𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐋𝐄𝐕𝐄𝐍

2.2K 55 14
                                    

“Why is he dringking?” Narinig kong tanong ni Niko sa asawang si Pat.

“Nalaman lang naman niyang ikinasal sa iba si Christian,” tugon naman ni Pat. Hindi ko sila pinansin, patuloy lang ako sa pagtunga sa bote ng alak. Walang pakialam kung sobrang pait nang lasa nito, kasi wala ng mas papait sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I'm wrecked. Double iyong sakit, dahil akala ko may pag-asa pang maging kami ulit na maging maayos kami pagkatapos nang nangyari sa amin kanina sa opisina.

“That's sad.” Komento naman ni Niko. Gusto kong paikutin ang mga mata ko dahil sa narinig. Sad lang? I'm not just sad, I'm in pain!

“Hoy, Vrix! Balak mo bang sunugin ang baga mong gago ka!”Hiyaw ni Pat nang makitang tinunga ko ang alak. Kinuha niya sa akin ang bote at iniabot iyon sa asawa. “Itago mo 'yan.” Utos nito kay Niko.

I glared at them, but Pat just rolled her eyes at me, and Niko just smiled innocently. “Kumander's order,” He mouthed. “Happy wife, happy life.” he added before walking out.

He's so under. Tsk.

Naupo naman si Pat sa katapat ng kinauupoan ko. “Alam mo namang hindi sulosyon sa problema ang pag-iinom 'di ba?” She asked, concerned. She glanced at my wrist. “And cutting your wrist can't also solve your problem,” aniya. Napatingin naman ako sa palapulsohan ko. Nandoon pa rin ang mga marka noong mga panahong sinasaktan ko ang sarili ko. I'm not hurting myself anymore pero alam kong nag-aalala pa rin si Pat na baka maulit ang mga ginawa ko noon.

“I'm clean,” saad ko.

“I know... pero wala pa rin akong tiwala sa 'yo, ilang beses kang nangako sa akin na hindi mo na uulitin ang pananakit sa sarili mo pero anong ginawa mo? Paulit-ulit mo pa ring sinasaktan ang sarili mo.”

“But—” Gusto ko pa sanang magrason ngunit nang makita ang seryosong pagtitig niya ay natigil ako. Huminga na lang ako ng malalim.

“Ayaw ko nang makitang nakaratay ka sa hospital, Vrix...” Naging malungkot ang tinig niya.

“Pat...”

“I don't want to see you almost lifeless, Vrix. T-tangina kapag namatay ka, papatayin kita ulit!” Nabasag ang boses niya at unti-unting nanunubig ang mga mata.

“I'm sorry...” gagapin ko sana ang kamay niya para pisilin iyon ngunit nakarating na si Niko at agad napansin ang panunubig ng mata nang asawa.

“Pangga, what's wrong?” malumanay na tanong nito. Pinunasan nito ang tumulong luha sa mga mata ni Pat, it was so gentle. I can't help but felt a pang in my chest. Nakaramdam ako ng kunting inggit. I miss my baby so much. I miss my Yeobo. I miss my Christian.

Hindi ko namalayang nanubig na rin ang mga mata ko. Nagulat na lang ako nang mapansin iyon nang mag-asawa. “Vrix...” tawag sa akin ni Pat. Agad ko namang pinunasan ang mga mata ko.

“Gusto kong magmakaawa, gusto ko siyang bumalik sa akin...” mahinang sambit ko. “Pero alam kong hindi iyon tama. Oo nga't ako na ang pinakamasaya kapag nagbalikan kami pero alam ko namang hindi na siya magiging masaya sa piling ko.” habang binabanggit ang mga katagaang iyon ay pakiramdam ko ay hinahati ang puso ko. Ilang sandali lang ay inabutan ako ni Pat ng alak.

“Shot na lang natin iyan.” saad niya bagamat nakangiti siya mababanaag ang lungkot sa mga mata niya at awa na alam kong para sa akin. Uminom kami nang uminom. Hindi ko na namalayan kung anong oras kami natapos kakainom.

Kinabukasan ay nagising ako sobrang sakit ng aking ulo. Sa sobrang sakit noon ay para na itong mababasag. Bumangon ako sa kama at nasapo ang aking ulo.

“Dada! Gising ka na!” Napapapikit ang isang matang nilingon ko si Vrixiana. Nasa pintuan siya nakasuot ng pink na dress.

Pink na dress? Dahil sa nakitang suot niya at naibuka ko ang aking mga mata ng tuluyan at nabitawan ko ang aking ulo. Kailan pa siya nagsuot ng dress? Kahit kailan ayaw nitong magsuot ng dress lagi pa nga nilang pinag-aawayan ni Yuri ang bagay na 'yon.

Ngunit napakurap ako nang makitang mula sa likod ni Vrixiana ay may isang bata ring kamukha niya ang nakasuot ng pang batang cargo pants at puting t-shirt, mahinhin itong ngumiti sa akin habang si Vrixiana na nakasuot ng pink na dress ay malaki ang ngisi.

“Tingnan mo, Dada, nagpalit kami ng damitan ni Christine!” bulalas ni Vrixiana at hinawakan ang kamay ng batang tinawag nitong Christine. “Halika, Twinny, siya pala ang dada natin.” Saad ni Vrixiana at hinila ang bata.

“Twinny?” sambit ko.

“Yes po, kambal ko si Christine, ang sabi ni tita-lola-ganda ang totoong daddy namin ay si papa Christian.” Kumunot ang nuo ko nang marinig ang sinabi niya ngunit nang mapagtanto kung ano iyon ay umawang ang bibig ko.

“W-what?” nautal na tanong ko. Nasapo kong muli ang ulo ko dahil parang sasabog na iyon sa sobrang sakit.

“Gising ka na pala.” A familiar voice echoed from the door. At nang lingunin ko ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Christian doon. He walks in with a tray of water and a pain killer. He's wearing a white long-sleeve polo shirt, nakatupi ang bawat dulo niyon sa siko niya. He paired it with the dark blue jeans that fit him perfectly. The jeans are a bit baggy in the legs, and they have a few rips in them. He has a pair of black shoes on his feet. He's also wearing a black leather belt and a simple silver watch on his wrist, and he looks so fucking handsome and hot at the same time.

He walks over to the bed and sits down next to me. He places the tray down to the bedside table and he looks at me with a look of worry.

He takes a deep breath and he speaks softly. “Alam kong masakit ang ulo mo dala ng hungover. I brought you some water and a pain killer.”

“Slap me.” Wala sa sariling sambit ko.

Nagulat siya at nagtaka sa tinuran ko.

“You're not a dream right?”

He chuckled. He reaches out his hand and touches my cheek gently. He smiles at me and says, “You're not dreaming, I'm really here.” His voice is soft and comforting, and I feel a wave of warmth wash over me. “Inom ka na ng gamot para mawala na ang sakit ng ulo mo, marami tayong pag-uusapan.” Muli ay saad niya at iniabot sa akin ang tubig at pain killer na dala niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Baka kasi kapag kumurap ako ay bigla siyang mawala. Pagkatapos kong uminom ay kinuha ni Christian sa akin ang baso at ibinalik iyon sa bedside table.

“Papa C, Dada, paano po kami nabuo?” pareho kaming napalingon ni Christian nang marinig ang tanong ni Vrixiana. “Wala po ba kaming mommy? Saan po kami lumabas? Sino po sa inyo nagbuntis sa amin? Nabubuntis po ba ang lalaki?” sunod-sunod na tanong nito.

“Can a man get pregnant?” Christine asked innocently.

Natawa si Christian ako naman ay bumalik ang tingin sa kanya, sa mukha niya. Hindi nga panaginip ito, he's really here in front of me. Napansin niya ang pagtitig ko sa kanya kaya lumingon rin siya sa akin, malumanay ang ngiti niya. Hinaplos niyang muli ang mukha ko at mahinang sumambit ng—“I miss you so much, Yeobo...”

AVYANNAHLAVELLE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐁𝐄𝐆, 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘, 𝐁𝐄𝐆 (𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟐) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon