“Saan mo dinala ang anak ko?” Iyon ang bungad ko nang sagutin ni Tita ang tawag ko. Sinulyapan ko si Vrix na nagmamaneho. Hindi ko alam kung paano niya ako napilit sumakay sa kotse niya pagkatapos nang nangyari kanina sa opisina niya. For some reason kasi na flat lahat ng gulong ng sasakyan na ginagamit ko kaya wala na talaga ako ng pagpipilian kundi ang sumakay na lang talaga sa kotse niya.
“Hi, Hubby! How are you?” Agad nangunot ang nuo ko at nagtaka nang marinig ang tinig na iyon, ibinaba ko ang cellphone ko at sinilip kung tama ba ang nasa isip ko. Napamura ako ng ilang ulit sa utak ko nang mabasang hindi si Tita Angeline ang natawagan ko.
Napabuntonghininga ako. Nakita sa gilid ng mga mata ko ang paglingon ni Vrix sa akin pero binaliwala ko iyon at muling inilapat sa tenga ko ang cellphone. “Wrong number,” maikling saad ko. Humagikhik ang nasa kabilang linya.
“Alam ko namang namiss mo lang ako, hubby, so no worries pwede mo akong tawagan anytime,” aniya at humagikhik na naman.
“Tsk. Assuming.” Humagalpak na siya sa pagkakataong 'to.
“Kumusta ka naman diyan? How's Christine? Iniinom mo ba ang mga gamot mo? Kailan ang balik niyo dito? Namiss ko na kayo.” Pinalungkot niya ang boses sa huling sinabi.
“Aww, I miss you so much, hubb—”
“Stop it.” Putol ko sa sinasabi niya. Mas lalo lang lumakas ang tawa niya. Papatayin ko na sana ang tawag dahil nakakairita ang tawag niya ngunit loudspeaker pala ang napindot dumagundong tuloy sa loob ng sasakyan ang tawa niya sa loob ng sasakyan.
“Tandaan mo, hubby, hindi mo lang ako asawa. I'm also your doctor so be nice to me, okay? See you soon!” Minadali kong patayin ang tawag ngunit nang lingunin ko si Vrix ay nakita ko ang panandalian niyang pagsulyap sa akin. Pain crossed his face. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at ang pag-igting ng panga kalaunan.
Humarap ako sa daan, ipinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa upuan. Bumuntonghininga and ignored what I saw.
“Sa you're married?” he asked. Naibuka ko ang mga mata ko at nilingon siya ngunit nanatili pa rin akong nakasandal sa upuan. “We fucked—” naputol ang sinasabi niya dahil tila siya nagugulohan, huminga siya ng malalim. Nagtanggal ng bara.“We fucked... then you're married?” sobrang hina ng pagkakasambit niya sa mga kataga. Puno iyon ng hindi mapangalanang emosyon.
Umayos ako sa pagkakaupo at natawa ng mapakla. Muli ko na lang isandal ang sarili ko at hindi siya sinagot. What a stupid question.
Nang makarating kami sa bahay na tinutuluyan namin ni Christine ay bumaba na ako at hindi na nag-abalang magpalasamat. Wala pang ilang minuto ay pinaharurot niya na ang kotse niya paalis.
Pumasok naman ako sa bahay. Tahimik ang bahay, hindi pa ata nakakauwi si Tita at Christine. Naupo ako sa sala at inilabas ang cellphone ko at tinawagan si Tita.
“Where are you?” Iyon ang bungad niya sa akin nang sagutin ang tawag ko. Hindi na dapat ay ako ang magtatanong sa kanya.
“Nakauwi na, where is my daughter?”
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
“Hindi kayo magkasama?” Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagtanong rin siya.
“Plinano mo ang lahat.” It's not a question.
Kunwari ay nag-ubo-ubohan siya pagkatapos ay nagpaalam na ibaba na ang tawag. Nahilot ko na lang ang sintido ko at sumandal sa backrest. Wala pang dalawang minuto ay sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Messages from Jhelmz.
“Sorry, nandito si Mom. Kailangan kong umakto. I'm sorry, C. 🥺”
“Sorry... 😣”