CHAPTER 7

2 1 0
                                    

NAPATAKBO ako papalapit sa kanya, grabe mas maganda pa pala ang bansang ito sa ina-akala ko!

“One, Two, Three!” bumilang pa si Misha at pinindot ang Camera.

Sa bawat malakaran naming magagandang spot ay nagpipicture kaming dalawa. Nakakatuwa kasi pinangarap ko lang ito noon..

“Adam can you take us a picture please?” pagpapaalam niya kay Mr Perfect.

Ngumiti ito sa kanya na para bang pumapayag nga. Kinuha niya ang Camera na ini-abot ni Misha.

Hindi tuloy ako makangiti ng maayos.

“Elle.” Tawag niya sa akin at niyakap ang braso ko, at ngumiti kami.

Nang mag-flash ang camera ay tumakbo ulit siya at kinuha yong Camera, tiningnan pa niya yung shot.

“Thank You Adam.”

Nginitian lang siya nito ng maliit.

Magkakilala na sila agad-agad? Ano ba’t nakakaramdam ako ng kakaiba.

Napalingon ako at natigilanng bilang humangin. Naglaglagan ang mga bulaklak ng Sakura Tree.

“Ang ganda…” sa sobrang tuwa ko itinaas ko ang dalawang kamay ko para sambutin yung iba. Sa sobrang saya ko gusto ko ng umiyak. Naaalala ko nung araw na mga bata pa kami, pinapaulanan kami ni lolo ng mga petals ng bulaklak. Pero ngayon hinding-hindi na ‘yon mangyayari.

“Messy! Nakapagbook na kami ng order. Pasok na kayo.” akit ni Diana, agad namang tumakbo si Misha at pumasok roon kasama si Diana.

Lumakad na ako at napatingin kay Adam na nakahinto lang. Hinihintay nya ba ako?

“Denie.” tinawag niya ako ng magkatapat kami.

Napalingon ako ng magsalita siya. Parang may kung anong yumakap na malamig sa akin. Oo kahit na naka suot ako ng jacket at scarf, naramdaman kong mas lalong lumamig. Dahil ba sa eye contact nya na parang may malalim na pinaghuhugutan? Napailing ako sa mga iniisip ko. Duh.

Hinintay ko lang ang sasabihin nya. Nakita ko pa ang pagkagat labi niya at umiwas, pero tumingin ulit. May kung anong sasabihin siya na hindi nya masabi-sabi.

Napa-cross arm ako’t tinaasan siya ng noo para senyasang sabihin na kung ano man ‘yon.

“Denie…” natigilan siya. “How funny of seeing your bunny teeth.”

Napanganga nalang ako’t magsasalita sana pero nalimutan ko ang sasabihin ko, nakakainis siya!

“It’s not a judgement, but it is not bad.” Lumakad na siya at iniwan ako, habang nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang jacket.

Mayabang, Maarte, at napaka judgemental! Ang kapal ng mukha. Pangigigil ko sa aking isipan nagmadali akong naglakad at hinabol siya, binunggo ko siya para unahang lumakad.

Aray… napahawak ako sa balikat ko ng makapasok ako sa restaurant at lumapit sa upuan nila Diana. Itinikom ko ang bibig ko, sadya kasing may gap ang mga labi ko at di mapaglapit. Oo na ako na ang malaki ang dalawang ngipin sa unahan na katulad ng sa Bunny!

Narinig ko ang pagtunog ng bell sa itaas ng pinto ng pumasok siya. Kaya agad kong isinubo yung pagkain. Panira talaga ng mood eh! Umupo siya sa tapat ko pa talaga. Nakita ko naman ang pag-ngiti niya ng maliit, inikutan ko lang siya ng mata.

Talaga bang iiinis niya ako!

NASA mall kami ngayon at ang dami nilang pinamili. Nakakahiya man pero pinilit nila ako na wag ng bayaran iyon sa kanila. Nakakatuwa naman. Pumasok kami ngayon sa isang store kesyo ibibili daw muna si Cole ng gamit. Ang cute ng mga gamit… hahawakan ko sana yung isang product ng makita ko siyang nakatayo sa gilid. Inip na siguro ang isang ‘to. Palihim ko siyang pinagmasdan, palinga-linga siya. First time nya rin kaya sa Japan? Ang gwapo nya pag-nakatalikod.

Cannot Reach Your Pride HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon