𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

1.5K 39 17
                                    

“Nakauwi na si Christian?” Iyon agad ang bungad ni Pat pagpasok ng bahay. Naupo siya sa katabi ng kinauupoan ko.

“Hmmm,” tanging tugon ko sabay higop ng kape.

“Nagkabalikan na ba kayo?! Sinabi mo na ba sa kanya ang totoo? Nagpaliwanag ka ba?!” Sunod-sunod na tanong niya.

“Galit siya sa akin, Pat.” tugon ko at ibinaba ang tasa ng kape sa center table.

“Oo nga pero kapag naipaliwanag mo sa kanya ang lahat sigurado naman akong makikinig iyon sa 'yo!” bulalas niya.

“Hindi ganoon kadali iyon, Pat. Nasaktan ko siya ng sobra-sobra noon at hindi ko man lang nagawang magpaliwanag. Sa haba ng panahon ang lumipas sa tingin mo ba intersido pa rin siyang malaman ang totoo? Sa tingin mo ba may pakialam pa siya?”

Bumuntonghininga siya. “Sana magka-closure man lang kayo.” Saad niyang tila nalungkot. Tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang anak niya at pinapauwi siya kaya naman ay nagpaalam na siya. Tinapos ko naman ang ginagawa ko nang tumunog ang cellphone ko, tumatawag ang secretary ko.

“Yes?” bungad ko nang sagutin ang tawag.

“Sabi po ng tita niyo puntahan niyo daw po siya ngayon din dito sa opisina.” Saad niya na nagpasalubong ng kilay niya.

“Anong ginagawa niya diyan?”

“May importante daw siyang sasabihin.”

“Bakit sa opisina kung pwede naman dito sa bahay?”

“Akala kasi niya pumasok kayo, may kasama rin siyang batang kamukha ni Vrixiana, Sir, akala ko nga si Vrixiana e, pero Christine ang tawag ng tita mo.” Sa narinig na sinabi ni OE ay mabilis akong napaayos at tumayo. Mabilis akong tumungo sa kwarto ko at mabilis na nag-ayos ng sarili.

Noong nakaraan pa hindi mawala sa isipan ko kung bakit magkamukha ang anak namin ni Christian. At bukod pa doon hindi rin siya mawala sa isipan ko. Ang laki ng pinagbago niya, naging misteryeso ang aura niya. Wala na ang dating Christian na kapag ngumingiti ay agad na liliwanag ang paligid dahil madadala sa ngiti niya. At wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Kasalanan kong lahat. Dahil bobo ako at sobrang tanga dahil namanipula ako nang mga taong iyon.

Pagkatapos kong nag-ayos ay agad akong nagmaneho patungo sa opisina. Hindi dapat ako papasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko pero dahil sa sinabi ni OE ay gusto ko na ring makausap si Tita, dahil sigurado akong may kinalaman siya at may alam siya kung bakit magkamukha ang dalawang bata...


Christian's POV:

“Ahh!” Naiinis na nahilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko pagkatapos marinig ang sinabi ni Tita. Dinala niya ang anak ko sa opisina ni Vrix at iniwan doon at gusto niyang sunduin ko.

Mabilis naman akong nag- ayos at umalis na gamit ang sasakyan ni tita na pinahiram niya sa akin. Halos paliparin ko na ang sasakyan sa bilis ng pagpapatakbo ko. Nang makarating doon ay agad ko pinark ang sasakyan at tinungo ang floor ng opisina ni Vrix. Pagdating doon ay binuksan ko lang ang pinto. Ngunit nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas nito, sa gulat ko ay na out of balance ako. Napapikit ako at hinihintay na bumagsak sa sahig ngunit matitipunong braso ang sumalo sa akin. At nang ibuka ko ang mga mata ko ay mukha ni Vrix ang bumungad sa akin.

I don't know what happened pero biglang tila nag-slow motion ang paligid. Tumingin siya sa akin na para bang gulat rin, may kunting hingal pa siya. “You okay?” he asked, worried. At dahil sa sinabi niya ay natauhan ako at mabilis na umayos sa pagtayo ngunit sa kamalas-malasan at na out balance pa rin ako at natumba dahil sa pagmamadali sa mismong harapan niya at kung mamalasin ka nga naman sa mismong labi niya lumapat ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat maging siya ay ganoon rin kaya mabilis akong umayos sa pagtayo at agad pinunasan gamit ang likod ng palad ko ang mga labi ko.

𝐁𝐄𝐆, 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘, 𝐁𝐄𝐆 (𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟐) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon