Chapter 17

908 41 8
                                    

Marina Zale POV

"Talaga, ate? Gusto ka rin ni BFF Premium mo?!" gulat na gulat na tanong ni Elisha ng ikwento ko sakanila ang nangyare noong araw na lumabas kami ni Skye.

Nang aminin niya iyon sa akin ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Imbes kase na kiligin at maging masaya ako na malaman na gusto niya rin ako ay parang ilang pa ang unang naramdaman ko.

Hindi ko siya inimikan no'ng araw na 'yon hanggang sa maihatid ko siya pauwi sakanila. Pagkauwi ko rin ng gabing 'yon ay nag-impake lang kaagad ako ng gamit para lumuwas ng Maynila dahil parang hindi ko pa ata kayang harapin si Skye pagkatapos kong malaman na may gusto rin siya sa akin.

"Sabi ko sa inyo! Don't underestimate my guts girls, kase hindi pa ito pumapalya!" pagyayabang na singit ni Shen.

"Oh, ano ng nangyare pagkatapos?" ani ate Noreen.

Tahimik lang akong tumingin sakanila bago umiling.

"Huwag mong sabihin sa amin na ikaw naman ang umiwas sakaniya ngayon?" tanong ni Shen sa akin.

Lahat sila ay naka-abang sa isasagot ko pero nanatili lang akong tahimik at umiwas ng tingin.

"Heto na 'yun, Marina! Umamin na si Skye sayo! Yung taong pinagpapantasyahan mo mula bata ka pa lang!" dagdag ni Shen.

"Anong pinagpapantasyahang sinasabi mo? Walang ganon!" depensa ko kaagad.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya agad akong yumuko dahil panigurado na namumula ang buong mukha ko ngayon.

"Sigurado ka, Marina?" tanong ni Ate Noreen. "Sa ganda at sexy ni Skye parang impossibleng hindi-"

"Ate!" sabay na sigaw namin ni Elisha.

Napuno ng tawanan ang backstage ng makita nila ang reaction ko. Hanggang kamatayan, hinding-hindi ako aamin sakanila na naaakit ako kay Skye noon.

"Get ready, girls! In ten minutes magsstart na ang show!" sigaw sa amin ni Direk.

Nandito kami ngayon sa isang noontime show ng Management para ipromote ang new album namin. Isa pa ay inimbitahan din kami ng mismong show para maglaro sa isang segment nila ngayong araw.

Paglabas namin sa stage ay dumagundong ang hiyawan ng mga manonood ngayon dito sa studio. Ilang beses na kaming nag-perform pero ito pa lang ata ang pinakamalalaking entablado na napagperforman namin at isa pa, iba rin pala ang pakiramdam kapag live performance tapos sa isang noontime show pa. Ang daming ilaw, camera, at ang energetic din ng crowd.

Nang tumugtog ang intro ng kanta namin ay parang automatic na gumalaw ang katawan ko. Synchronized ang bawat galaw ng grupo—mga pitik ng kamay, hataw ng paa, at tamang anggulo para sa camera. Naririnig ko ang live fan chant ng audience, lalo na sa chorus ng kanta namin.

"Handa na ba kayo?!" sigaw ni Ate Noreen sa mic bago ang dance break namin.

"YES!" sigaw ng audience.

Sumayaw kami nang sabay-sabay, todo bigay na mas nagpasigaw pa sa mga audience, ang bawat beat ng kanta ay ramdam talaga sa stage. Habang umiikot ako para sa solo part ko, ay nasira bigla ang earpiece na suot ko.

"Marina!" sigaw ni Deng nang maramdaman niyang napag-iiwanan na ako sa formation namin.

Hindi ako nagpahalata na may naging mali sa performance namin at agad na bumalik sa tamang pwesto ko bago ang huling pose namin.

"Ladies and Gentlemen, The Phenomenal Queens of P-pop, Clara!" sigaw ng host matapos ang performance.

Hingal na hingal kami habang sabay-sabay na nagbow sa audience. Ngayon ko lang napansin ang napakaraming mga tarpaulin at mga props ng mga audience na may mga mukha at mga pangalan namin.

Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)Where stories live. Discover now