𝐓𝐖𝐎

2.8K 31 6
                                    


“What are you doing, Yuri?” Tanong ni Vrix kay Yuri. Naabutan kasi namin siyang tila busy kakapindot sa screen ng phone niya pagkauwi namin nang bahay, katabi niya si Xai na busy sa iPad niya. Galing ako sa shoot while si Vrix ay galing sa kompanya. Lumago nang lumago ang clothing business ni Vrix. While I? I work as an actor/model I pursue my dreams at sa ngayon isa na ako sa may pangalan sa industry. “May emergency ba?”

“Hala, nandito na pala kayo, Sir! Wala naman pong emergency, nagsusulat lang po ako ng pang-update sa ginawa kong story.”

“Writer ka?” tanong ko. Malawak naman siyang ngumisi sabay sunod-sunod na tango.

“Oo, Sir! MxM sinusulat ko e!”

“MxM?” sabay naming tanong ni Vrix.

“MenxMen! BL ba, pero mas matured! By the way, kayo bida dito, Sir! Nakita ko kasi chikinini ni Sir Chris e!”

“Huh?!” gulat kong sambit.

Napatakip siya sa bibig niya at nanlaki ang mata. “Wala, Sir! Sige na, Sir, uuwi na ako nandito naman na kayo!” nagmamadaling paalam niya. Kinuha niya ang bag niya at umalis na. Lumapit naman sa amin si Xai at nagmano bago humalik sa mga pisngi namin. Nasundan na lang din namin ng tingin si Yuri na nagmamadaling umalis. Pasaway talaga ang babaeng 'yon.

“How's school, baby?” tanong ni Vrix kay Xai. Naupo siya at tumabi na kay Xai ako naman ay dumiretso na sa kusina. Hindi ko na narinig ang tugon ni Xai. Naghanda na ako nang para hapunan namin. Adobong baboy lang niluto ko dahil favorite iyon ni Xai maging ni Vrix. Iyong dalawang iyon kahit pag-ulamin mo ng adobo araw-araw hindi pa rin nagsasawa. Pagkatapos kong magluto ay pumasok na ang dalawa, magkatulong silang inihanda ang mesa, tumulong din si Vrix sa aking maghain, siya ang naghain nang kanin at ako naman sa ulam.

“Wow, adobo!” bulalas ni Xai, hawak-hawak na niya ang kutsara at tinidor niya. Pinaghain siya ni Vrix nang kanin at ulam ganoon rin sa akin. Naupo na ako, pagkatapos lagyan ni Vrix nang kanin ang mga plato namin ay naupo na rin siya. Masaya kaming naghahapunan lahat habang nagkwi-kwentuhan sa kung gusto ano ang nangyari sa buong araw namin.

“May bagong investors na gustong mag-invest sa company, love.” tugon ni Vrix after ko siyang tanungin how his day went.

“Good news 'yan, Yeobo.” sabi ko at sumubo nang kanin.

“Hmmm. Pag-aaralan ko muna ang kontrata bago ako umu-o.” Saad niya, tumango naman ako.

“Xai, how's your school, anak?” I asked Xai. Nginuya na muna niya ang pagkain niya bago tumugon.

“Okay lang naman po, Papa, kaya lang po si Waki ayaw ako pansinin pero okay lang naman kasi friend naman kami ni RZ.” sabi niya at sumubo ulit. Hindi talaga sila magkasundo nang anak ni Cholo at QD kahit anong pagbabati ang gawin namin. Kahit kasi sa simpleng bagay ay nagtatalo sila, halimbawa na lang kung ano ang mas masarap strawberry ba o watermelon syempre para kay Xai watermelon ang masarap kasi favorite niya iyon e pero para kay Waki strawberry ang masarap kasi favorite rin nito iyon.

“Basta huwag mag-start ng argument ha?” paalala ko. Iyan kasi lagi namin pinapaalala sa kanya.

“Yes po, papa! Mabait ako e!” sabi niya at ngumiti kahit may pagkain pa sa bibig. Nginitian na rin namin siya ni Vrix. After naming kumain ay magkatulong kami ni Vrix na maghugas nang plato at habang si Xai ay pinaakyat na namin sa kwarto niya para makapag half bath na makapagbihis upang makatulog na rin.

“Gusto mo bang kumuha na tayo nang kasama dito sa bahay? Iyong gagawa talaga nang mga gawaing bahay dahil pareho tayong magiging busy na, ikaw sunod-sunod ang projects mo, habang ako naman ay kailangan kong asikasuhin ang bagong building na itatayo sa pampanga.” biglang open ni Vrix nang usapan habang naghuhugas kami.

𝐁𝐄𝐆, 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘, 𝐁𝐄𝐆 (𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟐) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon