𝐅𝐈𝐕𝐄

3.5K 38 20
                                    

Vrix's POV:

Nagising akong parang minamartilyo ang ulo sa sobrang sakit. Ibinuka ko ang mga mata ko at nilingon ang gilid ko nang hindi ko makapa si Christian, wala siya sa tabi ko kaya bumangon ako at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako, nang makapagbihis na ay tinungo ko ang drawer kung saan nakalagay ang mga gamot. Kinuha ko doon ang advil, binuksan ko ang water bottle na nasa ibabaw ng bedside table at ininom ang gamot. Bumaba na rin ako at agad na tinungo ang kusina sa pag-aakalang nandoon si Christian, pero si Freya, Yuri at Xai lang ang andoon.

“Freya, where is your sir Christian?” I asked Freya. Sabay naman silang lumingon sa akin. Lumapit ako kay Xai at hinalikan siya sa pisngi.“ Good morning, baby.”

“Good morning, Daddy.” balik bati niya sa akin.

“Sir, maaga pong umalis e pero nag-iwan po siya ng message po,” sabi niya at kinuha ang cellphone niya at may plinay doon.

“Good morning, Yeobo. Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka. By the way, may taping kami ng isang linggo sa cebu, remember iyong sinabi ko sa 'yo last time? Magiging busy ako at hindi kita matatawagan madalas, pero kapag may pagkakataon tatawag ako. Mag-ingat kayo nina Xai diyan.” Iyon lang ang message niya. Binaba ni Freya ang phone niya at bumalik naman siya sa ginagawa niya. Agad namang kumunot ang nuo ko at inalala ang tinutukoy niyang sinabi niyang shoot, pero sumakit na lang ulit ang ulo ko pero wala akong maalala. O hindi kaya ay nakalimutan ko lang talaga.

Nag-agahan na lang kami at pagkatapos ay umakyat ulit ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Samantalang si Xai ay inihatid ni Yuri sa bahay ni tita Anna, every saturday kasi ay nasa kay tita si Xai uuwi siya ng linggo ng gabi. Nang makuha ko ang cellphone ay agad kong tinawagan si Christian ngunit nagri-ring lang ang kanyang cellphone at hindi sinasagot. Siguro nga ay busy na siya.

Tiningnan ko ang oras, 10:30 pa lang pala. Buong maghapon ay nasa kwarto lang ako, inaasakaso ko na lang ang mga papels na kailangan kong i-review. Nang maggabi na ay sinubukan kong talaga si Christian pero hindi niya sinasagot pa rin ang tawag, kaya naman ay ang PA niya ang tinawagan ko. “Hi, Rhailey, good evening, si Christian?” tanong ko nang sagutin nito ang tawag.

“Hi, Sir Vrix, busy po si Sir Christian, may shino-shoot po sila ngayon.” tugon naman nito.

“Okay, pero pwede bang pakisabi sa kanya na tawagan ako kapag hindi na siya busy?”

“Yes po, sir.” tugon naman agad nito. Pinatay ko naman agad ang tawag. Sumandal ako sa headboard ng kama at bumuntonghininga.

“I miss you, love.” sambit ko at hinaplos ang picture ni Christian na ginawa kong wallpaper sa phone ko.

Christian's POV:

“Namumutla ka talaga, Christian, may problema ba? May dinaramdam ka ba?” tanong sa akin ng director naming si Yohan. “Gusto mo bang huwag na munang ituloy ngayong araw ang isho-shoot?” dagdag na tanong niya.

Lately, madalas ang pagsakit ng ulo ko. Madalas rin akong nahihilo. Hindi ko masyadong iniintindi dahil sigurado naman akong dahil lang ito sa sunod-sunod na puyat ko dahil dito sa shino-shoot namin ngayon. Mahigit dalawang linggo na rin kasi namin itong shino-shoot at halos wala na kaming tulog.

“I'm fin—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang akong naubo. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang isang palad ko ngunit nagtaka ako nang maramdaman kong tila may likido doon. Agad ko namang tiningnan ang kamay ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang may dugo doon.

“Shit!” Yohan exclaimed when he saw the blood. “Elleish, call an ambulance dadalhin natin si Christian sa hospital!” Tawag nito sa assistant niya.

𝐁𝐄𝐆, 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘, 𝐁𝐄𝐆 (𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟐) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon