𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

2.3K 45 22
                                    

“Vrixiana, nasaan si Yuri?” I asked my 9 years old daughter. Kumunot lang ang nuo niya. Nagsalubong naman ang kilay ko nang makitang ilang sandali lang ay nilampasan niya ako kaya mabilis kong nahawakan ang kamay niya. Tiningnan naman niya iyon bago iangat sa akin ang tingin niya.

“Why are you touching me, Mister?” she asked me. Ang pagsasalubong ng kilay ko ay mas tumindi pa nang marinig ang sinabi niya. Pero nang maisip na isa na naman ito sa pranks nila ni Yuri ay sinakyan ko na lang.

“Well, Miss, I'm Vrix Gallano and you are?”

Nawala ang pagkakakunot ng nuo niya at unti-unting nabinat sa mahinhin na ngiti ang mga labi niya. “I'm Ch—”

“Sir, magsisimula na po ang meeting!” Hindi ko narinig ang sinabi ni Vrixiana nang bigla na lang sumulpot si OE ang aking sekretarya para sabihing magsisimula na ang meeting. Nilingon ko ito at tinanguan na lang pagkatapos ay binaba ko ang tingin ko kay Vrixiana na ngayon ay nakatingala pa rin sa akin. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.

“Kailangan ko ng pumunta sa meeting. Are you going to wait for me?” Umiling siya. “Okay, mag-ingat kayo sa pag-uwi, tatawagan ko si manong Lance para sunduin kayo. Hindi siya tumugon at hindi rin tumango kaya umuklo na ako at hinalikan siya sa nuo bago siya tinalikuran.

Nang malapit na kami sa meeting hall ay muli kong narinig ang tinig ni Vrixiana at ang mga yabag nito. Nilingon ko siya. “Careful,” mahinang saad ko.

“Dada, look, na prank ko si Mr. Chua!” bulalas niya sabay malakas na tumatawa at pinakita ang camera niya. Nakasunod naman sa kanya si Yuri. Pawis na pawis si Vrixiana at nagkalat rin ang buhok nito. Kumunot naman ang nuo ko nang makitang hindi na puting dress ang suot niya.

“Nagpalit ka ba ng damit?” I asked her.

“Mukha po bang nagpapalit ng damit iyang pasaway na 'yan, Sir?” Singit naman ni Yuri. Humalakhak naman si Vrixiana sa tinuran ni Yuri. Dahil totoo namang tamad siyang magpalit ng damit hanggat hindi naggagabi ay hindi mo siya mapipilit magpalit. Mapapagod ka na lang.

“Mabango pa rin naman ako kahit hindi ako magpalit ng damit! At isa pa ang ganda-ganda ko!” puno ng kumpyansang saad niya. “Pero, Dada! Panoorin mo muna itong prank ko kay Mr. Chua, para po siyang tanga—”

“Language, Vrixiana!” putol ko sa sasabihin niya.

“Opps!” aniya pa sabay takip ng isang bakanteng palad niya. Pilya siyang tumawa pagkatapos.

“Umuwi na kayo, Yuri, paliguan mo 'yan.” Hinarap ko si Yuri sabay turo kay Vrixiana na nang marinig ang sinabi ko ay sumimangot.

“Naligo ako last day, Dada!” Kontra niya. Napabuntonghininga ako. Hindi ko alam kung saan nagmana ang katigisan ng ulo ng batang 'to. Pahirapan pagdating sa pagliligo at pagbibihis.

“Noong isang araw iyon, magkaiba ngayon. You need to take a shower every day, Vrixiana Marie Gallano.” seryosong saad ko sabay banggit ng kumpleto niyang pangalan. Ngumuso naman siya at niyakap ang camera niya.

“Ako na nga ang nagtitipid ng tubig, ako pa naging masama. Ang mahal kaya ng bill ng tubig, Dada!” Pagdra-drama niya at mas lalong pinahaba ang nguso.

“Umuwi na kayo, Yuri. Kapag hindi iyan naligo itago mo ang camera niya.” Sabi ko kay Yuri. Walang ibang panakot sa batang 'to kundi ang camera niya. She loves vlogging and taking pictures and she also loves pranking people. Iyong sinabi niyang prank niya kay Mr. Chua ay hindi ko pa alam kung anong prank ang ginawa niya. Sana hindi malala.

“Oh no! Hindi ang camera ko! Oo na maliligo na ako at hindi magtitipid ng tubig! Halika na, ate Yuri, paliguan mo na ako! Waaaa!” Ang pasaway na bata ay hinila si Yuri para umalis. Naka-ismid naman si Yuring sumunod dito. Napailing ako at tuluyan ng pumasok sa meeting room. Naupo ako sa upuang nakalaan para sa akin bago inilibot ang paningin halos nandito na lahat.

𝐁𝐄𝐆, 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘, 𝐁𝐄𝐆 (𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟐) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon