CHAPTER 1

8 2 0
                                    

"Perimeter is the total side of a shape. Like this. Can you guess what shape is this children?"

"Square!"

"That's right! We can calculate the perimeter of a square by adding the all side of a shape. For example, the one side of a square is 15 inches. We can use this formula, P=S+S+S+S, or P=Sx4 because Square have an equal side.

"Ahhh." Sabay sabay pa nilang sabi.

"Kaya pala sinabi na fair and square."

Tumango. "Yes po. Now, who wants to calculate the perimeter of a square? I need two person. One for Formula 1 and one for Formula 2."

"Teacher!" Nagsipagtaasan sila ng kamay.

Mabuti at naintindihan na nila agad.

"Ok Elise and Antonia" tawag ko kaya tumayo sila at sinagutan iyon sa pisara.

Blah....

Blah...

Blah...

Hanggang sa matapos ang discussion. Lumipat na ako sa grade 2 na handle ko naman talaga. Since wala pang techer sa Math 3 ako muna ako muna ang humawak nun, until makakuha na sila Mrs. U ng bagong teacher sa subject na iyon.



Recess time

"Hmm. Diana. Napatawag ka?" kinagatan ko yung sandwich. Sakakamadali ko kanina, 'di na ako nakakain ng umagahan. Tas 3 hours lang ang tulog ko. Nakakapagod.

[Messy! Nakalimutan mo na ba? I already told you last month na ikakasal na kami ng Henji-Baby.] Reklamo niya.

"Ohh?" Oo nga pala, nalimutan ko. "Sorry Diana, ang dami kasing ginagawa sa School aside pa don, nagte-training pa ako ng mga athlete, handle ko pa young Math subject sa Grade 3 then sa bahay...."

[Denielle. Wag mo sabihing di ka pupunta? Magtatampo talaga ako! At saka sagot ko naman lahat ng expenses mo papunta dito. Kaya pumayag ka na... kahit isama mo pa sila Lola Fidelia. Sige na.] Pangu-ngulit niya sa akin.

Para nanamang bata kung mangulit.

Natawa naman ako. "Sige na, pupunta naman talaga ako." Depensa ko sa pangungulit niya.

[Really?! No to bawian nayan ha! Papadala ko na agad yung pera.] Sabi niya.

"Excited talaga? Sa bagay makakapagpahinga din ako kahit papano. Nakakapagod sobra at saka ang dami kong problema, si mama kasi..."

[Bakit anong nangyari?]

"Yung asawa nya kasi, nahulihan ng Drugs. So, humiram sya sakin ng pera pantubos at nagbigay din ako pambayad sa tuition ni Sandra at Sandro. Para sana yun kay Lola eh. Sa Birthday nya next month, then 'yong iba other expenses sa bahay at sa fertilizer sa farm."

[Papahiramin kita ng pera, ano?] suggestion niya.

"Naku 'wag na! I keep mo nalang sa kasal nyo ni Henji. Malapit narin naman ang sweldo ko." sabi ko sa kanya.

[Ganun? Sige...Mommy! Mommy!]

Napangiti ako ng marinig ang boses ni Cole.

"Sige na, usap nalang tayo mamaya pag nasa bahay na ako. Ok? Ingats" saka pinatay yung linya.

Napatayo naman ako ng marinig ang iyak ng bata sa labas, kaya inilapag ko muna yung sandwich at lumabas.

"Zoe anong nangyari?" itinayo ko siya.

"Teacher tinulak ako ni Loni..." umiiyak niyang sumbong.

"Hindi ko naman po sinasadya, teacher." Naiiyak niyang sumbong.

Napabuga nalang ako ng hangin at napahawak sa baywang ko ng pareho silang kumarahaw.

"Ohh di naman pala sinasadya ni Loni. Magbati na kayo dali na."

"Sorry." Sabi nilang pareho at sabay umalis.

Yayamutin.

Bumalik na ako sa Classroom at nagpatuloy na sa pagkain nang may tumawag nanaman sa akin. Muli akong napabuga ng hangin at nang tingnan koi yon kung sino...

Si Mama.

Nang mamatay si Papa, iniwan nya kami kay Lola; Nanay ni papa. At pinili ang lalaki nya. Alam ko pa noon na kahit nabubuhay pa si papa lagi silang nagtatalo, hanggang sa lumayas siya. Hindi siguro nakayanan ni papa ang ginawa ni mama na pagsama sa ibang lalaki kaya inatake siya sa puso at iniwan kaming tatlo. Napakabata pa namin noon...

Napahinga muna ako ng malalim bago sagutin iyon. Sa kabilang banda... Mama ko parin siya kahit na iniwan nya kami. Kahit na lubusan akong nagagalit sa kanya.

[Denielle, baka pede makahiram ulit ako sayo... Ang Tito mo kasi may iba pa palang kaso, kaya, may additional pa...]

"Bakit hindi nyo nalang sya pabayaang makulong. Sinasaktan ka nyan diba? At isa pa, wala na akong pera, nasa 5 thousand nalang ang pera ko at para yun sa expenses nila Colet at Buboy sa school."

[Ah... Denielle, babayaran ko din... sa Monday. Oo sa Monday mababayaran na kita.]

"At saan naman kayo kukuha ng pambayad? Uutang kayo sa iba? Ganyan nyo ba talaga kamahal yan? Pumayag ako na pahiramin kayo sa pambayad, nagbigay rin ako ng pang-tuition ni Sandra, dinamay ko narin yung kay Sandro kahit na 'di nyo naman anak 'yon. Hindi nyo manlang ba inalala sila Colet at Buboy? Nag-aaral din sila. Ni hindi nyo nga manlang naitanong kung--- ok ba sila o ano?" napayuko ako't nagpigil umiyak.

[Kung ayaw mo akong pahiramin. Di hindi!]

Bigla nalang niyang pinatay ang linya. Napabuga ako ng hangin.

Ako pa talaga ang masama? Nakakapagtampo talaga. Ano ako bangko? Sumusobra na talaga sya.

"Teacher... umiiyak ka po?"

Natigilan ako't agad nagpunas ng luha.

"Hindi! Napuwing lang ako Zizy. Punta na kayo roon. Dali na."

Sinunod naman nila ako. Pati sa school na dadala ko mga problema ko. Nakakainis.

AFTERNOON CLASS 5:00 Pm na. Nagpaiwan muna ako sa Classroom. May ginagawa din kasi akong report para sa pagle-leave ko sa klase sa Monday.

"Ate!" napangiti naman ako ng pumasok si Buboy. Umupo siya sa kalapit ko at inilapag yung kinakain n'yang fishball. "Dika pa ate uuwi?"

"Tinatapos ko lang 'to." Napatingin ako sa kanya. "Buboy, gusto mo bang sumama sakin sa Japan? Kasal na ni Diana."

Nakita ko naman ang pagka-excited niya. "Kaso may training kami Ate ng Soccer, baka 'di rin ako makasama."

"Ganun ba? Ipagpapaalam kita kay Coach Yuan?"

"Kasi Ate... Si Liya kasi birthday nya at ako ang escort nya"

Natawa naman ako, ano yun kinikilig? "Benjo ha! Baka mauna ka pang mag-asawa sakin. Crush mo si Liya 'no?" Biro ko sa kanya.

"Ate naman..." nahihiya pa niyang sabi.

"Ok lang magka-crush. Mag-aral parin ng mabuti ha?"

"Ate naman!"

"Amoy ka ng batang yagit. Mauna ka na pauwi dali na."

"Hintayin na kita."

Magsasalita pa sana ako ng tumakbo siya palabas. Talagang napaka-kulit!

9 years old na nga pala ang batang 'yon... crush crush.

"Ma'am Cohin."

Napalingon ako. "Hm?"

Pumasok siya sa classroom. Isa s'yang grade 6 student.

"Para po sa inyo 'yan." Inilapag niya yung milktea.

"Kanino galing?" Naka-ngiting sabi ko.

"Kay Coach Yuan po, ni libre nya po lahat ng faculty members. Eh, wala po kayo sa faculty kaya dinala ko nalang po dito"

"Ah, Sige sige. Thank you, pasabi narin kay Coach na salamat."

Ngumiti siya't umalis na.

Aba... simula ngdumating dito si Coach lagi nalang may libre. Nakakatuwa naman.

Cannot Reach Your Pride HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon