Blahblah
blah.
Napaupo ako sa sofa ng marinig ko iyon sa balita sa TV. Bakit ngayon pa naman nagkabagyo!? Kanina naman e ang ganda ng panahon! Nakakainis naman oh! Padabog akong napasandal sa sofa at napahinga ng malalim, nakatulala sa kawalan.
“So, mag-stay pa tayo ng halos isang linggo o dalawa?” tanong ni Misha.
“No!” sagot ko, nakatingin sa kanya habang nagce-cellphone. “Dapat makauwi na ako! As soon as possible.”
Kumunot ang noo niya. “Hindi ka na dapat mag-alala, lilipas din ang bagyo.”
“Sana nga.”
Sandali kaming natahimik. Napabuntong hininga ako.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. “Hey, ano sa tingin si Adam?” tanong niya, nakangiti.
Napaatras ako. “Hindi ko siya gusto.” Umatras din siya at pinanliitan ako ng mata, gaya ng lagi niyang ginagawa.
“Bakit naman? Mabait naman siya ah.”
Inikutan ko siya ng mata. “Russian siya.”
“Ano naman kung Russian siya?”
“Mabait lang ‘yan sa una, bait-baitan, pero sa huli sasakupin ka niyan.”
“Huh? Hindi ko maintindihan. Ano bang ibig mong sabihin sa words na ‘sasakupin’?” tanong niya.
“Basta sabi nga nila, follow your instinct.”
“Ewan ko sa’yo, Denielle.”
“Dine-describe ko lang siya. At bakit interesado ka sa kanya? Type mo siya?”
Lumayo siya at tumikhim.
“Hey, makinig ka sa akin. Hindi ko siya gusto.” Mariin kong sabi.
Tiningnan niya ako. “Talaga ha? Eh bakit magkasama kayo kanina? Huh? Tapos kung makatitig ka, kakaiba.” Mariin niyang sabi.
Napanganga ako at nagtanggol. “I was just observing him. Duh.” Mariin kong sabi, pero tumawa lang siya.
“I like him.”
Napatingin ako sa kanya. “Mukhang type ka rin niya.”
Tinaasan niya ako ng kilay at sumandal ulit sa sofa.
“Misha…”
“Hmm?”
“Pangit ba ang ngipin ko? Mukha ba talaga akong Bunny?”
Tumawa siya at umupo ng maayos. “Of course not! Maganda ka kaya. Saka attractive din ‘yung cute teeth mo.” Mataray niyang sabi. “It’s perfect nga eh. Cute ka rin pag ngumingiti. Parang ‘yung kumanta ng Pop-pop-pop! Pop-pop.” Ginawa pa niya ang step using her hands kaya napaatras ako. “Yung member ng Twice… Bakit mo ba ‘yan itinatanong? Hindi mo naman ‘yan ini-issue dati ah.”
Tumayo ako. “Wala naman, naisip ko lang. Sige na at matutulog na ako.”
“Sige. Goodnight.”
Iniwan ko siya at umakyat na sa itaas.
Natigilan ako ng makita si Adam at Cole.
Buhat-buhat niya ito at nilalaro.
Tuwang-tuwa naman si Cole. Nakakatuwa naman, sana lahat ng tatay katulad niya.
Napahinto ako.
Hindi nga pala sila mag-ama. Hay, ano ba itong iniisip ko! Hindi ko naman naiisip na sana sa future, katulad ng senaryo na ‘yan, ang ginagawa ng mag-ama ko. Napailing ako’t napapikit. Bakit ko ba naiisip ito! Baliw! Papasok na sana ako sa kwarto ng magsalita ng “Mommy” si Cole, kaya napatingin ako.
BINABASA MO ANG
Cannot Reach Your Pride Honey
RandomSabay-sabay nating subay-bayan ang buhay ng isang Denielle Cohin Madrigal. Ang Super Ma'am ng Barangay Mandaragit. Isa siyang Primary Teacher sa kanilang lugar at napakabait din niyang Binibini. Yun ang sabi. Na mayroong 5M: Magagalitin, Masipag, M...