𝐅𝐎𝐔𝐑

2.4K 25 25
                                    

“Done for today!” Anunsyo ni Austine at pumalakpak ng tatlong beses. Mabilis naman nagsigalaw ang mga tao at iniligpit ang dapat iligpit. Ganoon na rin ako, inasikaso ko na ang mga gamit ko dahil uwing-uwi na ako. I miss my husband so much. I miss Xai as well. “Christian, iyong movie project na pinu-push sa 'yo, what are you planning to do? Naghihintay na ang management.”

“I need to talk to my husband first, Aust, I can't decide alone.” tugon ko sa kanya. Austine is my manager.

“Sayang din kasi...” komento niya. Alam kong gusto niyang tanggapin ko ang project pero nagpapasalamat ako na hinihintay niya ang desisyon ko hindi tulad ng ibang manager na pinipilit ang mga talent nila kahit ayaw ng mga ito.

“I will talk to him later pag-uwi ko, I'll call you right away kapag nakapag-usap na kami.” Saad ko at isinukbit na ang itim na bag sa balikat ko. Tumango naman siya kaya nagpaalam na ako. Kakatapos lang ng shot namin sa isang brand. Kinuha akong endorser, it's a beauty drinks. I'm a consumer ng drinks kaya pumayag ako. Hindi kasi ako tumatanggap ng endorsement lalo na kapag hindi ko pa nasubukan ang products dahil ayaw kong manloko ng tao, doon lang tayo sa totoo.

Nang makarating sa bahay ay agad akong sinalubong ni Xai at ang mga kaibigan niya. Kanina noong on the way pa lang ako ay nag-chat si Perlas na pupunta daw sila dito sa bahay kaya nang makarating ako ay nandito na nga sila nina Jenny, AD at Fhukerat na busy sa cellphone niya. Agad naman akong nagbihis sa kwarto at lumabas rin para harapin sila. Hindi pa umuuwi si Vrix, lately, naging busy siya dahil maraming investors ang gustong mag-invest sa company, sunod-sunod ang meetings niya. And I understand naman but I miss him so much. Minsan na lang kasing magtagpo ang oras namin, sa gabi kasi pag-uwi niya ay tulog na ako at sa umaga naman ay maaga siyang umaalis at nag-iiwan lang siya post it note sa tabi ng table para mag-goodmorning at ipaalam sa akin na may agahan ng nakahanda sa kitchen for me na siya personally ang naghanda. What I love about Vrix, lagi siyang naghahanda ng breakfast for me sa loob ng anim na taon, walang palya.

“Ito ba ang bagong endorsement mo?” tanong sa akin ni QD nang ipagtimpla ko sila ng Avocado beauty smoothie ng Luxey. Binigyan ko sila ng tig-iisang baso.

“Yes, at ang sarap nito.” saad ko naman. Naupo ako sa tabi ni Perlas.

“Ang sarap naman nito.” Napalingon kaming lahat kay Fhukerat nang marinig ang sinabi niya akala namin ay ang smoothie ang tinutukoy niya hindi pala. Ang model at actor pa lang ss Luke. It was a video from the brand for which he models. Nang mapansin kami ni Fhukerat na nakatingin sa kanya ay tinaasan lang niya kami ng kilay at kinuha ang basong may smoothie. “Wala bang straw, Channy?” Maarte niyang tanong.

“Binabagay sa ganda ang kaartahen, bhe.” Komento ni QD na umani ng irap kay Fhukerat.

“Maganda ako, tsk, palibhasa kayo mga soafer haggardo versosa na, kaya hindi magawang mag-inarte.” Nailing na lang ako. Wala pa rin talagang pinagbago ang mga 'to, marami ng taon ang lumipas pero nagbabardagulan pa rin talaga sila.

“What if bumalik ang nanay ni Xai, Sid?” natigilan ako nang marinig ang tanong ni Perlas. Nalingon ko si Xai na nakikipagtawanan sa anak ni Jenny, QD at anak niya 'tapos binalik ko sa kanya ang tingin ko. Napabuntonghininga. Sa totoo lang hindi ko iyon naisip. Hindi namin napag-usapan ni Vrix. “Paano kung bawiin siya?”

“Pwede ba iyon? Iniwan niya ang bata 'tapos babawiin?” tanong ni Jenny habang humihigop ng avocado juice niya.

“Pwede iyon, hindi naman legally adopted nila Christian si Xai,” saad naman ni QD. “Unlike Waki na legally adopted namin ni Chols, he was named after us.” dagdag niya.

“Hindi namin napag-uusapan ni Vrix ang tungkol doon.” I honestly said. And thinking about it para ng nilalakumos ang puso ko. Mahal na mahal na namin ang bata. Kapag nangyari iyon siguradong mababasag ang mga puso namin ni Vrix.

“You have to be ready na lang talaga, Sid,” saad naman ni Perlas. Hindi ko alam kung magiging ready ba ako kapag nangyari iyon...

Nang makaalis na sila Perlas ay naiwan na lang kami nina Yuri, Xai at ang bago naming kasama dito sa bahay na si Freya. Naghahanda si Freya ng dinner while si Yuri naman ay nagre-ready na para umuwi. Pero napansin kong medyo malungkot si Yuri kaya hindi ko napigilang tanungin siya dahil baka may problema siya at kailangan niya ng tulong.

“Yuri, may problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na matamlay ka.” tanong ko. Hindi kasi ako sanay na tahimik siya.

Nagulat pa siya sa biglaan kong pagtatanong. Ngunit nang makabawi naman siya ay hindi siya sa akin makatingin kaya kailangan ko pa siyang yukuin. “Yuri?” tawag ko sa kanya nang hindi siya umimik. Kaya inalalayan ko siyang maupo sa sofa at tinabihan para i-comfort dahil humikbi na siya. “Anong problema?” I asked her.

Nagpunas naman siya ng luha pagkatapos ay humarap sa akin.

“Pasensya na, Sir. Naiyak lang talaga ako doon sa binabasa kong BL story, iyong isang bida kasi doon nakabuntis ng iba then nalaman no'ng partner niya, pinapili niya iyong lalaki, ang sakit, sir, kasi pinili niyon ang babaeng nabuntis niya at iniwan niya ang partner niya. Minura ko nga ang author no'n, bwesit kasi mapanakit!” mahabang sabi niya. Akala ko naman kung ano ang iniiyakan niya. Suminghot-singhot siya kaya inabutan ko siya ng tissue.

“Ikaw, sir, kunwari nakabuntis ka ng iba iiwan mo ba si Sir Vrixy?” tanong niya pagkatapos suminga. Natigilan naman ako. “Kasi ang reason no'ng lalaki doon, sir, iyong bata kawawa daw kung lalaking walang ama at hindi kumpleto ang pamilya. But in the first place naman, sir, kung mahal niya talaga iyong partner niya hindi siya makikipagtalik sa ibang babae ’di ba? Ang bobo rin talaga ng rason no'ng author doon, sir, kasi lasing daw kaya may nagyari sakanila noong malanding babae! Hindi ba, sir, kahit lasing ang isang tao may alam pa rin naman sa mga ginagawa? Ikaw ba, sir, iiwan mo ba si Sir Vrixy kung kunwari nakabuntis ka ng iba dahil sa kalasingan para lang magkaroon ng kumpletong pamilya ang magiging anak mo?” sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ako nakasagot at napansin niya agad iyon. “Huwag mo na sagutin, sir, sigurado naman akong hindi ka makikipagbombayaah sa iba dahil baliw na baliw ka kay Sir Vrixy! Babye na, sir, bukas ulit!” agad siyang tumayo at nagpaalam na.

Napasandal naman ako sa upuan at prinoseso sa utak ko ang tanong ni Yuri. Natawa ako at nailing na lang. Hinding-hindi mangyayaring makakabuntis ng iba dahil wala naman akong kainteres-teres sa iba. Mahal na mahal ko si Vrix and I will never hurt him again tulad noong pagsaktan ko sa kanya noon.

“Papa C...” nalingon ko si Xai nang marinig ang pagtawag niya. Tumabi siya sa akin.

“Yes, baby?” tanong ko sa kanya.

“Namiss ko na po si Daddy V, month na po siyang sobrang busy.” saad nito.

“Busy lang si Daddy sa work pero after  no'n babawi naman siya. Punta tayo ng Disneyland kapag hindi na siya busy, okay?”

“Okay po.”

Pagkatapos magluto ni Freya ay tinawag na niya kami para kumain. After naming kumain ay pinatulog na ni Freya si Xai samantalang ako ay hinintay si Vrix sa sala. Alas 9 na ng gabi, inaantok na ako dahil sa pagod sa shoot kagabi pero titiisin ko na lang dahil kailangan kong makausap si Vrix tungkol doon sa project abroad. Eleven na ng gabi dumating si Vrix at hindi ko inaasahang uuwi siyang lasing at mas lalong hindi ko inaasahang uuwi siyang inaalalayan ni Evanah dahil sa sobrang kalasingan ay pasuray-suray na lang ito.

“I'm sorry, nasobrahan kami sa alak and we enjoyed a lot.” saad ni Evanah pagkatapos kong kunin sa kanya si Vrix at ipaupo sa sofa. I don't know if she's really sorry or she just wants to annoy me dahil hindi imbes tunog sincere siya ay nagtutunog malandi siya sa pandinig ko. Nang makaalis siya ay tumayo ako at pumasok sa kwarto at kumuha ng wipes para punasan ang mukha ni Vrix dahil amoy alak siya.

Huhubarin ko sana ang damit niya ngunit natigilan ako nang makita ang maliit na marka sa leeg niya. I tried to wipe it pero hindi iyon natanggal at sa mga oras na iyon hinihiling ko na mali ang iniisip ko pero hindi dahil nang tuluyan kong hubarin ang damit niya ay lumantad sa akin ang maraming pulang marka sa dibdib niya. And at that moment bumalik sa isipan ko ang tanong ni Yuri pero hindi tungkol sa akin ang tanong. “What if makabuntis si Vrix nang ibang babae? Pipiliin niya ba ang anak niya at ang ina nito o ako na asawa niya?”  wala pa mang sagot ay halos madurog na ang puso ko. Lord, huwag naman sana... dahil ikakadurog ko kapag nangyari iyon.

AVYANNAHLAVELLE

𝐁𝐄𝐆, 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘, 𝐁𝐄𝐆 (𝐁𝐎𝐎𝐊 𝟐) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon