VENUE ng kasal. 2:00 pm
Pinatunog niya ang wedding glass ng matapos na niyang i- congratualate ang bagong kasal. Habang nakaupo lang kami sa table at masayang pinapanood sila. Nag-sipag puntahan na ang lahat sa Venue ng kasal. Sa bahay nila Diana.
Napabuntong hininga nalang ako, inaantok na ako talaga. Mabuti na lang at maraming pagkain sa table namin.
Blah.
Blah.
Blah.
Naimulat ko naman ang mga mata ko ng may magpalakpakan, nakahalumbaba na pala ako dito sa lamesa. Napatingin ako sa mga bridesmaid na nagsipagtayuan at dumaan sa harapan ko, saan ba sila pupunta? Nasaan na si Misha at Camille? Pamukat-mukat akong sumunod sa kanila. Ano naman kayang gagawin?
Hays itatapon lang naman pala yung flowers bride. Babalik na sana ako ng hilahin ako ni Misha pabalik, hinila pa niya ako sa tabi malapit sa bride.
"Misha, ganyan ka ba talaga ka excited sa bride's flower? Grabe na talaga 'to eh?" madiin ko sa kanyang sabi.
Tumingin siya sa akin at talagang desperadong makuha iyon. "I need to win this game!" tinaasan pa niya ako ng kilay.
Natawa naman ako ng nagpalagutok siya ng daliri at ready-ing ready na! Hinarangan pa niya yung iba at nakipag-unahan.
Grabe... iba rin pala ang nagagawa ng isang Misha Stayce Zioune 'noh?
Napatingin ako ng itapon na ni Messy yung bulaklak. Nakipag-agawan pa siya pero biglang tumalbog iyon sa ulo ko.
Lagutok.
"Aray..." napahawak ako sa ulo ko.
Halos madulas na siyang lumapit sa akin, akala ko pa naman ako ang pupuntahan niya. Ay whe?! Kinuha niya yung bulaklak at napakasayang tumalon at niyakap ako. Habang ako naman nakahawak sa ulo ko.
"Oo na Congrats." Sabi ko sa kanya at sinaman ng tingin.
"Okay ka lang?" tumawa pa siya
Tumango ako at natigilan, napatingin ako sa likuran ko. Nakatingin sila sa akin at natawa yung iba. Nakakahiya! Nagmadali na akong bumalik sa table, at agad na uminom ng tubig.
"Are you alright?" tanong ng isang Bridesmaid.
Tumango lang ako't nginitian siya. Tumayo muna ako at umalis muna roon. Nasaan na kaya si Camille?
Makapag-cr nga muna. Natigilan ako ng matanaw siyang may kasama, sya siguro si Scott. Aalis na sana ako ng marinig sila, nag-aaway ba sila? Hindi ko naman sinasadyang makita pero. Bigla siyang umalis, sinundan naman siya ni Scott.
Ano kayang problema?
Natigilan ako ng magvibrate ang cellphone ko. Si Buboy.
"Ohh?"
[Ate! Kumusta ka na?!]
"Ok lang naman ako, si Lola?"
Nakangiti siyang tumayo, nakita ko sa camera si Lola na kasama ng mga bff's nya na nagku-kwentuhan sa lamesa. Nakakatuwa naman...
Napangiti ako't lumakad sa hallway, umupo sa sofa. Ilang minute rin ang pag-uusap naming dalawa, nakahiga na nga lang ako sa Sofa.
Napawi tuloy ang antok ko.
"Talaga? Patingin nga ako ng Score mo."
[Si ate ayaw pang maniwala.]
Pinakita pa niya sa akin yung perfect score niya sa Math.
BINABASA MO ANG
Cannot Reach Your Pride Honey
RandomSabay-sabay nating subay-bayan ang buhay ng isang Denielle Cohin Madrigal. Ang Super Ma'am ng Barangay Mandaragit. Isa siyang Primary Teacher sa kanilang lugar at napakabait din niyang Binibini. Yun ang sabi. Na mayroong 5M: Magagalitin, Masipag, M...