“Inumin mo 'to, stop crying na.” Inabutan ako ng tubig ni tita. Naupo siya sa kaharap ng kinauupoan ko at titig na titig sa akin, naibaba ko naman ang paningin ko sa mesa at dumako ang tingin ko sa ice cream na pinamili namin sa 7/11 kanina. Avocado flavor iyon at chocolate flavor.
“Wala po akong gana, tita.” saad ko. Nakita ko naman ang agad niyang pagsimangot.
“Kumain ka dahil kailangan mo ng lakas para sa sasabihin ko sa 'yo mamaya.”
“Po?”
Bumuntonghininga siya at biglang naging malungkot. Kinabahan pa ako nang makitang tumulo ang luha niya. Mabilis naman niya iyong pinunasan gamit ang palad niya.
“Bakit po? Bakit po kayo umiiyak, Tita?” nag-aalalang tanong ko. Ngunit muli lang siyang naiyak, pilit niyang pinipigilan pero humagulgol lang siya at naitakip niya ang kanyang mga palad sa kamay niya. Nilapitan ko siya at tumabi sa kanya at niyakap siya. Ilang minuto siyang umiyak nang umiyak at nang tumahan ay malungkot niya akong tiningnan. Kinuha ko naman ang bottle water, binuksan iyon at iaiabot sana sa kanya.
“Kinuha na si Xai ng nanay niya...” iyon ang sambit niya nang tumahan siya. Ang pag-aabot sa kanya ng tubig sana ay nabitin sa ere. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. “Umuwi na sila ng america.” dagdag niya.
Nang marinig ang sinabi ni Tita ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay niya. Pinara ang taxi na dumaan at mabilis na sumakay. Hindi ko na alintana ang pagtawag niya, agad kong sinabi sa taxi driver ang address, oras ang lumipas at nakarating kami sa bahay. Binayaran ko siya at agad na bumaba.
Tumakbo ako papasok. Naabutan ko si Vrix at Ev sa sala. Nakayakap ang babae sa kanya samantalang si Vrix ay namamaga ang mata. Na tila ba galing ito sa pag-iyak. Hindi ko sila pinansin mabilis akong tumakbo patungo sa kwarto ni Xai.
“Baby, Papa is here! Anak, where are you?!” tawag ko sa kanya nagbabakasaling may sumagot sa akin. “Baby, Papa C is here, labas ka na baby, p-please, m-mag-play tayo.” unti-unti nang nabasag ang boses ko nang wala pa ring Xai na sumasagot. Hindi ko na napigilang mapaluhod at humagulgol. “X-xai...n-nandito na si Papa, pakita ka na, anak, please.” Sambit ko habang humahahulgol.
“L-love...” Narinig ko ang basag na boses ni Vrix sa likuran ko pero hindi ko siya nilingon, tumayo ako at nagpatuloy ako, agad na binuksan ang banyo baka nandoon si Yuri at Xai. Baka pinapaliguan niya lang pero walang Xai at Yuri sa banyo. “His mother took him.”
Mabilis kong nilingon si Vrix. Galit at puno ng poot ko siyang tiningnan. Napansin ko din ang pagsunod ni Ev, agad na nabaling sa tiyan niya ang tingin ko nang maalalang buntis siya at si Vrix ang ama. Ibinalik ko kay Vrix ang tingin.
“Putangina mo...” mahina ngunit puno ng pagkamuhing sagot ko. “Parang wala lang sa 'yong kinuha si Xai ng nanay niya dahil magkakaanak ka sa babae mo!”
“No—”
“Fuck you!” putol ko sa sasabihin niya. Nilapitan ko siya at malakas na tinulak agad naman siyang inalalayan ni Ev.
“Why did you pushed him?!” galit na sigaw sa akin ni Ev.
“Pasalamat ka at babae ka at buntis ka dahil kung hindi kanina pa basag ang pagmumukha mong tangina ka.” Pigil ang sariling sambit ko. Nilampasan ko sila at tinungo ko ang kwarto namin ni Vrix agad kong isinara ang pintuan nang makarating doon at ini-lock, kinuha ko ang maleta at ipinasok doon ang mga damit ko pati ang mga mahahalagang papel ko. Pagkatapos ay nanghihinang naupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang paningin.
Habang nililibot ang paningin ay nakita ko ang malaking frame na nakadikit sa dingding kung saan nakapaloob ang wedding picture namin. Sobrang ganda nito noong pagmasdan ngunit ngayon, ibayong sakit at lungkot ang nararamdaman ko. The pain is so intense that I can barely breathe. I feel like I'm going to die. I want to scream, but I can't make any sound. I just want the pain to stop, but I can't do anything about it. The pain is unbearable. This is the worst pain in my life.