako? Norway! Mataray kong sabi sa aking isipan.

Cannot Reach Your Pride HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon