gdoabqgdbfid

48 0 0
                                    

Pumasok na ako sa bahay at nakita ko ang "BUONG" pamilya ko na nakaupo sa sala. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!!" Sigaw sa akin ni Papa. Pinipigilan naman ni mama si papa. So nasabi na nga yung nangyari..

Nakayuko lang ako at biglaan nang tumulo ang mga luha ko. "Anong kahihiyan to cindy?! Pumatol ka sa kapwa mo babae! Nakakadiri ka! Tama pa ba yang pag iisip mo?! Haaa?!!" Sigaw nanaman sa akin ni papa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ako, Galit ako galit na galit ako.. Nagpunas ako ng luha at hindi padin ako umiimik..

Alam ko na galit si papa. Sobrang galit. Si papa yung tipong ayaw na ayaw niyang napapahiya siya o ang pangalan niya. That's why nung nalugi yung company na pinamana sakanya ni lolo pinursigi niya na palaguin mula. And thank god napalago naman. Pero yung attention niya sa amin dati, sobrang ibang Iba na ngayon.

Simula nung nagpunta ng Paris si papa, lagi nalang trabaho trabaho trabaho ang nasa isip niya. Buti pa nga si mama e tumatawag kahit nasa malayo siya, pero si papa parang wala siyang pamilya..

Super close kami ni papa dati, as in. He always treated me like a princess.. Para nga Kong nasa palasyo.. Daddy's girl kasi ako.

Nagdabog si papa dahilan para magulat angahat. Lumapit ako kay papa. "Pa sorr..." Naputol ang sasabihin ko nang magulat na lamang ako sa ginawa sakin ni papa. Sinampal niya ako at tumulo ang mga luha niya.. "Saan ako nagkulang ng pagpapalaki at pangaral sayong babae ka?! Hindi kita pinalaki na maging isang barumbado at isang babaeng kalye! Na kung kani kanino lumalandi at kung saan saan makikipag away! Cindy nag iisip ka pba?! Maglalandi ka nalang nga talagang sa kapwa mo pang babae?! Hindi ka ba nandidiri sa ginagawa mo?! Wala akong magawa kundi humagulgol lang ng iyak habang nakahawak sa kaliwang pisngi ko na sinampal ni papa, Hindi ko inaakala na yung hari ko, pinapahirapan ngayon yung prinsesa niya? Sinasabihan ng masasakit na salit..

"Umalis ka. Ayaw kitang makita" sabing muli ni papa. Tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko at nag lock ng pinto..

Ano bng ginawa ko? Kasalanan ko pang BIGLAAN kong mahalin yung taong mahal ko ngayon! Why is he like that? Yun ba yung papa ko?! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Elora.

"Bebs ok ka lang? Nakauwi ka na ba?" Agad na bungad niya.

"Bebs bakit ganun si papa sinampal niya ko at parang pinapalayas na niya ko"

"Bebs, Hindi po. Mahal ka po ng papa mo. Lahat po ng tatay mahal ang mga anak."

I'm InLove with a Stupid LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon