"Elle!!! You're here!" Maarteng sabi ni Misha.
Nakangiti lang si Camile sa akin at niyakap ako.
"Love you our dearest Denielle... we missed you so much" Hindi parin siya nagbabago, saya parin ang napakahinhing si Camille.
"Hindi ko alam na buhay pa kayong dalawa." biro ko sa kanial
Napatawa kami, after kasi ng high school nagkahiwalay-hiwalay kaming apat. Ako lang ang naiwan sa pilipinas para mag-aral sa Kolehiyo. After a years di na kami nagkausap-usap super busy narin naming sa buhay na pinili naming.
HUMIHIKAB na ako sa mahaba nilang kwento. Nasa labas kami, sa garden. Naging busy rin pala sila after ng graduation.
"So... Elle, nagpakasal ka na?" Camille.
"Nah."
"Boyfriend?"
Napatingin ako kay Misha at tumatawang umiling.
"Ganun, bakt naman." Mataray niyang sabi. "Si Camillia, engaged na sya kay Scottcidile from London. Ako naman habang buhay na yatang single ang sabi ko pa naman noon, ako ang unang ikakasal satin." Reklamo niya at uminom ng tubig.
Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"I missed our friendship. Parang kahapon lang ay late tayo sa flag ceremony... I miss highschool life." Dagdag pa niya.
"Talaga lang ha? Baka naman si Tommy ang nami-miss mo?" tumatawang sabi ni Camille.
"Maria Camille! You make me remember him again! I hate him lagi nalang niya akong iniinis nung highschool 'no."
"Nasaan na ba si Tommy?" Camille
"Hindi ko alam, wala kasi sya sa probinsya, maybe sa manila."
"Elle. Kumusta na pala ang mga kapatid mo? Si Lola't Lolo mo?" Pag-iiba ni Misha ng usapan na ikinalingon ko, nakakalungkot lang...
"Ayos naman ang pag-aaral nilang dalawa, ako ang nagpapaaral sa kanila, ayaw ko naman umasa sa Lola ko. Ang Lola ko malakas pa naman siya at ganoon parin sya. Si Lolo...kasama na sya ni Papa."
"Hindi manlang kami nakapunta sa libing nya..." malungkot na sabi ni Camille.
"Napaka-bait niyang Lolo sa'ting apat." Napasinghap siya't nagpahid ng luha.
"Ok lang kahit 'di kayo nakapunta, hindi pa naman huli ang lahat para mabisita sya 'di ba? Pag may time kayo bumisita sa pilipinas. Welcome kayo sa bahay."
Napatingin kami ng may mga taong pumunta. Mga kaibigan siguro yun ni Henji. Lumabas si Henji na buhat-buhat si Cole, at kasama nya si Diana. Winilcome nya siguro yung mga bisita.
"Ang daming guys... malay mo sa kanila ko na matagpuan yung the one, 'diba?" bulong niya. Parang syang pusang tinatarayan o kaya kiti-kiting inasinan.
"Shh, ito talaga napaka-marupok eh." Tinuro ko pa siya.
Umirap-irap lang siya't ngumiti.
Nakita ko namang papalapit si Diana saming tatlo. Kaya natigilan ako.
"May meeting?" umupo siya. "Hay. Baka 'di na ako makakatulog." Napabuntong hininga siya.
Tumawa kaming lahat.
"Bukas na ang wedding mo, kaya wag ka na nga matulog." Tumatawa sabi ni Misha kaya natawa nalang kami
"Oo nga pala. Dadating ba si Scott?" tanong ni Diana kay Camille.
"Susunod sya." Camille.
"Nakakakilig naman. Buti kapa may scort bukas." Napatingin si Misha kay Diana.
"Mukang marami kayong bisita ah..." Sabi ko.
"Hm, almost 1000 plus ang pupunta sa kasal ko."
"HA?!" Gulat na gulat kaming tatlo.
"Tama! Since marami ang pupunta. I'm pretty sure na maraming guys na single 'diba!" excited niyang sabi at tumingin sa akin. "Elle. This is it! Mahahanap narin natin ang future husband natin." Nakangiti pa niyang sabi.
Tumawa naman si Diana at Camille.
"Alam mo napaka-ano neto, eh." Napangiwi nalang ako't napailing. Nakakaloka.
"Don't worry Mish. Ipapakilala ko kayo sa mga kilala kong bigating single na friend ni Henji." Singit ni Diana
"It's my pleasure. Dapat maganda talaga ako bukas!" mataray pa niyang sabi.
Isinamual ko lahat yung pagkain habang nakatingin sa kanya. Iba rin talaga 'tong isang Eh?
TUMUTUNOG na ang kampana at doon nagbukas na ang pintuan ng altar. Kasabay ang pagtunog ng kanta ni Shane Filan na Beautiful in White, ehhh! Kakakilig talaga. Noon lang ay pinapatugtog namin iyon sa t'wing nagi-imagine kami kung papaano gaganapan ang kasal namin... nakangiti siyang naglakad ng dahan-dahan sa red carpet. Oo na! sya na ang may Prince charming na super gentlemen.
Malapit na siya...
Nginitian namin siya at chineer na magpatuloy na. Matamis lang niya kaming nginitian, super nakakatuwa na makita siyang super saya. Nakakakilig!
Hinawakan na ni Henji ang kamay niya at magkasama silang lumapit sa Pari. Napakasaya ng mga tao na makita silang dalawang nakatayo ngayon sa harap ng altar.
"I do Father."
"You may now kiss your Bride."
Itinutulak pa ako ni Misha ng mahina sa sobrang kilig.
Nakangiti pa niya kaming tiningan.
"Ehhhh!!!"
Nagpalakpakan na kami at sinabuyan sila ng White petals.
Picture taking na! Agad naman kaming apat na pumwesto sa unahan kasama siya. Nakakahiya man pero, wala ng hiya-hiya! Nakatingin kasi sa amin lahat ng visitors. Nag-flash na ang ilaw ng camera.
"Congratulations our beloved Daina..." masayang sabi ni Camille
"Or should we say, Mrs. Yazide?" Kinikilig kong sabi sa kanya na ikinatawa niya.
"Love yah" hinug siya ni Misha.
Nagtawanan kami at bumaba narin... Bridegroom naman ang magpapa-picture. Kaya di na kami nagtagal, bababa na ako nang...
Ang init ng kamay niya sa kamay ko, parang nagliyab ang dugo ko sa bawat hawak niya. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may kakaibang lakas na dumadaloy mula sa kanya papunta sa akin.
Napatingin ako at napahinto. Hindi siya yung nag-assisst sakin kanina. Ang gwapo niya, parang isang prinsipe na bumaba mula sa langit.
Nagtagpo ang aming mga mata.Ang mga mata niya, parang dagat na asul, puno ng misteryo at lalim. Ang buhok niyang kulay pula, parang apoy na nagbibigay-buhay. Ang tangkad niya, parang puno na nagbibigay ng lilim.
Bigla siyang napalingon nang may tumawag sa kanya.Parang isang panaginip na biglang nawala.
Binitawan niya ang kamay ko at umakyat para sumama sa iba.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Ang lakas ng dating niya at ang porma niya, parang pangako ng isang magandang bukas.Ehh? Ano daw?
"Hey. Ano yang mga tingin na 'yan?" bulong ni Misha.
Napatingin ako sa kanya. "H-ha? May sinasabi ka?"
Natawa naman siya't umiling. Pinanliitan nya ako ng mata.
"Ano?!" bulong ko sa kanya.
"I smell something, hindi pa kita nakitang tumingin ng ganyan sa guy!" Tinaas-taasan pa niya ako ng kilay.
Hinarap ko siya.
"Ano bang sinasabi mo ha? Pamilyar kasi sya! Baka napanood ko sa TV shows or nabasa sa magazines or sa--- Social media kaya... grabe talagang maisip eh."
"Ehhh." Pang-aasar pa niya
Sinabuyan ko sya ng petals sa mukha.
Sinaman naman niya ako ng tingin.
Nye-nye-nye
BINABASA MO ANG
Cannot Reach Your Pride Honey
RandomSabay-sabay nating subay-bayan ang buhay ng isang Denielle Cohin Madrigal. Ang Super Ma'am ng Barangay Mandaragit. Isa siyang Primary Teacher sa kanilang lugar at napakabait din niyang Binibini. Yun ang sabi. Na mayroong 5M: Magagalitin, Masipag, M...